"Umupo ka, Red!"
sabi sa akin ni Boss Rey, pagpasok ko sa opisina niya. Pinatawag niya kasi ako
pagkatapos kung tumugtog. "Superb performances!"
Nakaupo na ako nang muli siyang nagwika.
"Salamat po! Bakit niyo po pala
ako pinatawag?" Kinakabahan na ako. Tiningnan ko ang
pinto. Tinantiya ko kung makakalabas ba ako kaagad, sakaling may gawin siyang
di maganda.
"May gustong mag-hire sa'yo para
tumugtog sa kanyang birthday. Pwede ka ba on Jan 3?"
Nag-isip ako. Tiningnan ko siya.
"Out of town ito. Batangas."
Naghintay si Boss ng sagot ko.
"Magpapaalam po ang muna ako sa
parents ko."
"Asap na ito. I need you decision
now. Ikaw ang first choice. Ano?"
Wala pa rin akong maisagot.
"Don't worry sa payment. Sabi ko
sa client ay P1000 per song. Lahat iyon sa'yo. Wala akong commission. I'm just
giving you a great deal. Para din sa'yo yan. Think about it now.."
Sumandal siya sa swivel chair at tinitigan ako habang iniikot-ikot ang fountain
pen sa mga daliri.
"Boss, safe po ba ako dun? Sino po
ang kasama ko?"
Ngumiti muna si Boss. "Ako.
Friend ko yung celebrant. So, I'm one if his guests. I will stay there para
sa'yo. So ako rin ang kasama mo pauwi. Ano?"
Medyo nakumbinsi ako.
Naisip ko pa ang kikitain ko. "Ilang songs daw po ba ang
ipi-prepare ko?"
"Ten songs."
Nasamid ako. Ten times One
thousand pesos kasi is a big amount. Whoah! Not bad! Sisiw ang ten songs.
Interesado ako. "Anong
genre po ng songs. O may song request po ba sila?" tanong ko.
"A, oo. Sabi niya, yung mga bagong
kanta ngayon. Any genre basta mga uso ngayon 2014. Ibig ba sabihin niyan, e
deal na?"
Ngumiti ako.
"Opo, deal na!"
"That's great, Ted! Anyway, here
is your salary for night!"
Agad kong inabot ang pera
at nagpasalamat ako.
"See you tomorrow night. Ingat sa
pag-uwi."
Excited akong nagkuwento
kina Mommy at Daddy. Natuwa sila. I'm sure matutuwa din si Dindee kung narito
na siya.
No comments:
Post a Comment