Followers

Friday, January 2, 2015

Redondo: Pabango

Hindi ko lubos maisip kagabi ang mga ikinilos ni Boss Rey. Hindi ko muna ito sinabi sa aking mga magulang at kay Dindee. Baka nagkakamali lang ako.

Kagabi kasi, bago ako pinakanta ay tinanong ako kung bakit Linggo na ako nagpakita. "Pumunta po kasi ako sa Mommy ko", sagot ko. Sinabi niya na papasok ako hanggang December 30. Walang pong problema, sabi ko rin. Pero, humirit siya. Kung pwede daw ba akong tumugtog sa bahay nila sa Media Noche kasi may salu-salo ang pamilya niya. Tumanggi agad ako siyempre kahit inalok niya ako ng tripleng bayad.

"Kahit na po higit pa dyan ang ibayad ninyo, hindi po talaga ako pwede kasi ngayon na lang uli ako magba-Bagong Taon na buo ang pamilya ko." mahinahon at malinaw kong paliwanag.

"Sabi mo, hiwalay ang mga magulang mo!" Kumunot ang noo ni Boss Rey. Medyo, nainis yata.

"Gumawa po ako ng paraan para magkabalikan sila. Nagawa ko naman po. Kaya nga po absent ako ng dalawang araw." Pilit akong ngumiti

Hindi naman nagbago ang mukha ni Boss. "Well..nice! Mamaya ihahatid kita para maniwala ako. Sige, get ready. Ikaw na ang susunod na tutugtog." Tumalikod na siya pagkatapos.

Naisip ko, bakit pa kailangang niya ng proof?

Alas-diyes, tapos na akong tumugtog. Agad akong bumaba at agad din akong sinalubong ni Dindee. Naghihintay naman si Boss Rey sa may pinto, habang pinaiikot-ikot ang key chain sa daliri niya.

"Tara na! Ihatid ko na kayo."

"Boss, okay lang po kami." Ayaw ko sanang ihatid niya pa kami pauwi.

Wala kaming nagawa, kundi sumakay sa magara niyang sasakyan. Sa tabi niya ako pinaupo. Magmumukha daw kasi siyang taxi driver kung sa likod kami pareho uupo. Nakasimangot tuloy si Dindee habang kayakap ang gitara ko.

On the way at habang naka-stop, napansin ni Boss na wala akong seat belt. Maglagay daw ako. E, hindi ko alam kung paano. Kaya, siya ang nagkabit. Halos dumikit ang ilong niya sa dibdib ko. Inilapat niya pa ang belt dahilan para madikit ang palad niya sa dibdib ko. Kakaiba..parang nanantsing.
Naisip ko, bading ba siya?

"Anong pabango mo?" tanong ni Boss.

Nagulat ako.

"Axe lang po. Mabaho po ba ako?" Nakangiti ako baka kako naamoy niya ako nang kinabitan niya ako ng seat belt.

"Hindi naman. Meron kasi akong ibibigay sa'yo." Agad niyang kinuha ang regalo sa dashboard. "Eto, para sa'yo..for your best performances."

"Salamat po!" Nabasa kong nakasulat pa ang "To: Red, Merry Christmas and Happy New Year, From: Boss Rey. Ibig sabihin, hindi biglaan. Pinaghandaan niya.

"Buksan mo." Excited pa siya kesa sa akin.

Lacoste na pabango ang regalo niya. Mamahalin. Nagtaning pa siya kung nagustuhan ko. Opo lang ang sagot ko.

"Bagay yan sa'yo para laging kang mabango. As a musician, dapat huggable ka rin para maraming fans."

Hindi na ako kumibo. Hindi ko naman kasi na-dig ang gusto niyang sabihin. Hindi naman ako mabaho kaya kahit walang pabango ay mukha akong mabango.

Nang narating namin ang bahay, pinababa niya si Dindee. Sunduin niya daw sa loob sina Mommy at Daddy.

Habang sinusundo ni Dindee, may mga tinanong pa si Boss. Tapos, naalala niyang di pa ako nabayaran.

Nagbilang siya ng pera. Tig-iisang daan. Okay lang daw ba sa akin. Opo, sagot ko.

Nang iaabot na niya sa akin ay nahulog ang iba sa may lap ko. Napunta sa gitna ng mga binti ko ang iba.
Sumunod na nangyari ay dinampot niya ang pera sa may singit ko..dahilan para mapapintig ako. Parang hinipo niya ang ari ko. Shit! May pagnanasa sa akin si Boss.

Agad akong nagpasalamat at lumabas.

Nagpaalam naman si Boss nang parating na sina Mommy at Daddy na magkaakbay.

Wew! Bading ba si Boss?

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...