Followers

Friday, January 2, 2015

Redondo: Boarding House

Alas-onse na kami nagsibangon. Andaming kalat o ligpitin sa kusina pero di muna namin inintindi. Nag-almusal muna kasi kami.

Tapos, naisipan kong pumunta kay Mommy.

"Dad, sama ka po sa amin ni Dindee." nakangiti kong sabi.

"Saan?"

"Kay Mommy po." Nakangiti pa rin ako. Nakita ko si Dindee na nakangiti rin. Naikuwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Mommy kanina.

Ngumiti din si Daddy. "Kung pwede lang, Red, e." 

"Pwede naman po, ah. Hindi na galit sa'yo si Mommy." Nagseryoso na ako. Kailangang mapaniwala ko siya.

"Imposible yan, nak!"

Inakbayan ko si Daddy papunta sa sofa. "Alam niyo po Dad, kanina tumawag si Mommy. Nagbiro siya..kiss daw kita para sa kanya. O? Ano po masasabi niyo?"

"Sus! Biro nga e. Sineryoso mo naman. Saka na. Wala pa ako sa mood manuyo ngayon. Hayaan mo na muna siya."

"Tito, makikisali na po ako sa usapan ninyong mag-ama." si Dindee. "Alam niyo po? Totoo po ito. Ilang beses ka niyang itinatanong sa akin. Sa text po. Minsan nadulas siya. Ang gwapo niyo po daw ngayon. Nakita niya sa FB ang picture mo."

"See, Dad? Sabi ko sa inyo, e."

Ngumiti siya. "Sus! Wag niyo na akong bolahin. Sige na, pinapayagan ko na kayong pumunta dun."

"Hindi ka po sasama?" tanong ko.

"Di na. Kiss mo na lang siya para sa akin. Hehe!" 

Kinilig kami ni Dindee. Nag-apiran pa kami.

"Sabi ko na nga ba, e. Pakipot pa kayong dalawa." biro ko. Kumanta pa ako. "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.."

Sa boarding house ni Mommy ay ikinuwento namin ni Dindee ang mga usapan namin sa boarding house. Namula si Mommy. Ang sarap ng ngiti. Obvious na kinilig. Nakakatuwa ang mga magulang ko. Parang PBB Teens lang ang peg.

Ang saya sa pakiramdam. Sana nga, mapatawad na ni Mommy si Daddy bago mag-New Year.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...