Followers

Thursday, January 1, 2015

Redondo: Ice Skating

Kahapon,  hindi ako nakapagsulat sa journal ko. Tinawagan kasi ako ni Mommy. Pinapunta niya ako sa boarding house niya.

Akala namin ni Dindee ay may malaking problema si Mommy. Nalulungkot lang pala. Nagpasama sa mall. Sa MOA niya kami dinala. Nanuod kami ng parada ng MMFF 2014. First time ko at ni Dindee na manuod ng parade of the stars, na sinasabi. Pero, si Mommy, taon-taon daw siyang nanunuod. Siguro ay sampung taon na.

Ang ganda naman e. Hindi ako na-bored. Gayundin din daw si Dindee. Mas sanay kasi siya manuod lang ng Ati-Atihan. 

"Ang pogi talaga ni Daniel Padilla." Paulit-ulit na sinasambit ni Dindee.

Kaya nang di na ako nakatiis, nagsalita na ako. "Puro ka Daniel! Mas pogi naman dun si Redondo Canales!" Tapos, tumawa ako.

Sabay ding tumawa ang dalawang babae. 

"San banda?"

"Dito, oh!" Agad naman akong nagpogi sign.

"Ambisyoso talaga ang boy friend ko. O, siya..sige na. Pogi ka na. Di ba, Tita?" Nagkindatan pa ang dalawa.

"Ay, oo! Walang duda! Kanta ka nga anak ng Nasa Na ang Lahat."

Lalong nagtawanan ang dalawa nang ginaya ko ang boses at pagkanta ng idol ni Dindee.

Nag-stay pa kami sa loob ng mall. Binilhan ako ni Mommy ng pantalon. Tapos, naisipan kong subukang mag-ice skating. Pumayag naman si Dindee kaya nag-enjoy kaming tatlo. Si Mommy ay lubos na na.g-enjoy dahil panay ang simplang namin ni Dindee. Captured pa ng camera. Tawa kami ng tawa habang tinitingnan namin ang mga shots ni Mommy sa amin.

Sa boarding house na kami pinatulog ni Mommy. Kaninang umaga lang kami nakauwi.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...