Absent ang isang banda na regular ding
tumugtog sa MusicStram. Kaya, humirit pa si Boss Rey na tumugtog uli ako after
one hour. Hindi ko nagawang humindi. Isa pa, may nakahanda naman akong mga
kanta kasi nag-practice ako kahapon ng para sa gig ko sa Jan. 3. Pumayag naman
si Boss na gamitin ko ang mga iyon.
Kumita ako kagabi, sa anim
na kanta, ng dalawang libo. Walang kahirap-hirap. Inihatid pa ako ni Boss Rey.
Bandang ala-una y medya na. Alam naman nina Mommy dahil tumawag ako.
Ni-remind ako ni Boss Rey ng tungkol sa
schedule ng gig ko sa Batangas. Huwag ko daw kalimutang pumasok ng maaga dahil
bibiyahe pa kami.
Si Daddy na lang ang gising
sa bahay, nang dumating ako sa bahay. Natulog na ako agad. Alas-onse na ako
bumangon. Malapit nang maluto ang lunch na inihahanda nina Mommy at Daddy, kaya
di na ako nag-almusal. Nakipagkulitan na lang ako da kanila. Si Dindee ay
sinalihan ako sa pambubuko kay Daddy.
"Alam mo ba Tita Remy?" si
Dindee. "Si Tito Joaquin, ang sipag pala niya pag na-eexcite.."
Nakangiti na agad si Daddy.
"Yes, Mommy! Alam mo po bang.?
" Di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi natakpan kaagad ni
Daddy ang bibig ko.
"Kayong dalawa, pinagkakaisahan
niyo ako ha. Pag ako nadulas, ikukuwento ko rin kay Mahal ang mga.."
"Oy, Dad! Mukhang ikaw lang ang
nakakaalam ng kuwento mo." sabi ko. Wala kasi akong
matandaan na maaari niyang isumbong kay Mommy, maliban na nahuli niya kami ni
Dindee na sweet na sweet.
Agree naman si Dindee. Wala
daw siya maalala.
Napangiti na lang si Daddy.
"Kayo talagang tatlo!" si
Mommy naman. "Malalaman ko din lahat ang mga 'yan in the right time. Hala
sige, mag-prepare ka na Red ng mga plates."
Nakaligtas si Daddy. Hehe
No comments:
Post a Comment