Alas-siyete ay gising na ako para
maggitara. Kailangan kong maghanda ng mga kanta para sa gig ko sa Enero 3 sa
Batangas. Mabuti at wala pa si Dindee. Kasi kung andito na siya maraming
kuwento iyon. Tapos, malamang magpapakita pa siya ng mga pictures nila. Tapos,
makikipagkulitan pa sa akin.
Alas-tres na siya dumating.
At least, marami na akong napractice na kanta. Almost ready na, pati ang
tutugtugin ko mamayang gabi sa MusicStram.
Hinarap ko ang girl friend ko.
Pinakinggan. Ayon sa mga kuwento niya, sobrang nag-enjoy siya sa overnight
swimming nilang magkakaklase. Natutuwa ako. Ipinakita at ipinaramdam ko iyon sa
kanya. Kaya nang ako naman ang nagsalita tungkol sa gig ko, natuwa din siya.
Napa-wow pa nga sa kikitain ko. Galing ko daw talaga.
Tapos, sinamahan ko siya sa
pag-a-upload ng mga pictures nila. Nang matapos, in-upload niya rin ang mga
pictures ko sa bar habang tumutugtog.
Then, ako.naman ang
sinalihan niya sa pag-eensayo. Siya ang nag-judge. Mahusay din siyang critic.
Marami siyang suggestion na katanggap-tanggap naman. So, nakatulong siya sa
akin.
Paminsan-minsan, pati ang
parents ko ay nagbibigay din na kanilang suhestiyon.
I know, ang magaling na
musikero ay tumatanggap ng payo para sa lalong ikaiibayo ng kanyang talento. So
I must be thankful for them.
No comments:
Post a Comment