Followers

Friday, January 2, 2015

Redondo: Truth or Consequence

Kagabi, sa boarding house ni Mommy, nagkulitan lang kaming tatlo. Naglaro kami ng "Truth or Consequence". Kinalaunan, ginawa na lang naming "Truth". Gusto kasi namin ni Dindee na paaminin si Mommy na mahal niya pa si Daddy. Dinaya pa nga namin para siya lang lagi ang matanong namin. 

Ang di ko malilimutang sagot ni Mommy ay nang tanungin ko siya ng "Kapag pinapunta ko ba ngayon dito si Daddy, papayag ka po ba? Bakit?"

Sabi niya: "Yun lang pala e. Oo!"

"Bakit po?" tanong ni Dindee.

"Kasi gusto niyo! May magagawa ba ako!?" 

Tumawa pa siya. 

Akala niya ay makakalusot kay Dindee.

"Oo nga po. Ang gusto naming malaman ay kung bakit ka pumapayag? Di ba po galit kayo sa kanya? At ayaw niyo siyang makita?"

Natigilan si Mommy. Pinilit pa namin siya ng konti bago muling sumagot.

"Kasi..for the spirit of Christmas! Ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa."

Para kaming nanalo sa lotto ni Dindee. Bigla kaming tumayo at naghihiyaw, sabay talon-talon.

Kaya, agad kong tinawagan si Daddy at pinapunta ko. Ayaw pa sanang maniwala pero nang ipakausap ko si Mommy, naniwala na siya. 

Andami naming kilig ni Dindee. Walang mapagsidlan ang ligaya ko. Paskong-pasko ay punong-puno ng biyaya ang pamilya ko. Salamat sa Diyos.

Alas-diyes na ng gabi nakarating si Daddy sa boarding house. Sobra kaming kinilig, lalo na si Mommy. May dala kasi siyang cake at bouquet of flowers. Nag-kiss sila. Matagal. Tapos, matagal ding nagyakapan. Parang sa pelikula lang. Akala ko dati, sa pelikula lang nangyayari ang tagpong ganun.

Kinurot-kurot ni Mommy si Daddy nang maghiwalay sila sa pagkakayakap. "Mangako ka sa mga bata na magiging faithful ka na." demanding na sabi niya pero nagba-blush.

Humarap sa amin si Daddy. Tinaas ang kanang kamay. "Dindee at Red, ipinapangako ko sa inyo na magiging faithful naako sa tita at mommy niyo. Ano? Okay na ba? Sorry. I miss you."

Kinilig lalo si Mommy. Tapos, hindi na niya napigilan ang sarili. Niyakap niya si Daddy. "Sorry na din. I miss you, too!"

Naramdaman ko na lang na magkayakap na rin kami ni Dindee. 

God is good talaga. Isa itong mamamahaling regalo para sa akin.

Hindi kami nakatulog kaagad. Panay ang kuwentuhan namin. Si Daddy at Mommy ay hindi matapos-tapos ang away-awayan. Nakakakilig sila.

Kinabukasan, continuation ng masayang kulitan at kuwentuhan. Super saya ng mga magulang ko. Hindi sila mapaghiwalay. Kami tuloy ang nahihiya ni Dindee. Mabuti na lang ay nadala ko ang gitara ko kaya may napaglibangan ako. Naki-join na lang tuloy sa akin si Dindee. At nang nagsawa siya, kinuhaan niya kami ng sankatirbang pictures. Natuwa ako sa idea niya kaya ako mismo ang nag-enggayo kina Mommy at Daddy na mag-pose kami.

Later, in-upload ko FB ko. Nilagyan ko ng caption na "Best Gift" at #completefamily. Andami agad likes at comments. May nag-congratulate pa.

Pinasalamatan ko si Dindee sa tulong na para mabuo ko ang pamilya ko.

"Para din sa atin ito, Red." sagot niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ko na lang dinugtungan. Nginitian ko na lang siya.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...