Followers

Thursday, January 1, 2015

Redondo: Noche Buena

Bonding time namin ni Dindee, habang ginagawa ang fruit-buko salad. Ipinaubaya sa amin ni Daddy ang pagtimpla at paghalo. Ayos naman! 

"Pwede na! Pwede ng magnegosyo!" puri ni Daddy pagkatapos niyang tikman ang mixture.

"Thanks, Dad! Pero parang napilitan ka lang po yata." Tumawa ako.

"Hindi, ah. Masarap na nga. Eto o, nakangiti ako." 

Nagtawanan kaming tatlo. 

Tapos, alas-nuwebe ng gabi, sinimulan na namin ni Dindee na ihawin ang manok na inihanda ni Daddy. Ang sarap palang mag-ihaw. Enjoy ako.

"Sana marami pang Pasko ang dumating na magkasama tayo, Red." si Dindee, na nasa tabi ko. Yumakap ka siya. 

"Oo naman! Ikaw lang ang gusto kong kasama kapag Pasko!" Inakbayan ko rin siya.

Malamig ang simoy ng gabi pero hindi namin naramdaman iyon dahil sa literal na init mula sa uling sa aming harapan at sa init ng pagmamahalan naming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong ligaya. 

Habang hinihintay namin ang alas-dose ay nagkantahan kami. Panay din ang tunog ng cellphone namin dahil sa mga greetings. 

Tumawag din ang mga magulang ni Dindee upang batiin kami. Tinawagan din ako ni Mommy.

"Hindi mo po ba babatiin si Daddy?" biro ko sa kanya.

"Hindi na. Kiss mo na lang siya para sa akin. Joke!"

"Uy, si Mommy, may pagtingin pa rin. Sige, gagawin ko. Ang bango-bango pa naman ngayon ni Daddy kasi bagong ligo. Tapos, ang macho pa dahil nagba-barbell siya noong isang araw pa."

"Red, wag. Biro lang. Masyado ka. Kurutin kita sa singit, eh."

Andami kong tawa. Kilig pa rin talaga si Mommy kay Daddy. Ang mga babae talaga, sadyang pakipot. 

Noche Buena. Isang masayang tagpo ang naganap. First time yata namin ni Daddy na mag-Noche Buena. Madalas ay tulog lang kami. Ngayon, hanggang alas-dos kami. Nakaubos kami ng isang bote ng red wine at nakaawit ng maraming kanta sa videoke. 

Merry Christmas talaga!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...