Followers

Friday, January 2, 2015

Redondo: Excited

Ang saya namin kagabi. Walang humpay na kulitan at tawanan. Nagsiksikan nga lang kami sa boarding house ni Mommy. Pero, ayos lang. Ang saya pa rin dahil natupad na ang pangarap ko. Nagawa ko na ang dare ni Dindee sa akin. Although kami na, kahit paano ay mas tataas ang pagmamahal niya sa akin dahil hindi na ako kabilang sa may broken family. Isa na lang ang aking pasanin --si Mam Dina at ang magiging kapatid ko. Meron pa rin palang magiging apektado sa pagkakamali nila. Gayunpaman, naniniwala ako na magiging maayos ang lahat pagdating ng araw.

Alas-nuwebe na kami nagsibangon. Ang ingay uli namin. Mabuti at kami na lang ang tao sa paupahan. Kundi nabulyawan kami ng ibang tenants.

After lunch, umuwi na kaming tatlo sa boarding house. Hindi namin napilit na sumama sa amin si Mommy. Gusto daw muna niyang tapusin ang advance payment niya. Saka ayaw niya ng biglaang lipatan. Maghahakot na lang daw siya ng pakonti-konti. Ang mahalaga daw ay okay na sila ni Daddy.

Okay, ang sagot namin.

Sa bahay..

"Salamat, sa inyong dalawa! Napatawad na ako ni Remy." sabi ni Daddy, pagkapasok na pagkapsok pa lang namin sa bahay. 

Nginitian siya ni Dindee.

"Dad, hindi lang ang kapatawaran niya ang mahalaga. Mahalaga rin na magkakasama na tayo uli. Ilang taon din kayong hiwalay." sabi ko naman.

"Isa din iyon. Kaya nga thankful ako sa inyo."

"Tito Joaquin, deserve niyo po kasi ang isa't isa."

Ngumiti lang si Daddy. Alam ko na kinikikig pa rin siya. Kaya nga maghapon na siyang di mapakali. Panay na ang linis. Nagbawas na ng mga gamit. Inilabas na niya ang mga nakatagong gamit na pwede namang itapon na. 

"Dad, may maitulong po ba kami ni Dindee?" Nakita ko kasing nagkakandaugaga na siya habang kami ni Dindee ay pa-FB-FB lang.

"Wag na, Red! Okay lang ako. Itimpla mo na lang ako ng kape."

"Okay po." Tumungo ako agad sa kusina at nagtimpla ng kape.

Habang nagkakape si Daddy, nabubulungan naman kami ni Dindee. Si Daddy ang topic. Natutuw kami sa mga ikinikilos niya. Very excited sa paglipat ni Mommy.

Maya-maya may naisip akong biro.

"Hello, Mommy?!" Kunwari tumatawag si Mommy. Pinaring ni Dindee ang cellphone ko. "Opo, andito po siya." Tumayo pa ako at nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Daddy. Nakita ko nga si Daddy na nagpakita ng interes sa usapan namin. "Musta po? Kailan po kayo lilipat? Ha? Bakit po?" Naglungkot-lungkutan ako. Tapos, tiningnan ko si Daddy. Sumenyas siya na kakausapin niya si Mommy. "Kakausapin ka daw ni Daddy... Po? Bakit po? Saglit lang daw... Ah.. Sige po. Bye."

"Anong sabi?" tanong agad ni Daddy.

Sinabi ko na nagbago ang isip ni Mommy. Hindi na siya titira sa amin. Sinabi ko iyon ng malungkot, kaya nalungkot din si Daddy. Speechless. 

Tapos, pumalanghit kami ng tawa ni Dindee. Hindi na kasi maipinta ang mukha ni Daddy. Tawa ako ng tawa habang nagso-sorry. Nilapitan tuloy ako ni Daddy at binoksing-boksing sa braso.

"Gago ka talaga! Kung di lang kita anak.." sabi pa ni Daddy. Namumula siya. 

"Peace po, Dad!"

"Lakas mang-trip ng anak niyo, Tito! Adik lang ang peg." si Dindee. Pero, tawa din naman siya ng tawa.

Hindi naka-move on si Daddy hanggang nasa hapag-kainan na kami. Akala daw niya totoong nagbago ang isip. 

Sabi ko naman, hindi na iyon mangyayari dahil nakipaghalikan na sa kanya si Daddy.

"Tindi po ng laway niyo, Dad!" biro ko pa.

"Ssssh!" pinandilatan niya pa ako. Nakangiti naman. 

Natawa na lang kami ni Dindee.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...