Followers

Friday, January 2, 2015

Redondo: Love is Sweeter the Second Time Around

Tatlong araw na lang bago magpalit ng taon.

Sobrang busy pa rin si Daddy. Nagpalit siya ng mga kubre-kama, punda, kurtina at kubre-sofa. Nagkumpuni rin siya ng mga sirang kagamitan. Pagkatapos ay naglaba pa siya. Tindi ni Dad! Pinaghahandaan talaga niya ang paglipat ni Mommy. Nakakatuwa. Bihira ang ganito.

Ako naman ay naggigitara lang, habang si Dindee ay nag-aayos ng kuwarto niya. Naisip niya daw kasi na baka mag-share sila ni Mommy ng room.

"Mas gusto kong magkasama sila ni Daddy sa kuwarto." sabi ko naman.

"That's nice! Saan ka na matutulog?"

"Share tayo!" mabilis kong sagot.

"Hoy! Hindi tayo mag-asawa! OA ka." Hinampas niya pa ako ng tinutupi niyang damit.

"Hindi pa ba!?" Kumamot-kamot ako sa noo ko at ngumiti.

"Ikaw! Iba na naman ang tumatakbo dyan sa kukote mo ha. Ayusin mo!" galitan-galitan siya. Tinusok pa niya ang sintido ko.

"Joke lang! Masyado ka namang seryoso. Magsimba na nga lang tayo."

"Mas maigi..Pero, mamayang hapon na. Andami ko pang liligpitin. Si Tito din o."

Hapon na nga kami nakapagsimba. Kasama namin siyempre si Daddy. Sayang nga lang daw kasi di pa namin kasama si Mommy.

Gabi, paalis na sana kami ni Dindee papuntang MusicStram at kasalukuyang nanunuod si Daddy ng telebisyon, dumating si Mommy. Lahat kami ay nagulat at natuwa. Niyakap namin siya, isa-isa. Si Daddy ang huling yumakap. Wow! Parang mga dalaga at binata lang. Tila, hindi nila alam na nakatingin kami. Kilig moment.

Totoo ngang 'Love is sweeter the second time around.'

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...