Followers
Thursday, December 21, 2017
Si Tommy Tamad
Si Anihay, ang Taong-Bahay
Ang Mahiwagang Refrigerator
Ayaw Ko Nang Maging Mangingisda
Sa tuwing aalis si Papa para mangisda, nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. May ibinubulong pa siya sa aking ina. Pero, masaya naman siya tuwing darating siya.
Iba't ibang uri ng isda ang nahuhuli niya. May malalaki. May maliliit. May makukulay. May matitingkad. May nakakatakot. May pambihira at kakaiba. Pero, lahat ng inuuwi niya ay aming naiuulam at naibebenta.
"May dala akong kakaibang isda para sa aking mag-ina," masayang bungad ni Papa.
"Wow, parang rainbow!" Manghang-mangha ako sa dala niyang isda.
Minsan naman, malalaking pusit ang inuwi niya. Tuwang-tuwa ako sa mga galamay niyon.
Noong nakaraang buwan, kasinglaki ng batya ni Mama ang dala ni Papa.
"Ano po 'yan, Papa?" usisa ko sa aking ama.
"Ang tawag dito ay manta ray o pagi."
Malungkot si Papa dahil bawal daw manghuli at kumain niyon. Pero, sabi niya, patay na nang makita niya sa lambat.
Isang gabi, isang buhay na pawikan ang inuwi niya. Siyempre, tuwang-tuwa ako, pero sabi niya, pakakawalan din niya.
Nakahuli rin siya ng maliit na pating. Nalungkot kami dahil patay na iyon nang makita niya sa lambat.
Nalulungkot rin ako kapag nalulungkot si Papa. Masayang-masaya naman ako kapag nakangiti siya. Kaya nga, pinangarap ko ring maging mangingisda.
Malungkot na naman si Papa nang magpaalam siya kay Mama para sumama sa pangingisda. Pero, nang makita niya ako, ngumiti siya at kumaway pa.
"Papa, gusto ko po ng isdang pula," bilin ko sa kanya.
"Sige, ihuhuli kita ng isdang pula," masayang sagot niya.
Habang papalayo si Papa sa bahay, paliit nang paliit naman ang liwanang mula sa bitbit niyang lampara.
"Mama, gusto ko pong sundan si Papa," sabi ko sa aking ina. "Gusto ko pong makita ang mga ilaw sa dagat.
Pinayagan ako ni Mama, kaya tumakbo ako at hinabol si Papa.
"O, Poroy, bakit narito ka?" tanong ni Papa. Nakasampa na siya sa kanyang bangka at handa nang sumagwan.
"Wala po, Papa. Gusto ko lang pong makita ang mga ilaw sa laot. Gusto ko rin pong makita ang ilaw ninyo hanggang makarating sa mga ilaw na iyon." Itinuro ko pa ang mga ilaw sa laot.
"Sige, kapag malayo na ako, umuwi ka na, ha?"
"Opo, Papa. Ingat po!"
Tahimik kong pinagmasdan ang unti-unting paglayo at pagliit ng ilaw sa bangka ni Papa. Gustong-gusto ko talagang makarating sa may mga ilaw, kung saan papunta si Papa.
Masaya akong umuwi. Alam kong dadalhan ako ni Papa ng isdang pula.
Naabutan ko si Mama sa harap ng aming altar. Taimtim siyang nagdarasal, kaya hindi ko siya inabala. Dumiretso na ako sa aking higaan.
Kinabukasan, hindi tinig ni Papa ang gumising sa akin, kundi ang boses ni Mang Joselito. Siya ang kapitbahay namin, na isang ring mangingisda.
Agad akong bumangon, pero hindi ko na nahabol pa sina Mama at Mang Joselito. Ang nakita ko'y ang walang sinding lampara at mga maliliit na isda at isang malaking isdang pula.
Natuwa ako sa pasalubong ni Papa, pero nalungkot ako nang hindi ko siya makita, kaya sa dalampasigan ako pumunta.
"Napansin niyo po ba si Papa?" tanong ko kay Mang Agosto, habang siya ay nag-aayos ng lambat niya.
"Naku! Dinala sa center ang iyong ama. Natagpuan siya ni Mang Joselito kanina sa laot. Nanigas siya sa sobrang lamig. Muntik na ring tumaob ang kaniyang bangka dahil sa malalaking pating"
Humahangos akong tumakbo pauwi.
"Kaya pala laging malungkot si Papa tuwing maglalaot. Ayaw ko ang maging mangingisda." Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko.
Isang oras ang lumipas, habang hawak-hawak ko ang pulang isda, dumating sina Mama at Papa. Halos mapalundag ako sa saya nang niyakap ko ang aking ama.
"Papa, akala ko... hindi na kita makikita."
"Anak, mahirap at delikado ang maging mangingisda, pero hindi titigil ang Papa mo dahil sa dagat ay maraming biyaya," sabi ni Mama.
"Gusto mo pa rin bang maging mangingisda paglaki mo?" nakangiting tanong sa akin ni Papa.
"Opo. Gusto ko rin po kasing makahuli ng pulang isda," mabilis kong sagot. Itinaas ko pa ang pasalubong sa akin ni Papa.
Nagtawanan kami. Nagkindatan pa sina Papa at Mama.
Hindi Ako Mahal ni Mama
Ang Bahay Naming Pahilis
Friday, December 1, 2017
Ang Aking Journal -- Disyembre, 2017
Monday, November 13, 2017
Napapagod Din Kami
Si Lola Candelaria
Masayang namumuhay sa barong-barong sina Lola Candelaria at Virginia. Ang pagtitinda sa Quiapo ng mga kandila at herbal na gamot ang ikinabubuhay nila. Sa umaga, pumapasok ang apo sa paaralan. Sa hapon naman, tinulungan niya ang kanyang lola sa pagtitinda.
Isang umaga, bigla na lang nag-iba at naging makakalimutin si Lola Candelaria.
"Sino ka? Lumayas ka sa pamamahay ko!" sigaw ng lola kay Virginia.
"Lola, ako po ito, si Virginia. Apo ninyo ako," mangiyak-ngiyak niyang pakilala.
"Hindi kita kilala. Wala akong apo!"
Umiiyak na lumabas na lamang si Virginia.
Sa simbahan natagpuan ni Virginia ang kanyang sarili. Nanalangin siya doon sa Panginoon. Hiniling niya na sana'y bumalik na sa katinuan ang kanyang lola.
Nang bumalik siya, gulong-gulo na ang kanilang bahay. Nagkalat ang mga gamit at damit nila.
Hinanap niya si Lola Candelaria sa mga kapitbahay.
"Naku, ang lola mo, baliw na yata," sabi ng babaeng kapitbahay.
"Bakit po?" maang na tanong ni Virginia.
"Basta! Kung ano-ano kasi ang isinabit niya sa kanyang katawan."
"Virgie, halika." tawag ni Aling Maria, ang may-ari ng suki niyang karinderya.
Lumapit siya at kay Aling Maria.
"Nakita ko ang lola mo nang dumaan dito. Hindi niya rin ako nakilala. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, pero alam kong may dahilan ang lahat," sabi ni Aling Maria.
"Dahil po ba sa kahirapan? O sa pagod?"
"Maaari. At, dumarating sa punto ng tao ang pagiging ulyanin. Basta tandaan mo, Virginia, ano man ang nangyari sa lola mo, mahalin mo siya. Wala nang ibang tatanggap sa kanyang kalagayan, kundi ikaw."
"Opo."
Ipinagbalot ni Aling Maria ng pagkain si Virginia. "Heto, baunin mo sa paghahanap sa lola mo."
"Maraming salamat po!" Noon din, sinimulan niyang hanapin ang lola.
Pagod na pagod si Virginia nang maisipan niyang magpahinga sa ilalim ng puno sa Luneta.
Mayamaya, natanaw niya ang mga kalapating nakikisalamuha sa mga tao. Naalala niya ang sinabi ng kanyang lola.
"Huwag kang mag-alala, Virginia. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kung ang mga ibon nga ay patuloy na nabubuhay, kahit walang nag-aalaga, tayo pa kayang mga anak ng Diyos."
Muli siyang naglakad. Para siyang nabuhayan ng loob. Alam niyang hindi pababayaan ng Diyos ang kanyang lola.
Sa baywalk inabutan ng dilim si Virginia. Kumakalam na ang kanyang sikmura, pero hindi niya iyon ininda. Mas mahalagang makita niya si Lola Candelaria.
Binaybay niya ang kahabaan ng Manila Bay, hanggang sa mapagod siya. Gutom man at uhaw, mas pinili niyang matulog na lamang doon, gaya ng iba. Naghanap siya ng karton upang pansapin sa kanyang likod.
"Sana ibon na lang ako dahil sa oras na sila ay nilalamig, may mga bird house silang natatakbuhan. Ako, hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa bahay." Tumulo ang luha niya at tuluyang lumabo ang kanyang paningin.
Namulat si Virginia sa kanilang barong-barong. Maayos na uli ang kanilang mga kagamitan.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Virginia?" nakangiting tanong ni Lola Candelaria. Hawak niya ang mga kandila. Nasa baywang na rin niya ang belt bag.
"Ano po ang nangyari?" Pinilit niyang bumangon kahit masakit pa ang ulo niya.
"May nagsabi sa akin, naglayas ka raw. Natagpuan kita sa baywalk."
"Po?"
"Anak, ibig kong sabihin, apo, ipagpasalamat mo na, kung ano ang mayroon tayo. Huwag na huwag mo nang uulitin ang paglalayas, ha?" Kinapa ni Lola Candelaria ang ulo at leeg ni Virigina. "O, may sinat ka pa. Huwag ka na munang pumasok. Ako na lang din ang magtitinda. Dito ka lang. Magpahinga ka."
Hindi maintindihan ni Virginia ang nangyari at ikinilos ng lola. Nang maalala niya ang sinabi ni Aling Maria, saka lamang niya napagtanto. Kailangan niyang unawain ang lola.
"Opo," sagot niya.
Lumabas na si Lola Candelaria, bitbit ang lumang rebulto ni Baby Jesus, na nilagyan niya ng ulo ni Mickey Mouse.
Agad na nagbihis si Virginia at palihim na sinundan ang lola.
Sa simbahan ng Quiapo pa rin nagtungo ang lola niya. Doon ay nagtinda si Lola Candelaria ng kandila.
Sa tingin ni Virginia, normal naman ang kanyang lola. Kaya lang, ang ipinagtataka niya ay kung bakit may hawak siyang rebulto.
Lumapit pa si Virginia sa lola upang marinig niya ang sinasabi nito habang nang-aalok ng kandila.
"Ma'am, may mabisa akong gamot para malaglag ang dinadala mo."
Nagulantang si Virginia. Nagagap niya ang kanyang bibig.
"Kandila po, Miss, para sa lalaking kumuha ng pagkabirhen mo," sabi ng lola. "Tirikan mo siya nito para habambuhay rin siyang magdusa."
Napalunok si Virginia.
"Ate, Kuya, libre punas kay Baby Virginia. Siya ang sanggol na gaya ni Hesus. Mahiwaga ito"
Natakot si Virginia sa huling tinuran ng lola. Nagdesisyon siyang yayain na ito pauwi. Naniniwala na siyang nababaliw na ang kanyang lola.
Iyak nang iyak si Virginia nang hindi na naman siya nakilala ng lola.
"Layuan mo ako, bata ka. Hindi kita kilala." Tumakbo si Lola Candelaria palayo sa kanya.
Hindi kaagad sinundan ni Virginia ang kanyang lola.
Sa bahay na dumiretso si Lola Candelaria. Nagsasalita ito at parang hindi niya nakikita si Virginia.
"Ikaw, Virginia, ikaw ang bunga ng pambababoy sa akin ng paring iyon."
Naniniwala si Virginia na pinagsamantalahan si Lola Candelaria ng pari dahil naikuwento sa kanya dati na isa siyang madre.
"Pinalaki at minahal ako ng nanay na parang isang manika, pero, ngayon, daig ko pa ang basahan. Hindi sana ako katulad ng daga kung hindi ka dumating sa buhay ko." Umiiyak na si Lola Candelaria.
Umiiyak na rin si Virginia. Naunawaan na niya ang lahat.
"Sinubukan kitang ilaglag, pero makapit ka. Pinilit kitang itago at itakas sa mundo, pero heto ka pa rin... matatag."
"Lola, Mama," bantulot na tawag ni Virginia.
Matagal na tiningnan ni Lola Candelaria ang anak, bago bumalik ang katinuan niya. "Anak? Anak, patawad. Patawad kung inilihim ko sa 'yo ang katotohanan."
Puspos ng luha si Virginia nang niyapos niya ang ina. "Okay lang po, Mama."
Minsan, bumabalik pa rin ang pagkawala sa katinuan ni Candelaria. Pero, dahil inaalagaan at inuunawa ni Virginia ang kalagayan ng ina, patuloy silang namumuhay nang masaya sa kanilang barong-barong, gaya ng mga ibon.
Sunday, November 12, 2017
Hijo de Puta: Ciento bente-otso
Isang naka-wheel chair na foreigner ang ipinasok ni Howard sa kuwarto. Biglang gumulong sa dibdib ko ang takot, hindi dahil sa maaaring gawin niyon sa akin, kundi dahil tila may sakit ang lalaki. Tulala ito.
Napapitlag ako.
“Buenas tardis, William!” sarkastikong bati ni Val sa banyaga, na mukhang nasa late 50’s na. “Hector, meet William.” Tumayo siya at kinuha niya ang wheel chair mula kay Howard. “Thanks, darling. Please, prepare a sumptuous dinner for Hector.”
Agad na tumalikod si Howard, pero bago tuluyang lumabas sa kuwarto, tiningnan niya ako. Makahulugan. Alam kong isa rin siyang biktima ni Val. Itinulak ni Val ang wheel chair palapit sa akin. Mas klaro ko namang napagmasdan ang foreigner, na noon ay may namumuo nang luha sa kanyang mata. Tila may nais rin siyang bigkasin.
"Mi amigo, William, conocer a tu hijo… hijo de puta. El es Hector…”
Naunawaan ko ang tinuran ni Val. Noon pa ako nagsumikap matutong mag-Espanyol.
Sumikad-sikad ako, pero hindi ko siya magawang matamaan. “Sinverguenza, Val! No hagas daño a mi padre o bien te matare!"
Humalakhak si Val.
Tuluyan namang pumatak ang mga luha ng aking ama. Nagpumiglas siya, pero balewala dahil nakatali pala ang kanyang mga paa at kamay sa wheel chair.
“Pakawalan mo ang aking ama! Siraulo ka na talaga!”
Itinulak ni Val ang wheel chair palayo sa kama. "Comportarse. Disfruta el espectaculo.” Tinapik-tapik niya pa ang pisngi ng ama ko.
Nagmura ako nang nagmura at sumigaw nang sumigaw ng tulong, habang unti-unting nagtatanggal ng saplot si Val. Nilukob na ako ng galit. Ipinagdasal ko na makagawa ng paraan ang Daddy ko.
Pinatahimik ako ni Val nang nahubad na niyang lahat ang suot niya. “Relax, Hector. Maglalaro lang naman tayo. I’m sure, magugustuhan mo ang gagawin ko. Baka nga hanap-hanapin mo…”
Tumayo ang sawa sa kanyang harapan.
Napaiwas ako ng tingin. Naghanda ako sa pinaplano niya.
"Hector, kung pinagbigyan mo lang ako, hindi na sana umabot sa ganito,” bulong niya sa akin. Pagkatapos ay umibabaw na siya sa akin.
"Pakawalan mo ako, pagbibigyan kita…”
“Later, Hector… Later.” Agad niyang sinimulan ang pagpapaligaya sa sarili niya.
Hinayaan ko siyang himurin niya ang leeg ko at paglaruan ang mga utong ko ng kanyang dila, habang bahagya niyang ikinikiskis ang kanyang katigasan sa alaga ko.
Isang pambihirang sensasyon ang naramdaman ko. Tinatalo nito ang kagustuhan kong mapataob ko siya. Sinilayan ko ang aking ama.
Patuloy siya sa pagpupumiglas.
Mayamaya, naisubo na ni Val ang pagkalalaki ko. Hindi ko iyon mapahindian, hanggang tuluyan na akong lamunin ng aking libog.
Walang ano-ano, dinidilaan na ni Val ang ilalim ng aking mga balls. Pinaigtad ako niyon. Nakalimutan kong nanunuod pala ang aking ama.
Buong lakas kong tinabig siya.
Nag-iba naman ang mukha niya. Para na siyang demonyo. “Mapapasaakin ka!” Hinablot niya ang burat ko at sinakal niya.
Napasigaw ako at napasikad, pero pakiramdam ko, dumugo lang ang paa ko dahil sa posas. “Hayop ka, Val! Mas hayok ka pa sa hayop na gutom!”
“Oo, Hector! Oo… Gutom na gutom ako sa katulad mo.” Sinumulan muli niyang himasin ang titi ko, na halos ayaw nang gumana.
"Kapag makawala ako rito, papatayin kita!” Pumikit na lang ako habang dinadama ko ang dila nila sa may butas ng puwet ko.
“I’ll be gentle, Hector… I promise,” nakangising sabi ni Val, habang sinasalsal ang kanyang tarugo.
Nang dumilat ako, nakita kong tigas na tigas at tayong-tayo na ang burat ni Val. Nilagyan niya pa ito ng kanyang laway. “Daddy William, enjoy the show,” ani Val. Lumingon pa siya sa foreigner, na puspos na ng luha.
Ramdam ko ang pagbangga ng ulo ng burat ni Val sa puwerta ko. Napakislot pa ako nang bahagya na itong tumusok paloob. Umurong ako upang lumuwa ang titi niya. “Huwag, Val. Huwag!”
Buong lakas na hinawakan ni Val ang mga braso ko, saka niya muling kinadyot ang puwet ko.
Napasigaw ako. Kasabay niyon ang pagbagsak ni Val sa dibdib ko.
Nakita ko si Howard. Hawak niya ang baseball bat.
Sunday, November 5, 2017
Sino ang Tunay na Duwag?
Baon sa Puso
Baon sa Puso Mga guro’t estudyante, uwian na noon, Sa mga gawain sa umaga ay nagutom Pagkapananghali ay babalik sa hapon. ...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Paano nga ba isinusulat ang Lathalaing Pang-agham? Gusto mo ba ng sample ? Walang problema. Talakayin at unawain muna natin ang kahu...

