Followers

Tuesday, October 25, 2016

Masasandalan

Puso’t damdamin nais mong buksan
Ngunit, hindi ka nila pinakikinggan?
Sabi nila’y paulit-ulit lang naman
Ang iyong mga pinagdadaanan.

Nais mong pumalahaw ng iyak
At sumandal sa isang balikat,
Ngunit walang kang maapuhap
Kahit kaibigang mapagpanggap.

Walang-wala kang matakbuhan
Dahil ang lahat ay nais kang takasan.
Hinding-hindi ka nila matutulungan
‘Pagkat sila rin ay nangangailangan.

Kay bigat na ng buhay mo
At ang puso mo’y nagdurugo.
Nais mo na ngang sumuko,
Bumitiw at magpakalayo-layo.

Mga kaibigan mo’y nasaan?
Wala! Sa’yo’y walang pakialam.
Sino pa ang masasandalan
Sa oras ng pagdurusa’t kabiguan?

Huwag ka nang tumangis.
Sa halip, tumingala sa langit,
Upang mga kasaguta’y makamit.
At mawala ang mga pasakit.

Siya’y nananahan sa iyong puso,
Matagal na at ‘di naglalaho,
Kahit noong ika’y nagbago,
Kahit ikaw ay lumiko.

Siya ang iyong kaibigan,
Na hindi ka pagsasarhan
at iyong masasandalan
Ngayon at magpakailanman.

Friday, October 21, 2016

BlurRed: Pagbabago

Nanibago ako kay Riz. Mula sa kanyang mga kasuotan at kagamitan hanggang sa kanyang kilos at pananalita ay may malaking pagbabago. Awkward.
Hindi siya ang Riz na nakikita kong agresibo, mahalay magsalita, at liberated manamit. Hindi ako komportable. Hindi ako mapakali.
"Riz, 'wag kang magagalit, ha?" tanong ko. Kasalukuyang kaming naglalakad mula sa school canteen.
Iniluwa niya muna ang chewing gum. "O?"
Naasiwa na naman ako sa inakto niya. Napapangitan talaga ako sa babaeng ngumunguya ng gum. Parang kambing. Parang babaeng kaladkarin.
"Malaki ang pinagbago mo. Kahapon lang, hindi ka ganyan..."
Hinarap niya ako. Tumigil kami sa paglalakad. "Pinagbago?" sarkastikong tanong niya. "Ito bang lipstick ko o ang eye liner ko ang tinutukoy mo?"
"Riz, simplicity is beauty. Maganda ka na..."
"O, come, Red! I don't need that damn beauty! Do you know what I need?" pabulong niyang sagot. Inilapit pa niya ang kanyang mukha sa aking mukha, saka ako bahagyang itinulak at saka lumayo. Hindi ako agad nakasunod sa kanya.
Pagdating sa next period namin, iniwasan ako ni Riz. Nakihalubilo siya sa mga kaklase namin. Nagkipagtawanan. Ngunit, kahit ganoon, hindi pa rin niya naikubli ang kanyang negatibong nararamdaman.
Conscious siya sa pagmamasid ko sa kanilang usapan, pero itinuloy niya lang ang pagkukunwari.
"Uy, game ako, noh!" malakas na turan ni Riz.
Lalo kong binuksan ang mga tainga ko. Alam kong ipinaparinig niya iyon sa akin.
"Weey! Kelan pa? Bakit papayagan ka ba niya?" sagot naman ni Ella, ang kaklase naming may tatlo-tatlong jowa. Kahit nakapokus ako sa sinusulat ko, alam kong inginuso niya pa ako.
"Basta! Join ako sa inyo."
"O, sure!" sagot naman ni Andrea, ang chubby-sexy chicks.
Nag-usap pa sila tungkol sa kulay ng buhok at lipstick ni Riz. Hindi ko alam na ganu'n pala ang pamantayan nila ng kagandahan, na parang sa akin ay isang kapintasan. Hindi masama ang maglagay ng kulay sa labi, buhok, at mukha. Ang masama ay kapag sobra naman.
Pinag-isipan ko kung paano ko siya pagsasabihan. Panghihimasok sa buhay niya ang gagawin ko, kaya malamang ay ikakagalit niyang lalo.
Pauwi na kami nang nagkalakas ako ng loob. "Lately... hindi na natin maunawaan ang mga sarili natin," litanya ko. "Sorry kung naging malabo ako."
Tumingin lang siya sa akin. Hindi ko naman alam kung paano ko isisingit ang nais kong sabihin.
"May ayaw ka ba sa akin at gusto mong baguhin ko sa sarili ko?" Kinabahan ako sa sasabihin niya.
Limang segundo ang lumipas, bago siya sumagot. "Kung ang tinutumbok mo ay ang metamorposis ko, sorry. Pero, hindi ko ito babaguhin para lang sa isang tao..."
Hindi ako nagkamali.
"Nagbabago ang tao, hindi lang dahil kailangan, kundi dahil nais niyang magbago rin ang kapwa niya. Ang pagbabago ay hindi panghabambuhay. Pansamantala, 'ika nga."
"Tama ka..." ang tanging kong nasabi.
Hindi na kami nakapag-usap hanggang sa matapos ang mga klase namin. Nagpasabi rin siya na mauna na akong umuwi dahil may pupuntahan pa sila ng mga bago niyang kaibigan.
Ang sakit pala ng nababalewala. Mas naunawaan ko siya ngayon. May pagkukulang nga ako. Hindi siya ang nagbago. Ako...

Book is a World.

According to Jacqueline Kennedy Onassis, “There are many little ways to enlarge your child’s world. Love of books is the best of all.” It is very true.

            The main role of a teacher is to teach his students the importance of books and reading. It is a must because no one will learn from the different lessons or subjects if he or she has no interest in reading books. The learning starts as the child begins to open his book.

            It is therefore a challenge for every teacher, especially to the primary teachers, who handle beginners. Or even the intermediate teachers. They, too, needs to further children’s love of reading and pursue what they have received from the lower level. Continuance is still important. Thus, every educator should intervene in dealing with this great demand for learning and furtherance. If he deals with it correctly and meaningfully, learners will only learn, they too will inherit the gift of understanding and artistry.

            Reading is indeed a wonderful and magical journey, which every child needs to experience. There’s no better place to travel than exploring the books and going deep into it. Children are fond of exploring, thus they must be given a world, in a form of books, where they can create their lives, dreams, and futures, and where they feel hope and security. It is a small effort for teachers however it creates a big impact to their hearts and minds.

            Book, alone, is a fascinating world, which everyone can appreciate. And, reading is the best activity of all. It must be inculcated to children’s minds. It must be advocated.


            In every classroom or home, reading hub must be put up. It is the world we can give to the children. It is one way of showing them how big the small world is. 

Thursday, October 20, 2016

Kristiyanismo, Kalayaan


Mga prayle'y nagsulong ng Kristiyanismo,
Kaya ang mga Pilipino'y naging relihiyoso,
Ngunit sa tingin pa rin nila, lahi natin ay mga indio.
Sariling bansa nati'y pinatuluan ng mga luha't dugo,
Mga kabataa't kababaihan ay tunay na
naabuso.
Relihiyon ay pilit na idinududol sa isip ng mga Pilipino,
Makamit lamang nila ang Pilipinas at ating mga ginto.
Kanilang pananampalataya ay huwad, 'di makatao,
Pagkat nasakop ang mga ninuno ng bayang ito.

Kalayaan ma'y nakamtan, ngunit sugat na sa puso.

Tuesday, October 18, 2016

Ang Luha Ko ay Tula

Ayaw ko nang sumulat ng tula,
Hindi dahil ubos na ang ideya,
At hindi dahil ako'y napapagod na,
Kundi dahil ako'y wala nang luha.

Oo, ang mga tula ko'y pagluha.
Ang pagpatak ng luha ko'y tula.
Ang luha at tula ay ako noon pa,
Noon pang ako ay nagdurusa.

Wala na nga akong maitutula,
Wala na rin akong mailuluha,
Dahil naisulat na ng aking pluma
Ang kahapong mga pagdurusa.

Monday, October 17, 2016

Bakit Kaya?

Beastmode ka na naman, kaibigan. Bakit ba?
Nayayamot ka ba dahil kaibigan mo'y may iba na?
Naiinis ka ba tuwing siya'y nakangiti at tumatawa?
Nakaismid ka kapag barkada niya ang kasama?
Nalulungkot ka ba kapag sila ay masaya?
Naaasar ka ba kapag hindi ka nila niyaya?
Nabubuwisit ka ba kasi parang 'di mo na siya kilala?
Selos lang 'yan! Di naman siya nagbago talaga.
Natuto lang siya na malayo ka sa tabi niya.
Tanungin, iyong sarili, kung naging mabuti ka ba.
Kung hindi, tama lamang na layuan ka niya.
Walang forever, but change is inevitable, 'ika nga.
Magbago ka't huwag magtatampo sa kanya.

Sunday, October 16, 2016

Sa Aking Mundo

Kung nais mong pasukin ang mundo ko,
iyo munang hubarin ang maskara mo,
sapagkat natatakot ako sa hunyango
at ang pagbabalatkayo ay hindi pantao.

Kung gusto mong maging bahagi nito,
iyo munang hugasan sa mukha mo
ang pinturang nagkukubli ng pagkatao,
dahil nahihiwagaan ako sa mga payaso.

Kung hangad mong mapabilang dito,
magbaon ka ng tiwala at respeto
dahil mga tunay na tao ang mga narito,
walang hayop at wala ring maligno.

Saturday, October 15, 2016

Oras

Hindi ako mahilig magsuot ng relo,
pero mahalaga sa'kin ang bawat minuto.
Oras ay hindi ko inaaksaya at inaabuso,
bagkus araw at gabi ay sinusulit ko ito.

Hindi orasan ang nagpapaalala sa akin
kung ano-ano ang aking mga gagawin
at kung ano-ano ang dapat kong unahin,
kundi kung paano, buhay' pagyamanin.

Bawat segundo'y sadyang mahalaga
sapagkat katumbas nito'y aking hininga.
Bawat pag-ikot nito, pagpihit ng tadhana
at pagpalalakbay patungo sa pagtanda.

Hindi ko maibabalik, panahong nagdaan,
kaya ayaw kong ito ay masayang lang.
Habang bata, isabuhay ang kasipagan,
iwaksi naman ang labis na katamaran.

Kung mga kamay ng relo ko'y tumigil na,
hindi ako magsisisi sa'king mga napala,
'pagkat mga nararapat ay aking nagawa,
ang mga pangarap at mithii'y naabot na.



Friday, October 14, 2016

Akrostik ng Pera

Parang diyos kung sambahin,
  Madalas na laman ng usapin,
  Halos lahat, ito ang hangarin,

Enerhiya ng sangkatauhan,
  Makinarya ng sanlibutan,
  Daan tungo sa kasamaan,

Respeto sa kapwa'y sinisira,
  Pagmamahala'y nawawala,
  Prinsipyo ay binabayaran pa,

Ano itong bagay na masama?
  Si Satanas yata ang may gawa
  'pagkat ugat niya'y naninila.

Thursday, October 13, 2016

Payong Kaibigan

Palayain mo na, iyong kaibigan
Sapagkat ikaw ay nasasaktan.
Ayaw mo siyang nasisiyahan,
Mga kaibiga'y pinagseselosan.
Mailap sa'yo ang kaligayahan
Dahil nais mo, sa'yo lang ilaan
Ang panahon at ka-sweetan
Ng kaibigan mo noon pa man.
Hangga't iyong hinihigpitan,
Lalo ka niyang lalayuan.
Lagi mo lang tatandaan,
Kayo'y magkaibigan lamang.
Malayang pakikipagkaibigan,
At pagpili ng pakikisamahan
Ay kanyang mga karapatan
Na hindi mo dapat hadlangan.
Maging masaya ka na lamang
Dahil malayo sa kalungkutan
At sa buhay niya, 'di nahihirapan,
Kahit 'di na ikaw ang kaibigan.

Wednesday, October 12, 2016

Basura

Minsan ako'y isang basura,
Itinapon lang sa kalsada,
Inapak-apakan...
Nilipad-lipad ng hangin,
Nababad sa baha,
Nanahan sa burak,
Hanggang tuluyang mabara
Sa imburnal ng kapighatian.
Minsan, ako'y basura,
Sa tingin ng iba.
Itinapon...
Dinusta...
Hanggang 'di makagulapay
Sa kawalang pag-asa,
Sa labis na pagkakapahiya.
Oo, ako'y naging basura!
Umalingasaw...
Nang-akit ng bangaw...
Hanggang walang natira,
Kundi mabahong katas--
Katas ng pagdurusa.
Ako'y isang basura
Sa mata ng tao,
Ngunit sa mata ng Ama,
Ako'y may halaga,
Kaya't Kanyang hinulma,
Nagkaroon ng pigura.
Ang basura noon,
Basura hanggang ngayon---
May dungis,
May baho,
Minsan'y kinakalawang,
Mukhang patapon,
Ngunit mapapakinabangan.

Tuesday, October 11, 2016

Inspirasyon Kita

Binigkas mo ba aking mga tula
O baka natamaan ka
ng quotes kong may patama?
Sa mga kuwento ko ba
ay nabagbag at naiyak ka,
natawa, nainis o natuwa?
Patunay 'yan na normal ka.
Sa'king mga sanaysay ba
may natutuhan ka?
Hindi ka ba nagsasawa
sa aking mga gawa,
kaya ika'y nakaabang na?
Salamat! Salamat talaga!
Tunay kang mambabasa!
Tunay kang may panlasa!
Sa'yo ay hindi mahalaga
kung may-akda'y 'di pa kilala
sa mundo ng literatura.
Salamat sa pagtitiwala
sa aking mga obra!
Inspirasyon kita...
Na-inspire rin ba kita
ng aking mga akda?
Gusto mo ba,
na ika'y makakatha?
Simulan mo na...

Monday, October 10, 2016

Huwag Mo na Akong Mahalin

Sa akin, 'wag ka nang titingin,
Baka lalo ka lamang kiligin.
Huwag mo akong pupurihin
Para lang ako ay iyong akitin.
Huwag ka ring maglalambing,
Baka ako sa iyo'y mahumaling.
Sa iyo'y wala akong pagtingin,
Kaya 'di kita kayang yakapin.
Subukan mo akong awayin,
Sa halip na ako ay angkinin.
Lumayo ka na lang sa akin
At maghanap ng mamahalin.
Huwag mo na akong mahalin,
May nagmamay-ari na sa akin

Sunday, October 9, 2016

Bakit May Bigo


May mga taong madalas mabigo
dahil 'di alam kung saan patungo,
nag-aaksaya ng oras at paliko-liko,
walang pangarap at ambisyon,
walang nahuhugot na inspirasyon,
at wala rin siyang determinasyon,
tumatangging umunlad ang sarili,
sa pagbabago, ayaw niyang sumali,
mga luho'y, ayaw niyang isantabi,
kapalit ng pagmatagalang ligaya,
sa responsibilidad, natatakot siya,
at madalas mawalan ng pag-asa.
Kung bakit tao'y 'di nagtatagumpay,
at nakakaranas ng hirap sa buhay,
ang sagot ay nasa ating kamay.




BlurRed: Piyok

Andaming gawain sa school. Hindi kami nakapag-usap ni Riz tungkol sa nangyari kahapon, although apologetic ako sa kanya, all throughout the day.
Hapon na nang makakuha ako ng tiyempo. Nakaupo kami sa bench sa may ilalim ng malilim na kapunuan.
"Inalala ko kagabi ang mga pinagdaanan natin..." simula ko. Medyo, nangapa ako ng isusunod kong sasabihin. Umubo muna ako nang bahagya. "Naalala mo ba noong hinarana kita sa park?" Pinilit kong ngumiti para mapangiti ko siya. Pero, tiningnan niya lang ako. Nagbaba uli siya ng tingin. Hindi ko na alam ang gagawin.
Ilang minuto rin kaming tahimik, nang naisipan kong tumayo. Naalala ko ang gitara. Sana pala ay dinala ko. Dagli naman akong nakaisip ng 'da move'.
"It's amazing how you can speak right to my heart..." Nagsimula akong um-acapella.
"Without saying a word you can light up the dark... Try as I may I could never explain... What I hear when you don't say a thing..." Alam kong nakikinig si Riz, kahit nakatalikod ako. At, nang humarap ako, tama ang hinuha ko. Nagpatuloy ako sa pagkanta, kaya lang pumiyok ako pagdating sa 'face' ng linyang "The smile on your face..."
Pumulanghit ng tawa si Riz. Grabe ang pagyugyog ng mga balikat niya. Effective ang drama ko. Panalo!
Nilapitan ko siya at niyakap. "Sorry."
Hinampas-hampas niya muna ako sa dibdib, bago mahigpit akong niyakap. "Sorry rin. Hindi ko pala kaya."
"Don't be sorry. Ako dapat ang humihingi sa'yo ng tawad," sabi ko. Bumitiw na kami sa pagkakayakap. Magkatabi na kami sa bench. Hawak ko ang kamay niya, habang nakasandal ang ulo hiya sa balikat ko.
"I realized na immaturity ang ikinilos ko..."
"No! It's normal. Kalimutan na natin 'yun."
Hindi na siya nagsalita. Matagal naming ninamnam ang mga sandaling iyon.
"Tutuloy ka pa rin ba sa Aklan?" tanong ni Riz. Mahinahon, ngunit may nadama akong lungkot sa tinig niya. Tila sinasabi niyang huwag na akong tumuloy.
Hindi agad ako nakasagot.
"Malulungkot ka kapag umalis ako..." Hindi ko alam kung tama ang sagot ko.
Nakita kong pinahiran ni Riz ang mata niya. Then, tumayo na siya at hinila na ako pauwi. Tahimik kang naglakad palayo doon. Alam kong masakit sa kanya iyon, ngunit desidido na ako. May kung anong bagay kasi ang nagsasabi sa puso at utak ko na makipag-closure kay Dindee. Ang gagawin kong iyon ay para rin sa amin ni Riz.

Saturday, October 8, 2016

Di Ka Nag-iisa

Kung sa iyong pagkadapa, susuko ka na,
Para mo na ring inaming ika’y mahina .
Kung sa iyong pagbagsak, tatangis ka
Para mo na ring sinabing ika’y nag-iisa.
Mga kaibigan mo’y narito, aalalayan ka.
Hanggang sa dulo, kami ay aagapay pa. 

Friday, October 7, 2016

Kailanman

Ang tunay na kaibigan ay 'di plastik,
Wagas kung mang-asar at manlait,
At hindi napipikon, kahit na masakit.
Ang totoong kaibiga'y 'di nakakalimot,
At sa pangungumusta ay 'di madamot,
Kahit malayo na at panaho'y nilumot.
Ang isang wagas na pagkakaibigan
Ay hindi ka makakalimutan, kailanman,
Kahit makatagpo ng bagong kaibigan.


Thursday, October 6, 2016

Palasak

"Habang may buhay, may pag-asa"
Kasabihang palasak at gasgas na,
Ngunit sa iba, ito'y napakahalaga,
Lalo na sa mga taong nagdurusa--
Ni kailanman ay hindi guminhawa.
Hindi ka dumanas ng hirap at dusa,
Kung hindi pa nagawang umasa
Sa Kanyang pagsubok at sa biyaya.
Buhay natin ay magkakaiba,
Ngunit, nagbibigay ng pag-asa'y iisa.
Hindi Siya palasak, hindi nakakasawa.

Wednesday, October 5, 2016

Hindi Ka Masaya

Hindi ka masaya, 'di dahil ika'y mag-isa,
kundi dahil hindi mo alam ang maganda.
Para sa'yo, ang lahat ay 'di kaiga-igaya.
Sa tingin mo, perpekto ka ngang talaga.

Hindi ka masaya dahil makasarili ka.
Nais mo'y sa'yo lang, atensiyon ng iba.
Ayaw mong nauunahan o nababalewala.
Gusto mong ikaw lang lagi ang bumida.

Hindi ka masaya 'pagkat may inggit ka
Na nananahan sa puso mo at sa diwa.
Ayaw mong mga paa mo'y nasa lupa.
Hangad mo lang, lumipad, tumingala.

Hindi ka masaya dahil 'di mo nakikita
Ang mabubuting bagay, na gawa ng iba.
Sa halip, pintas ang kanilang napapala
Mula sa'yo, na animo'y kay taas-taas na.

Hindi ka masaya dahil mareklamo ka,
Puro negatibo ang iyong nasa bunganga,
Lagi kang aburido, atat, at maramot pa
At, hindi ka marunong ngumiti't tumawa.


Asul na Rosas

Sa totoo lang, hindi ako umaasa sa mga estudyante ko na bibigyan nila ako ng regalo o sorpresa sa Araw ng mga Guro, dahil noon pa man ay hindi ako nagpapasaring, naghahangad o humihingi. Noong nakaraang taon, sinabihan ko sila na huwag akong reregaluhan, sapagkat nasanay akong wala akong natatanggap na regalo. Isa pa, mga estudyante pa lamang kasi sila. Wala pa naman silang hanapbuhay. Ang makita lang silang disiplinado, natuto, at nag-aaral nang mabuti ay sapat nang regalo o biyaya sa akin, bilang guro.

Ipokrito ako, kung sasabihin kong ayaw kong tumanggap ng kahit ano. Subali't hindi ko talaga iniisip ang ibibigay nila. Gayunpaman, hindi naman nila ako nalilimutan. Marami pa rin ang nag-aabot ng munting pasasalamat.

Mas pinahahalagahan ko pa nga ang mga mensahe kaysa sa mga pagkain at gamit.

Kahapon, bago ang selebrasyon, may sinabi ako sa kanila. "Bukas, sigurado akong may magbibigay na naman ng plastik na bulaklak." Ang ibig kong sabihin ay umaasa akong may mag-aabot sa akin niyon sapagkat iyon lamang ang kaya nilang bilhin mula sa kanilang baon. Nais ko rin sanang sabihin na huwag nang plastic na bulaklak. Mas maigi pang prutas na lamang o kaya tinapay.

Dalawang Teachers' Day na kaming magkakasama. Maraming regalo at greeting cards na rin ang natanggap ko mula sa kanila, pero ngayong araw, pambihira ang saya na aking naramdaman nang iabot sa akin ng estudyante kong lalaki ang asul na rosas.

Nagustuhan ko iyon. Gustong-gusto ko. Natuwa kasi ako kung paano siya lumapit sa akin, kung paano niya inabot, at kung paano niya binigkas ang "Happy Teachers' Day, Sir!"
Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang pasalamatan. Gusto kong humingi sa kanya ng kapatawaran dahil madalas ko siyang pagalitan.

Oo. Makulit siya.

Makulit siya, pero may laman ang kanyang utak at may angking galing sa pagguhit. Kaya, gusto ko siya.

"Salamat!" sabi ko. Tanging matamis na ngiti at makahulugang tingin ang iginawad ko sa kanya, bilang tanda ng aking kasiyahan.

Plastik man ang bulaklak na kanyang iniabot niya sa akin, hindi naman plastik ang pagbati niyang iyon. Damang-dama ko ang tunay niyang mensahe sa likod ng asul na rosas.

Tuesday, October 4, 2016

Huwag Kang Malulumbay

Huwag kang matakot maiwanan
ng taong iyong pinagkatiwalaan
ng iyong puso at ng kaligayahan,
'pagkat siya naman ang nawalan.

Huwag kang tumangis, kaibigan,
dahil siya'y may kamangmangan,
isang hiyas ay kanyang iniwanan
at ipinalit sa batong mula sa putikan.

Huwag mo siyang kamumuhian,
habulin, pigilan, o kahit hadlangan,
dahil alam niya ang kasasapitan,
kapag mas pinili niya ang kamalian.

Huwag mong asahang ika'y babalikan,
sapagkat uusigin siya ng kahihiyaan,
hanggang hindi na niya makayanan.
Malamang, kanya itong pagsisisihan.

Huwag kang mapuspos sa kalungkutan,
dahil ikaw ay kaibig-ibig naman.
Tunay na pag-ibig, iyong matatagpuan
sa lugar at panahong 'di inaasahan.

Monday, October 3, 2016

Inspirasyon

Noong una akong sumulat ng akda,
nais ko lang ipadama ang aking luha
sa babaeng nanakit sa'kin nang sobra,
ngunit lumaon, nagbago na ang tema.
Ako'y lumaya sa malungkot na hawla
hanggang mga bata'y aking nakilala.
Inspirasyon, sa akin, sila ang nagdala.
Idagdag pa ang aking pamilya't ina--
ang dahilan ng aking mga natatamasa.
May mga kamag-anak at kaibigan pa
na nag-ambag ng kalungkutan at ligaya.
Nariyan din ang mga kabiguan at dusa.
Walang hanggang pasasalamat sa Ama
dahil sa talentong ito, Kanyang biyaya.
Ngayo'y ang tiwala sa sarili, tumaas na
dahil inspirasyo'y sa inyo nagmumula.
Mga obra ko'y mas pag-iibayuhin ko pa.
Salamat sa inyong lahat na nagtitiwala!
Inaalay ko sa inyo ang bawat kong akda.






Sunday, October 2, 2016

Blurred: Insensitive

"Tigilan mo ako ngayon, Red!" bulyaw ni Riz nang titigan ko lang siya, habang nagsusulat siya. Nasa library kami. Medyo napataas ang boses niya.

"Ang init ng ulo mo ngayon, a. May dalaw ka?" Pinilit ko pang tumawa sa pag-aakala kong mapapangiti ko siya.

Dali-daling nagligpit ng mga gamit niya si Riz, isinauli ang aklat, at mabilis na lumayo. Sinundan ko siya. Sa labas ko na siya tinawag, kaya lang walang-lingon siyang tumuloy sa next room namin.

"Bakit ba nagkakaganyan ka, Riz? Sorry na," seryoso na ako. Hindi ko hangad na magalit siya sa akin. Ang babaw naman kasi ng dahilan.

"Tanungin mo ang sarili mo." Ano nga ba?

Noon ko lang nakita si Riz na nagkasalubong ang mga kilay. Parang hindi ko na siya kilala. Dati-rati naman ay game siyang makipagkulitan.

"Sorry na. Nasobrahan ako. Nakapaka-insensitive ko. Wala ako sa timing." Hinawakan ko ang kamay niya, pero tinanggal niya lang.

Ngumiwi muna si Riz. "Maang-maangan ka pa."

Hindi ko siya maintindihan. Napamaang talaga ako. At tumahimik na kami dahil pumasok na ang professor namin sa period na iyon.

Parang wala akong natutuhan dahil sa kakaisip kung ano ang nagawa kong ikinagagalit ni Riz. Pinakiramdaman ko lang siya. Mabuti na lang hindi nagkaroon ng recitation. Malamang wala akong maisasagot.

Bago lumabas ang prof namin, nag-notify sa FB ko ang friend request ni Jeoff. Siyempre, in-add ko kaagad siya. Mutual friend namin si Riz. In-open ko rin ang timeline niya. Saka ko nasagot ang tanong o ang ikinagagalit ni Riz.

Gusto kong awayin si Jeoff dahil kinuhaan niya pala ako ng picture habang nagpe-perform kagabi. Kaya lang, naisip ko, hindi naman niya kagustuhan na magalit si Riz. Hindi naman niya alam na may plano akong magbakasyon sa Aklan kaya tumugtog uli ako, lalo na't hindi ko naman naikuwento sa kanya.

Wala naman talagang.lihim na hindi nabubunyag. Isa pa, mababaw na lang talafa lately si Riz. Madalas na siyang magtampo at magalit sa akin. Hindi ko na siya maintindihan.

E, ano naman kung tumugtog ako sa MusicStram? Ni hindi niya nga itinanong sa akin kung bakit.

Habang patungo kami sa nezt room, nag-apology uli ako. That time, ipinagtapat ko na sa kanya ang pagtugtog ko kagabi. Hindi ko na lang sinabi na para iyon sa iniipon kong pamasahe at allowance.

"Wala namang problema, Red, e. Hindi ba, sinabi ko na sa'yo na do what you want. Sana naman, nagsasabi ka. Girlfriend mo ako, Red. Bukod sa mga magulang mo, ako dapat ang unang nakakaalam ng mga desisyon at iniisip mo." Kalmado na siya.

"Hindi na mauulit."

"Huwag kang mangako, Red. Ayaw kong bigyan ka ng ultimatum, baka hindi mo lang matupad. Do what your heart desires. Tandaan mo lang na masyado nang nakasentro sa'yo ang buhay ko..."

Umurong ang dila ko sa tinuran niya. Natigalgal ako.

Hindi ako agad dinalaw ng antok, kaya lumabas ako. Naggitara.

"Masyadong pang mainit, Dad. Maya-maya na po ako papasok," sagot ko nang lumabas si Daddy para tanungin ako.

"Wala bang problema?"

"Wala naman po. Ayos lang ako. Nangangati lang po talaga ang mga daliri ko sa pagtipa."

"Alright!"

Mabuti pa si daddty, sensitive sa nararamdaman ko. Ako, hindi. Tama si Riz. Napaka-insensitive ko. Bakit ko nga siya sinasaktan? Hindi niya iyon deserve.





Mga Bantas ng Pagwawakas

Ilang tandang pananong pa ba
ang kailangan mong gamitin
upang malaman mong tayo pa
at maaari pang ulitin?
Ilang tandang padamdam pa ba 
ang iyong inaasahang makita
na sa piling ng iba,
ako’y masaya?
Ilang panaklong kaya
ang makapaghihiwalay sa'ting dalawa?
Ilan pa kayang kuwit
ang aking magagamit
upang matigil ka na sa pangungulit?
Ilang tuldok pa ba ang nais mo
para matanggap mong tapos na tayo?
Ano-anong bantas pa ba
ang kailangan mong makuha
upang kahibangan mo'y maputol na?
Tama na!
Sumuko ka na.
Elipsis na buhay ko,
sa panipi ay ikukulong ko na...
upang lumigaya na itong puso.

Alter Ego: Patalim

Tinatahak ni Rayson ang daan patungo sa bus terminal, nang akbayan siya ng lalaki. "Pare, huwag kang papalag kung ayaw mong gripuhan ko ang tagiliran mo," sabi nito.

Naramdaman ni Rayson ang tulis ng patalim. Gusto tumakas ng dugo niya, lalo na't nakita pa niya ang mga tattoo sa braso ng lalaki. "Hindi po... Ano po ang kailangan mo sa akin?" Nais niyang sumigaw para makaakit ng tao, pero para namang walang maglalakas-loob na tulungan siya.

"Akin na ang bag mo, saka ang lahat ng pera mo," deklara ng lalaki. Idiniin pa nito ang patalim.

"Malayo pa po ang tungo ko..."

"Wala akong pakialam kung saan ka patungo! Akin na."

Mahabang segundo muna ang lumipas nang mapagtanto ni Rayson na mas mahalaga ang buhay niya kaysa sa bag, sa laman nito, at sa pera niya. May pangarap pa siyang natitira at nais na makamit para sa sarili at pamilya.

Pagkatapos niyang maiabot nang maayos ang bag at lahat ng pera niya sa bulsa, tila nasa madilim na lugar siya at ang tanging nakikita niya lamang ang papalayong holdaper.

"Baguio, Baguio!" narinig niyang sigaw ng konduktor. Noon lamang siya natauhan. Noon lamang siya nanlumo.

Sa bakanteng upuan sa passengers' waiting area, natagpuan ni Rayson ang sarili. Gusto niyang ngumuyngoy, ngunit tanging ang madamot na luha lamang ang kanyang na natanggap mula sa pangyayaring iyon.

"Saan na ako ngayon pupunta?"naisaloob niya. Ni pamasahe pabalik sa probinsiya ay wala siya.

"Baguio, Baguio! Aalis na!" muling narinig ni Rayson ang konduktor. Lalong nadurog ang puso niya.

Ang isiping wala na siyang magagawa para makapasok sa PMA ay isang kabiguan. Hanggang dito na lamang talaga siya, aniya. Nasapo niya ang kanyang noo sa labis na kalungkutan. Matagal niyang pinag-isipan ang kanyang gagawin. Pag-angat niya ng kanyang mukha, tila natanaw niya si Paul sa bintana ng papalayong bus. Kumakaway pa ito. Nais niya ring kumaway o kaya ay habulin, ngunit naisip niyang imposible iyon. Sinundan niya na lamang iyon ng tingin hanggang mawala sa kanya trapiko.


Saturday, October 1, 2016

BENTONG 1


“Breaking News. Lalaki, natagpuang patay,” narinig ni Aling Mila sa telebisyon.
Biglang dumaloy sa buo niyang katawan ang pangamba. Hindi na niya pinakinggan ang buong balita. Alam niyang drug-related crime na naman ito. Tumayo na siya at sumilip sa bintana. “Mahabaging Diyos, nasaan na kaya si Bentong?” Pagkatapos ay mabilis siyang umakyat ang tinungo ang nahihimbing na asawa. “Kinggoy, gising! Gising, Kinggoy!”
“Ano ba!? Natutulog na ako, e!” singhal ng asawa.
“Si Bentong, wala pa! Hindi ka ba nag-aalala?”
“Punyeta naman, e!” Napilitang bumangon si Kinggoy “Kagabi lang, inaway mo siya, ngayon, nauulol ka sa pag-aalala. Pati tulog ko, naabala.”
“Manang-mana talaga sa’yo ang anak mo!” labas-litid na bulyaw ni Aling Mila kay Mang Kinggoy. “Ay, naku, Kinggoy! Kelan ka pa ba tutubuan ng concern para du'n sa panganay mo? Mas mahalaga pa nga yata sa'yo ang mga barkada mo, e!"
"Kailan ka rin ba tutubuan ng kulugo sa bunganga? E, hatinggabi na, ngawa ka pa nang ngawa! Mahiya ka naman sa mga kapitbahay?" Muling nahiga si Kinggoy at nagtakip ng unan.

"Mahiya? Ikaw ba, meron nu'n?" Pilit na tinatanggal ni Mila ang unan sa ulo ng asawa. "At, huwag na huwag mong ipagmalaki sa akin ang inaakyat mong pera sa bahay na 'to. Baka nagkakalimutan tayo..." Akma na siyang tatalikod nang tumama sa kanya ang unan ni Kinggoy.

"Puta! Subukan mo! Subukan mo! Madadamay ka."

Tahimik na lumabas ng kuwarto si Mila. Bumaba siyang hindi lang pangamba para kay Bentong, kundi ang takot para sa asawa at pamilya.

"Ma, ano na naman po ba ang pinag-aawayan ninyo ni Papa?" Ikinagulat ni Mila na makita si Laleng sa sala.

"Matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Huwag mo nang usisain. Hindi ka na masanay sa amin ng Papa mo..." Umiwas ng tingin ang ina.

"Si Kuya, wala pa rin po ba?" Paakyat na sana si Laleng.

"Wala pa nga, e. Nag-aalala na ako. Napagalitan ko pa naman siya kanina." Nais kumawala ng mga luha niya.

“Asus, si Mama, hindi na nasanay kay Kuya. Uuwi din ‘yun.” Nilapitan ni Laleng ang ina at inakbayan. “Sleep po na tayo…”

“Sige na. Akyat na. Susunod na ako. Hihintayin ko pa siya hanggang…” tumingin muna sa wall clock. “…hanggang alas-dos.”
Tahimik na pumanhik ang bunsong anak ni Aling Mila. Kumakabog naman ang dibdib niya na naupo sa sofa at panaka-naka ang tingin sa pinto.

Maya-maya, narinig ng ina ang kalabog ng mga paa ni Laleng. “Ma, Ma…”

“Bakit?” sagot niya nang nasa hagdan na anak.

“Si Kuya, andiyan lang pala sa kuwarto niya.”

“Ha?” Agad na napatindig ang ina at sinundan si Laleng. “Ay, Diyos ko. Walang hiyang batang ‘to!” Nais naman niyang matawa.

“Emote po kasi kayo ng emote, e.” Itinago ni Laleng ang pagtawa.

“Wala siya diyan kanina. Ang damit niyang ‘yan ang suot-suot niya kanina nang nagpaalam siya sa akin.”

“E, ewan ko po…” Natatawang pumasok sa kuwarto si Laleng.

Hindi agad lumabas si Aling Mila sa kuwarto ni Bentong. Iginala muna niya ang paningin.

Maayos at malinis ang kuwarto ni Bentong. Sa ibabaw ng mababang cabinet, natanaw niya ang mga tropeo. Nakapost din ang naka-frame na mga medalya at ilang sertipiko. Hindi niya alam na ganoon na karami ang napanalunan ng anak sa athletics. Hindi niya napigilan ang sarili na lumapit doon at binasa niya isa-isa ang mga nakasulat. Natatandaan niya ang ibang competition, pero ang pinakabagong tropeo ay ngayon niya lamang nakita.

“Mag-aral kang mabuti. Hindi ‘yang sports ang inaatupag mo. Ano bang mapapala mo d’yan? Pilay. Sakit sa katawan. O ‘di kaya’y sakit? Wala kaming pansuporta sa kalokohang mong ‘yan, Bentong. Magtigil ka!” Naalala niya ang litanya ng asawa, nang minsang humingi ang anak sa ama ng allowance para sa kanyang laban sa Palarong Pambansa. Naalala niyang nakaalis pa rin ang anak nila, kahit hindi nila nabigyan ng kahit singkong duling.

“Ito pala ‘yun, anak. Patawarin mo kami ng Papa mo,” bulong ni Aling Mila. Nais niyang lapitan ang nahihimbing na anak, ngunit nagkasya na lamang siya sa pagtanaw dito.

Isang minuto niya ring pinagmasdan ang anak. Tinanong niya ng kanyang sarili. Kailan niya ba masasabi sa anak na mahal na mahal niya ito? Kailan niya kaya masasabing “Galingan mo anak. Proud na proud kami sa’yo!”

Bago bumagsak ang mga luha niya, pumihit na siya palabas ng kuwarto, ngunit isang personalized note ang napansin niya na nakaipit sa salamin sa may tabi ng pintuan. Kinuha niya ito. “Dad: A son’s first superhero, a daughter’s first love.” Iyan ang nakasulat.

Yumuyugyog ang mga balikat na ibinalik ni Aling Mila ang note. Tinanaw niyang muli ang anak, saka pinatay ang ilaw.

Kinabukasan sa hapag kainan, magkasalubong ang mga kilay ni Mang Kinggoy na pinagmasdan ang pag-aalmusal ni Bentong. Nang matapos ang anak, saka lamang siya nagsalita. “Napuyat kami ng Mama mo kakahintay sa’yo kagabi…” Pataas ang tono ng ama.

Sumabat agad ang ina. “Kinggoy, nagkamali ako. Nasa kuwarto lang pala siya…”

“Nasa kuwarto?Asan siya nang naghapunan tayo? Saan siya dumaan? Sa bintana? Si Antman ba siya? Sus, Mila! Pinagtatakpan mo naman ang kalokohan ng kupal na ‘yan!”

“Iyon ang totoo, Kinggoy. Hindi ba, Laleng?”

Tumango lamang si Laleng. Ayaw niyang tumingin sa mabalasik na ama.

“Ano ‘to? Sabwatan? Litse! Puro kayo mga sinungaling. Magsama-sama kayo!” Padabog na tumindig si Kinggoy at binuksan ang telebisyon.

Nagkatinginan na lamang sina Aling Mila at Laleng, habang tahimik naman si Bentong.

Nilakasan ni Mang Kinggoy ang volume ng tv, gaya ng madalas niyang gawin tuwing naiinis at nang-iinis.

“Nahuli-cam sa CCTV ang lalaking itinali sa poste ng kuryente ng misteryosong lalaki.” Umagaw iyon sa atensiyon ng mag-iina. Sabay-sabay nilang pinanuod ang video.

Nagligpit na ng pinagkainan niya si Bentong. Pasalit-salit ang tingin niya sa pinapaunod at sa anak. “Parang siya ‘yun.” Naisip niya.

“Walang kuwentang balita!” bulalas ni Mang Kinggoy. Pagkuwa’y inilipat na niya iyon sa ibang channel.

“Bakit mo nilipat? Ibalik mo doon. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan ng misteryosong lalaki.” Nakalapit na si Aling Mila sa asawa para agawain ang remote control.

“Kabulastugan! Gawa-gawa lang nila ang ganyang balita para kumita sila. Ikaw…” Dinuro pa niya sa sintudo si Aling Mila. “Kalaki mong tanga! Parang hindi mo  alam ang kalarakan sa media.”

“Nagmarunong ka na naman, Kinggoy! Ikaw na ang matalino.”

“Bobo ako. Hindi ako matalino. Kaya nga pumatol ako sa’yo.” Seryoso pa rin ang asawa.


“Mas lalo ako…” Tinalikuran niya si Kinggoy, saka nagtatalak sa may lababo. “Huwag na huwag ka lang magkakamali… Naku, Diyos ko. Di bale nang magdildil kami ng mga anak mo ng asin…”

Ang Aking Journal -- Oktubre, 2016

Oktubre 1, 2016 Dumalo ako sa first year death anniversary ni Ninang Elsa sa Bahay Dampa. Ang sasarap ng pagkain doon. Sobra nga akong nabusog. Naging solemn ang araw na iyon, na dinaluhan ng mga kamag-anak niya at kaming naging kaguro niya. Hindi ko maalis sa alaala ko ang kasal namin ni Emily. Siya at si Sir Rolly ang naging sponsors namin. Siya rin ang gumastos sa pagkain namin sa Max's. Mabait siya. Alas-tres na kami nag-uwian. Tumuloy ako sa Shopwise para mag-grocery. Hindi naman ako nakaidlip kahit antok na antok na ako. Naabutan pa akong gising ni Epr. Nagkape na lamang kami. Oktubre 2, 2016 Alas-8 na namulat ang mga mata ko, pero alas-nuwebe na ako bumangon para uminom ng gatas. Ang sarap magbabad sa higaan. Maghapon, nagsulat ako ng mga akda. May bago akong nobela. Susubukan kong magsulat ng superhero stories. Pangarap kong makilala ang character na gagamitin ko, gaya ng ibang Filipino superheroes na sina Darna, Captain Barbell, at iba pa. After lunch, nagpagupit at nagpakulay na naman ako ng buhok ko. Magastos. Bakit kasi pumuputi at humahaba agad ang buhok ko. Oktubre 3, 2016 Dumating na ang libro.kong "Ang Pagsubok ni Lola Kalakal". Walang mapagsidlan ang kasiyahan ko, habang binubuksan ko ang package. Medyo na-disappoint ako kasi manipis lang pala ang book. Sabagay, ano pa ba ang i-expect ko sa 100 pages? Tinanggap ko na lamang nang buong puso dahil ito ang katuparan ng pangarap ko. Matagal ko nang hinangad na magkaroon ng sariling libro. Self-published man ay sapat na ito para maging thankful ako sa Diyos. Hindi Niya ako binigo. Si Sir Erwin ang unang bumili ng libro. Ever since, isa siya sa mga nagtitiwala sa akin. Binentahan ko rin sina Mam Dang, Mam Edith, at Mam Ana. Gusto ko kasing maramdaman nila ang naramdaman ko sa kuwento ni Lola Kalakal. Puso ko ang ibinenta ko sa kanila, hindi ang libro. Nang umuwi ako, saka ko nalaman na marami ang gustong makabili ng libro ko. Isa na dito sina Camila at Aila, na dalawa sa mga dahilan ng pagkabuo ng nobela. Umani ng maraming comments at likes ang post ko. Marami na rin ang nagpa-reserve. Hangad ko na maubos ang 30 copies, bago ako nakapagpa-publish uli ng 2nd book. Gusto kong ma-inspire lalo ang VI-Topaz. Napatunayan ko na sa kanila na ang pagsulat ay kayamanan at ang pangarap ay hindi imposibleng makamit. Alam kong naghahangad din sila na matupad ko ang pangako kong libro sa kanila, kahit binigo sila ni Sir Jeff. Oktubre 4, 2016 Wala kaming palitan ng klase dahil, una, awarding ng journalism. Aalis si Sir Joel. Pangalawa. May Values at Religion classes. Pangatlo. May Puberty Education Program ang Whisper sa mga dalagita, kasama ang mga female pupils ko. Nagpasulat lang ako ng akda at nagsulat ako sa temporary report card ng mga bata ko. Hapon. Isang biyaya na naman ang natanggap ko. Nanalo ang trainee ko sa 'Pagsulat ng Editoryal". Pang-apat siya. Tuwang-tuwa ako. Sobra akong humanga sa kakayahan ng bata dahil kahit kulang kami sa training, nagawa pa rin niyang ipanalo. Nakaka-proud! Maganda ang feedback ni Mam Koreena sa libro ko, na binili niya kaninang umaga lang. Nagpost pa siya. Nakakataba ng puso. Patuloy rin ang pagbaha ng likes at comments sa post ko kahapon. May mga gustong nagpa-deliver ng book. Hindi ko pala na-anticipate ang gayong scenario. Akala ko ay mga bata, magaulang, at kaguro ko lang ang market ko. Pati sa Bulan ay may mga nais bumili. Oktubre 5, 2016 Nagkaroon ng selebrasyon ng Teachers' Day, kung saan ang bawat grade level ay may presentation. Nagbigay rin nga gifts ang mga bata sa mga teachers. Hindi ko na-feel ang tribute para sa mga guro dahil maiingay at magugulo ang mga bata. Hindi rin ako nagsaway ng klase ko dahil araw ko ngayon. Ayaw kong ma-stress. Pagkatapos ng mahabang programa, sinorpresa naman ako ng mga pupils ko. Pinasabugan nila ako ng confetti pagpasok ko sa room. Natuwa ako. Hindi ko alam na sa ganoong paraan nila ako pasasayahin. Narinig ko kasi na cake ang surprise nila sa akin. Marami rin akong natanggap na regalo at cards. Natutuwa ako sa isang card na natanggap ko. May tula kasi. Nagkainan kaming faculty. Masaya naman kahit paano. Alas-dos y medya, nag-inquire ako sa LBC ng price ng padala. May taga-Polot kasi na gustong bumili ng libro ko at willing magbayad ng LBC fee. Kaya lang, mahal. Nakakahiya naman. Oktubre 6, 2016 Wala pa rin kaming palitan ng klase dahil wala sina Sir Vic at Mam Janelyn. Gayunpaman, nagturo ako sa Filipino, Araling Panlipunan, at ESP. Naging mabait at tahimik naman sila buong araw. Nagawa ko ang mga priorities ko. hindi masyadong na-stress. Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa pinakamalapit na JRS para mag-inquire ng delivery/shipping fee ng book ko. Ang price ay P120 lang. Nakalimutan ko na may meeting kaming cooperative board of directors. Kaya, pagkatapos kong matanong ang JRS attendant, agad akong bumalik sa school. Nainis pa nga ako dahil na-traffic pa ako at naglakad. Mabuti na lang, nakaabot pa ako. Narinig nila ang mga suggestions ko. Gusto ko nang masimulan ang pagpapa-print ng second book ko na 'I Love Red', kaya lang hindi ko pa naka-copy-paste lahat mula sa wattpad. Kailangan ko pang i-proofread at i-edit pagkatapos niyon. Siguro, mga isang linggo pa bago ko mai-submit sa publishing house. Oktubre 7, 2016 Sinorpresa uli ako ng VI-Topaz. Nagsaboy uli sila ng confetti pagpasok ko. Tapos, may banner, balloons, at cake pa silang hinanda para sa akin. Natuwa ako sa effort nila. Sobrang nakakataba ng puso. Humirit silang hindi ako magturo, kaya hinayaan ko na lang silang magkuwentuhan. Tutal, hanggang alas-onse lang naman ang klase dahil may inihanda ring tribute ang GPTA. Naalala ko ang preparation namin last year. Mas masaya. Gayunpaman, na-appreciate ko ang effort nila. Kahit paano ay naaliw ako. Nabusog din ako sa masasarap nilang inihandang pagkain. Alas-3 na ako nakauwi. Umidlip ako hanggang alas-sais. Nabawi ko na ang pagod at puyat ko. Oktubre 8, 2016 Maaga kong sinimulan ang ang pag-proofread ng nobelang "I Love Read", na ipapa-publish ko ngayong buwan. Medyo marami ang mali. Tama lang na-i-edit. Ala-una ng hapon ay nasa school na ako para sa Parents-Teachers General Assembly. Mabilis lang ding itong natapos, kaya maaga rin kaming nakapag-issue ng (temporary) report card. Kaya lang, nagpatawag na naman ng meeting si Mam Deliarte. Inabot kami ng pasado alas-kuwatro sa paulit-ulit na issue. Ang iba ay wala namang kapararakan. Dapat sana ay pupunta kami sa bahay ni Ms. Kris dahil doon maghahanda si Mam Dang para sa birthday celebration ng husband niya, kaya lang hindi natuloy. Nagyaya na lang si Sir Erwin na magtaho. Kaya lang, sarado na ang canteen sa Sanitarium. Nagkape na lang kami sa 7-Eleven. Nagkuwentuhan kami doon hanggang alas-sais. Hindi na rin ako tumuloy kina Beverly. Nagbulid na lang ako ng buhangin para hindi ako magastusan sa pamasahe. Ayaw ko nang gumastos nang gumastos. Need ko ng puhunan para sa book ko. Bukas, gagawa na naman ako ng dahilan. Bahala na siya kung ipapadala niya ang bayad sa utang niya o hindi muna. Malulugi rin naman ako sa libro kung ihahatid ko pa sa kanya. Oktubre 9, 2016 Hinarap ko maghapon ang pag-proofread ng nobelang "I Love Red". Naisingit ko rin ang pagsulat ng chapter ng bago kong superhero nobela. Ang bilis lang ng oras. Hindi ako nakarami. Kailangan ko rin kasing magpahinga. Ang hina pa ng internet. Hindi ko nga naharap ang mga akda ng pupils ko. Kailangan ko ring madagdagan ang na-encode ko na 15k words pa lang ang compilation nila. Manipis na libro pa lang iyon. Oktubre 10, 2016 Inspired akong magkuwento kanina. Nagamit ko ang dalawang dagli ko sa lesson namin, tungkol sa pagbibigay ng sanhi at bunga. Nabitin nga lang sila. Pagkatapos ng klase, nagpanotaryo ako ng mga dokumentong ipapasa ko sa Peakland sa October 26. Pinadala ko na rin through JRS ang book na order ni Patrick. Pag-uwi ko, umidlip ako. Alas-singko na ako bumangon. Masakit ang ulo ko. Gabi, gumawa ako ng book cover ng 'I Love Red'. Excited na akong ma-publish ang second book ko. Oktubre 11, 2016 Masaya akong ngayong araw dahil may benta uli ako sa books ko. Si Sir Patrick na kaklase ng kapatid ko, na instructor na ngayon sa RGCC, my Alma Mater, ay tumawag dahil natanggap niya na raw ang libro. Natuwa raw si Sir Pelingon dahil nabanggit ko ang school sa "About the Author". Nais raw nila akong tulungang magbenta. Nakaktuwa talaga. Naging proud din sila sa akin. Nag-comment din sina Auntie Vangie at Auntie Emol sa post ko tungkol sa libro. Umorder na sila, pinuri pa ako. Susuportahan daw nila ako. Nakakatuwa. Nakaka-inspire. Naka-chat ko naman si Emily. Nabanggit niya na nagsusulat din si Kaylee. Sinabi kong gusto kong tulungan ang anak niya na magkalibro. Saka na lang daw. Bahala na. Basta, gusto ko ay makatulong ako. Sana nga sina Hanna, Zj, at Ion ay mamana nila ang pagsusulat ko. Oktubre 12, 2016 May mga supervisors dumating, tapos may seminar pa si Sir Joel at wala si Sir Vic, kaya wala kaming palitan. Gayunpaman, nagturo ako sa klase. Palibhasa tatlo ang subjects ko sa kanila kaya may variation. Siyempre, nakapagkuwentuhan kami at napasulat ko sila. Isa namang good news ang dumating. Lumabas na ang book na "The Hugot Recipes" ng Wattpad Writers' Guild, kung saan ako sumali sa writing contests. Nakasama sa libro ang akda kong 'Yema'. Nakaka-proud. Kaya, hapon, after ko magmeryenda, ay nagpadala ako ng payment sa libro. Isa na naman itong biyaya sa akin. Nagpadala na rin si Sir Pat ng bayad niya sa libro. Inaasahan ko na mag-oorder pa sila. Nag-inquire na rin ako sa Le Sorelle tungkol sa printing. Desidido na ako na sa kanila magpa-publish. Oktubre 13, 2016 Nagturo lang ako sa advisory ko at sa Section 1. Nagpasulat ako sa Garnet ng sanaysay. Bahagi ito ng lesson o curriculum. Marami ang nakasulat. Magaganda naman. Kaya pagkameryenda, hinarap ko ang pag-eencode at pagpopost ng mga napili kong akda. Naisantabi ko na naman ang pag-proofread ng 'I Love Red.' Bago ako nahiga, nag-chat si Emily. Nagdradrama na naman siya. Bakit daw nakakayanan ko ang malayo sa kanila. Hindi ko siya sineryoso. Alam naman kasi niya ang sagot. Ayaw kong tumira o magpalipat sa Aklan. Dito lang ako sa Pasay, lalo na't malapit ko nang malipatan ang bahay ko sa Tanza. Bukas, dadalawin ko si Mama sa Antipolo. Alam kong miss na miss na niya ako. Wala na rin siyang budget, sigurado ako. Oktubre 14, 2016 Wala na naman kaming palitan ng klase dahil wala si Mam Gigi. Nasa Science Quest siya. Gayunpamm, naging busy ang mga pupils ko. Pina-memorize ko sila ng mga magkakasingkahulugang salita, habang ako ay nagta-type ng ilang napiling akda nila. Naging produktibo pa rin naman ang buong araw namin. Pagkatapos ng klase, nakisabay ako kay Sir Erwin sa pagbiyahe. Nag-LRT kami. Papunta ako sa Antipolo. Mga past 6 na ako nakarating. Natuwa si Mama sa pagdating ko. Gaya pa rin siya ng huli kong pag-uwi. Hindi pa rin siya nakakakita. Nagkuwentuhan kami. Alam kong nagalak siyang malaman ang magagandang bagay na nangyari sa akin. Nagkuwento rin siya tungkol sa pagbisita nina Hanna at Zj. Natutuwa ako, kahit alam kung nahihirapan sila sa pamumuhay, kasama ang kanilang stepfather. Umaasa akong mapapabuti silang magkapatid, lalo na't nagsisimba-simba raw sila sa isang religious congregation. Mag-iiwan ako ng libro para sa kanila upang kahit paano ay ma-inspire sila at maging proud sa akin. Oktubre 15, 2015 Maaga akong nagising. Hindi ko nagawang matulog nang mahaba, siguro dahil gusto kong makabalik agad sa boarding house. Kaya, alas-otso y medya pa lang ay nagpaalam na ako kay Mama. Mag-aalas-dose nga ay nakarating ako. Dinaanan ko muna sa school ang padala ng WWG. Tuwang-tuwa ako sa unang anthology book ko. Nag-advertise agad ako. At ngayong araw, apat kaagad ang umorder sa akin-- si Sir Ersin, si Mia, si Auntie Vangie, at si Nida. I'm so blessed. Thankful nga sa akin ang WWG. Pasalamat din ako sa binigay nilang chance. Tinanggap ko rin ang task mula sa Le Sorelle. Ito ay ang.i-handle ang LSPuso Benefit project para sa mga batang may sakit. Kailangan ko ng illustrator para sa mga kuwentong pambata ko. Nangako akong ako ang magpi-finance ng akda kong "Ang mga Pagalit ni Mama". Dapat raw ay makapaglabas kami ng book weekly. Na-pressure tuloy ako. Natapos ko ngayong gabi ang pag-proofread ko ng 'I Love Read'. Nakausap ko na rin ang in-charge ng printing sa Le Sorelle. Bukas ay ipapasa ko na ang layout nito. Oktubre 16, 2016 Palibhasa maaga akong nagising, marami akong na-accomplished ngayong araw. Naipadala ko rin ang bayad sa apat na books ng WWG. Nagkapag-submit ako ng layout ng 'I Love Red'. Nakapag-edit ako ng 'Pahilis' at 'Hijo de Puta'. Nakapag-encode din ako ng mga akda ng pupils ko. Halos wala na nga akong tulog at pahinga. Hindi bale, mas mahalaga ang accomplishments. Nagkaroon pa ako ng kilala sa FB, na nagbigay sa akin ng maramimg idea tungkol sa self-publication, like ISBN at JMD Publication, na nag-ooffer ng 'no minumum number of copy' na ipapaprint. Oktubre 17, 2016 Akala ko suspended ang klase, hindi pala. Palabas na pala ang Bagyong Karen. Gayunpaman, masaya ako buong araw dahil marami ang pumasok. Nag-lesson kami kahit hindi nagpalitan ng klase. Nakapagpasulat ako, habang nag-eencode ng mga akda nila. Nakapag-edit din ako ng book-to-be-published nila. Gabi. Napagdesisyunan namin ng kaibigan at dati kong kaklase na mag-publish kami ng tula. Siya ang mamumuhunan. Ako na ang bahala sa proseso. Excited na rin siyang magkalibro. Oktubre 18, 2016 Naihayag ko sa pupils ko ang nalalapit na pagpapa-publish ng aming libro. Hinikayat ko ang iba, na mag-contribute para maging bahagi nito. Nagkaroon din kami ng botohan para sa title. Ayaw ko na ng Precious Moments dahil parang pang-memoir ito. Ang napili ko, na nagustuhan naman nila ay "Walang Pamagat". Pinadrowing ko naman agad si Martiney ng doodle art para sa book cover. Gabi, ginawa ko iyon. Maganda ang resulta. Excited na ako. Nag-PM naman si Sir Jeff. Nag-sorry siya sa pagka-delay ng 'Trip to Mars'. Sisikapin niya raw na matapos hanggang January. Kahit paano ay umasa ako. Pumunta si Mamah kanina sa school. Kumuha siya ng dalawa kong libro. Magpapaorder din daw siya. Naka-chat ko naman ang handler ng printing ng Le Sorelle. Ililipat ko na lang ang page numbers sa baba. Mas okay raw kasi kaysa kapag nasa taas. Bukas at ise-send ko na lahat ng kailangan para masimulan na ang printing. Oktubre 19, 2016 Nahirapan akong makatulog kaninang alas-dose y medya ng madaling araw. Siguro alas-dos na ako nakatulog. Kaya naman, pupungas-pungas ako sa school kanina. Grabe! Inabot na naman ako ng insomia. Siguro ay excited lang ako sa mga librong ipapa-publish ko pa. Pagkatapos ng klase, nagbayad muna ako ng internet bill. Pag-uwi ko, umidlip muna ako, bago nagmeryenda. Pasado alas-5 na iyon.. Gabi. Sinimulan ko namang i-format ang libro namin ni Gina-- 'Ang Buhay ay isang Tula'. Naumpisahan ko na rin ang book cover niyon. Sunod ay naikasa ko na ang printing ng 'I Love Red 0.1'. Bukas ko na babayaran ang P2290. Ang libro ay P204 kada isa. Ako rin ang magbabayad sa shipping. So, almost P230 rin ang halaga ng libro. Mahal, pero tiyak akong magugustuhan iyon ng mga mambabasa. Then, nagdesisyon akong magpa-print ng journal ko, dated January to December 2016. Nalakap ko na ang lahat ng entries ko. Ipino-format ko na lang. Salamat sa Diyos dahil nabiyayaan ako ng ganitong kakayahan at oportunidad! Oktubre 20, 2016 Kahit walang pasok, maaga pa rin akong bumangon. Gusto ko kasi na marami akong ma-accomplish ngayong araw. Hindi naman ako nabigo. Nakapagpadala ako ng pera kay Emily, gayundin sa Le Sorelle Publishing para sa printing fee. Nakapag-edit ako ng mga manuscripts na ipapa-publish ko. Nakaka-excite na. Gabi. Natanggap ko naman ang limang files ng novels. Kinuha kasi akong online judge ng isang writing group. First time ko ito. Nakaka-proud dahil nabigyan ako ng pagkakataong ganito. Ang bilis lang ng oras kapag may makabuluhan kang ginagawa. Oktubre 21, 2016 Natuwa ako sa suportang ibinigay ng dalawang nanay sa kanilang anak, na isinali ko sa Mr. and Ms. UN 2016. Gumastos pa ang nanay ng Miss sa costume. At, talagang nakakamangha ang kanyang ganda at kasuotan. Sabi nga ng ilang kaklase niyang babae, "Sana ako na lang..." at "Sana si Ano na lang..." Naging successful naman ang programa kahit hindi nakoronahan ang mga candidates ko. Apologetic pa nga ang mga magulang dahil hindi sila gaanong naglabas ng pera. Sabi ko'y okay lang dahil naka-experience ang mga anak nila. Alas-dos, ang Tupa Group at si Mam Bel ay pumunta sa MOA. Birthday ng asawa ni Mam Dang, kaya nag-treat sila sa Taste Asia. Isang masaya at nakakabusog na hapon ang naganap, lalo nang lumipat kami sa Starbucks, para magkape. Inabutan kami doon ng pasado alas-sais. Pag-uwi ko, hunarap ko ang drawing ni Rainier ng kuwentong pambata ko, na gagawing book ng Le Sorelle bilang bahagi ng LSPuso, isang benefit project. Hindi ko nga lang natapos. Kailangan ko itong bigyan ng mas mahabang oras. Tapos, hinarap pag-edit ng "Walang Pamagat". Tapos, chinat ko na ang Le Sorelle. Ipi-print na nila ang unang book ng VI-Topaz, na dapat ay book 2. Magastos at madugo ang pagpa-publish ng libro, pero okay lang dahil masaya ako at feeling fulfilled ako. Oktubre 22, 2016 Maghapon akong gumawa-- nag-edit, nagbasa, nag-darken ng drawing, naglaba, etc. Worth it ang weekend. Kaya lang, sobrang init ng klima. Kahit gusto kong ipahinga ang mga mata at kamay ko, hindi ko nagawa. Hindi ko kinaya ang init. Alas- kuwatro na yata ako nakaidlip, kahit sandali. Isa na namang achievement ang natanggap ko. Nakuha ng Barubal Self-Publication ang kuwento kong "Ang Bagong Bahay ni Procopio". Isinali ko ito nakaraang linggo lang sa "Thank You" one-shot open submission nila. Natutuwa ako dahil kahit madalian kong isinulat iyon ay natanggap pa rin. Siguro, dahil may hugot ito. Dalawa na ang libro kong anthology sa BSP. Ang una ay ang Amalgamation, na hanggang ngayon ay hindi pa nailalabas. Unti-unti ko nang natitikman ang reward ng aking pagsusulat. Salamat sa Diyos. Oktubre 23, 2016 Katulad kahapon, naging okupado ako maghapon. Natapos kong basahin ang isang nobelang idya-judge ko. Nag-edit ako ng manuscript para sa 'The Endeavor'. Hinarap ko rin ang drawing para sa kuwentong pambata. At kung ano-ano pa. Hindi nga lang ako nakatulog dahil sa tindi ng init. Inaalala ko si Mama. Sana naman ay nandoon si Flor. Tutal sembreak naman ni Rhylle. Samahan niya rin sana sa pagpapa-schedule para sa operasyon. Huwag sana matatakot ang mga kapatid ko sa mga gastusin. Kailangang makakita na uli si Mama. Oktubre 24, 2016 Wala pang alas-otso ay nasa school na ako. Sayang lang ang pagpunta ko nang maaga. Sana nag-almusal muna ako bago pumunta. Hindi naman kasi agad nagsimula ang Inset. Tapos, alas-siyes na yata nakabili ang pandesal. Alanganin na ang kain ko. Si Nurse Mariel lang ang speaker buong araw. Apat na Health Talks ang tinalakay niya. Sa hapon kami natuwa dahil may mga pa-games siya na first time naming lahat ma-experience. Hindi ko makakalimutan ang pinaglagay kami ng papel sa likod at pinagsulat kami doon ng mg compliment. Ang gaganda ng adjectives na natanggap ko. Ang bottomline ng larong iyon ay upang malaman namin na mas mainam na magbigay-papuri kaysa manira ng kapwa. Kanina, after lunch, nagdeposito ako ng P6420 sa Le Sorelle para sa 40 copies ng 'Walang Pamagat', ang libro ng VI-Topaz. Isasabay na nila ang delivery ng 'I Love Red'. Excited na ako. Malaki man ang naging capital ko, I know babalik iyon sa akin. Mas masarap ang makatulong kaysa magkamal ng salapi. Oktubre 25, 2016 Late man ako sa bundy clock o sa required time, hindi naman ako nahuli sa almusal. Naabutan ko pa ang mainit na pandesal at ang kapehan at kuwentuhan, bago magsimula ang talk ni Ms. Bernardino tungkol sa action research. Naging makabuluhan ang.second day ng Inset dahil interesting ang topic lalo na't nagkaroon ng workshop. Nakagawa kami ng research title at statements of the problems. Action na lang talaga ang kailangan namin. Nag-chat sa akin ang may-ari ng Le Sorelle Publishing na si Mam Joan. May proposal siya sa akin. Pinahahanap niya ako ng cafe o mini-book store na gustong mag-consignment ng mga LSP books. Siyempre, na-excite ako. Gusto ko ang idea. Natanong ko tuloy ang pagpasok nila sa National bookstore kaya nasabi niya sa akin na maaari niya ring isama ang books ko. Tuwang-tuwa ako. Katuparan na iyon ng pangarap ko. Kaya naman, chinat ko agad si Gina. Sabi ko'y maghanap din siya. Makipagtulungan kami sa LSP para matulungan din kaming makapasok sa NBS. Umaksiyon agad siya. Kay buti talaga ng Diyos. Oktubre 26, 2016 Ikatlong araw ng Inset. Wala namang speaker sa umaga kaya pumunta na lang ako sa Springtown para sa 1st Inspection ng aking bahay. Pero, bago 'yan, nakausap ko si Mrs. Hernandez tungkol sa offer ng LSP. Parang gusto naman niyang tanggapan ang consignment. Kaya lang, may pinapa-renovate siya. Bigyan ko raw siya ng two days para mag-decide. Pasado ala-una, nasilip ko na sa unang pagkakataon ang house-and-lot ko. Medyo na-disappoint ako kasi, malayong-malayo sa model house na nakita ko. Marami pa pala akng magagastos para magaya o mapaganda ko iyon. Hindi ko muna tinanggap ang unit dahil may mga dapat pang ayusin. Pinababalik ako sa Nobyembre 14 para sa second inspection. Oktubre 27, 2016 Niyaya ko si Mam Edith na mag-almusal. Sayang, wala si Ms. Kris. Pagkatapos naming mag-almusal, naka-bonding ko si Papang, habang nagkakape, sa Guidance' Office. Naikuwento ko sa kanya ang tungkol sa bahay ko. Naikuwento naman niya ang planong pagbili nila ng kotse para kay Jolo. Since, dumating na ang principal, from 3-days seminar sa Tagaytay, siya na nag-talk sa amin. About IPRCF ang tinalakay niya, na kung tutuusin ay mas malinaw raw ang talk kahapon ng supervisor. Gabi. Naka-chat ko uli ang proprietor ng LSP. Inalok niya ako na isama ang book ko sa isang cafe sa Valenzuela. Natutuwa ako sa chance na binibigay niya sa akin. Pinayuhan niya pa nga akong gumawa ng textbook. Marami na raw silang natulungan na kagaya kong guro. Siya na siguro ang daan sa katuparan ng pangarap ko. Oktubre 28, 2016 Nakausap ko na si Mrs. Hernandez tungkol sa consignment offer ng Le Sorelle Publishing sa kanya. Naitimbre ko na rin ito kay Mam Joan Legaspi. Pinapiktyuran pa nga sa akin ang harapan ng store. Medyo nagdududa ako sa kakayahan ng store na magbenta ng books, pero umaasa ako sa Panginoon na gagawa siya ng ways para makilaka ang mga LSP books. Alam kung hindi Niya ako bibiguin dahil maganda ang intensiyon ko. Wala namang kapararakan ang naging talk sa last day ng Inset. Walang katapusang IPCRF. Buwisit! Paulit-ulit. Nakaabala lang sa pagsusulat ko para sa NaNoWriMo. Sobrang antok ko pagkatapos ng awarding of certificates, kaya pag-uwi ko, natulog ako. Pasado alas-sais na ako bumangon. Gusto ko sanang matulog na lang magdamag, kaya lang nagugutom na ako. Pagkakain, hinarap ko naman ang pag-eedit. Nagsulat din ako. Nakipag-chat sa mga kaibigang writer. May nagpatulong nga sa akin. Kinuha pa akong personal editor ng mga tula niya. Pleasure ko naman na naedit ko ang una niyang tula. Naka-chat ko si Emily. Nabanggit niya ang tungkol sa small business na ginahawa niya sa Aklan. Umaasa akong magiging successful siya doon. Pareho naming hangad na umangat ang mga buhay namin. Oktubre 29, 2016 Alas-otso na ako nagising. Nakabawi na ako ng puyat. Kaya lang hindi naman ako nakapagahinga maghapon dahil siyempre sa mga pagsusulat at pag-eedit. Idagdag pa ang tindi ng init. Gayunpaman, masaya ako sa mga natapos ko. Ang nobela na isasali ko sa NaNoWriMo ay three chapters na. Tatlong araw na akong advanced. Sana lang ay puwede ang copy-paste. Nag-chat si Jano. Tinatanong niya kung uuwi ako. Sinabi kong hindi ko alam kasi busy pa ako. Uuwi naman ako. Kailangan ko lang maglaba. Naaawa ako sa kondisyon ni Mama. Sana sila rin. At sana, hindi lang ang magmalasakit. Oktubre 30, 2016 Pagkatapos kung maglaba, bumiyahe na ako pa-Antipolo. Dumaan lang ako sa school para kunin ang package (Hugot books from WWG). Mga pasado alas-9:30 na yata iyon. Medyo maluwag na ang kalsada kaya mabilis ang biyahe. Past 12 nasa Bautista na ako. Nakapag-grocery na ako nun. Nakipagkuwentuhan muna ako kay Mama, pagkatapos kumain at bago ako umidlip. Naikuwento ko sa kanya ang tungkol sa bahay ko. Nasabi rin niya sa akin ang kagustuhan niyang maoperahan at maalagaan si Zildjian. In-assure ko siya na ako ang bahala sa gastusin niya sa operasyon. Kaya dapat hindi matatakot ang mga kapatid ko na samahan siyang magpa-schedule. Malakas ang loob at ang pananalig niya sa Diyos. Sana patuloy akong biyayaan para patuloy rin akong makatulong financially. Oktubre 31, 2016 Nalaman ko kay Mama na nakausap niya si Jano. Naging proud daw siya sa mga na-a-achieve ko. Nakakatuwa naman. Sana patuloy akong lumago sa larangang ito upang hindi ko sila mabigo. Mga past nine, bumiyahe na ako pabalik sa Pasay. Sa Yin Nan na ako nag-lunch. Maghapon na naman akong nagpaka-busy sa mga writing tasks ko. Kinailangan ko pang mag-research ng tungkol sa werewolf. Bukas na ng re-opening ng Sulat Pilipinas. Excited na ako. Alam kung isa na naman itong milestone sa buhay ko. Sana ay maging successful na this time.

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...