Followers

Friday, October 7, 2016

Kailanman

Ang tunay na kaibigan ay 'di plastik,
Wagas kung mang-asar at manlait,
At hindi napipikon, kahit na masakit.
Ang totoong kaibiga'y 'di nakakalimot,
At sa pangungumusta ay 'di madamot,
Kahit malayo na at panaho'y nilumot.
Ang isang wagas na pagkakaibigan
Ay hindi ka makakalimutan, kailanman,
Kahit makatagpo ng bagong kaibigan.


No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Jess #4

  “Hindi na ako puwede,” tanggi ni Jess nang tumawag si Ram. “Ihahatid na lang kita sa airport bukas. Anong oras ba ang flight mo?”   ...