Followers

Saturday, October 1, 2016

Bakit Minsan Lang Mamukadkad ang Aking Bulaklak?


Nakalulungkot talaga,

Dahil aking halamang alaga

Kung mamulaklak ay bihira.

 

Nakakapanghina pa,

Laging na lang siyang lanta

tuwing naaabuta't nakikita.

 

Minsan ako'y naging masaya,

Nang matiyempuhan ko siya.

Bulaklak ay kay ganda!

 

Pero nalungkot akong bigla...

Amoy niya'y pambihira--

nakasusulasok pala.

 

Nakakasukang sobra!

Amoy patay na daga,

Masakit sa baga.

 

Nakakatawa...

Bulaklak, lahat ay may ganda,

Ngunit amoy ay iba-iba. 

 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...