Followers

Tuesday, October 4, 2016

Huwag Kang Malulumbay

Huwag kang matakot maiwanan
ng taong iyong pinagkatiwalaan
ng iyong puso at ng kaligayahan,
'pagkat siya naman ang nawalan.

Huwag kang tumangis, kaibigan,
dahil siya'y may kamangmangan,
isang hiyas ay kanyang iniwanan
at ipinalit sa batong mula sa putikan.

Huwag mo siyang kamumuhian,
habulin, pigilan, o kahit hadlangan,
dahil alam niya ang kasasapitan,
kapag mas pinili niya ang kamalian.

Huwag mong asahang ika'y babalikan,
sapagkat uusigin siya ng kahihiyaan,
hanggang hindi na niya makayanan.
Malamang, kanya itong pagsisisihan.

Huwag kang mapuspos sa kalungkutan,
dahil ikaw ay kaibig-ibig naman.
Tunay na pag-ibig, iyong matatagpuan
sa lugar at panahong 'di inaasahan.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

  Setyembre  1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...