Followers

Sunday, October 16, 2016

Sa Aking Mundo

Kung nais mong pasukin ang mundo ko,
iyo munang hubarin ang maskara mo,
sapagkat natatakot ako sa hunyango
at ang pagbabalatkayo ay hindi pantao.

Kung gusto mong maging bahagi nito,
iyo munang hugasan sa mukha mo
ang pinturang nagkukubli ng pagkatao,
dahil nahihiwagaan ako sa mga payaso.

Kung hangad mong mapabilang dito,
magbaon ka ng tiwala at respeto
dahil mga tunay na tao ang mga narito,
walang hayop at wala ring maligno.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hunyo 2026

Hunyo 1, 2026 Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. Pagising-gising at pabaling-baling ako kasi ang mga panaginip ko ay parang totoo. P...