Sa pagsusulat, huwag mong katamarang gumamit ng kuwit o comma baka ma-coma ka.
Hehe!
Malaki ang bahagi ng comma sa isang sentence. Nag-iiba ang kahulugan kapag tinanggal o dinagdagan mo ng kuwit ang isang pangungusap.
Halimbawa: Let's eat, Grandpa!
Iyan ang sentence na ginamitan ng comma. Tama iyan. Ibig sabihin, niyayaya ng speaker ang kanyang lolo.
Tanggalin natin ang kuwit: Let's eat Grandpa!
Tama rin naman. Pero, whoaah! Parang cannibal na ang speaker! Kakainin na raw nila ang kanilang lolo.
See? Malaki ang kaibahan kapag may comma o wala. Huwag mo itong ipagsawalang-bahala. Walang mawawala sa'yo, kaibigan, kung gagamitin mo sa tama ang comma o kuwit.
No comments:
Post a Comment