Masuyo ang hawak ng ina sa kamay
ng anak habang patungo sila sa paaralan. "Bakit kaya ako pinatawag ng
teacher mo?" aniya pagkatapos humithit sa sigarilyo na hawak ng
kaliwang kamay.
"Hindi ko po alam. Siguro po
ay tungkol sa field trip," inosenteng sagot ng batang babae.
Humithit pang muli sa yosi ang
ina na naka-shorts nang maiksi na halos kita na ang maiitim at maugat na
kuyukot, bago niya itinapon sa kalsada ang upos. "Ah, gano’n ba? Bilisan
na natin. Late ka na, e."
Sa silid-aralan, naabutan nilang
nagtuturo na ang maestro, na agad namang huminto upang kausapin ang ina.
"Mabuti po at nakarating po
kayo. Salamat! Gusto ko lang pong malaman ninyo na~"
"Ay opo, Sir! Sasama po sa field
trip si Valerie," sabad ng ina.
"Salamat kung gano’n, pero
po ang dahilan ng pagpapatawag ko sa inyo ay ang paninigarilyo ng anak niyo
dito sa campus... Alam niyo po ba `yon?"
"Halika nga rito, bata ka at
ipi-field trip kita!" Hinila ng ina ang anak sa buhok at dali-dali
silang lumabas sa classroom.
No comments:
Post a Comment