Followers

Monday, November 9, 2015

Madali Lang Magpakamagulang

Ang paglaki o paglago ng isang bata, maging ito ay pisikal, emosyonal o mental, ay napakahalaga. Ito ang panahon kung saan nabubuo ang mahahalagang kakayahan niya. Habang ang bata ay naglalaro,  siya ay madalas na nangangailangan ng gabay at paunawa kung paano gawin ang isang bagay. Kadalasan, hindi natin nakikita na hindi naman niya naisasagawa ang mga bagay na ayon sa kagustuhan natin o kung ano ang dapat.

Kaya naman, nagtatanong tayo kung paano natin mamo-motivate ang isnag bata. Paano nga ba? Para sa atin, napakahirap nito, bilang magulang. Iniisip nating hindi naman tayo papansinin o pakikinggan ng ating anak hanggang hindi natin siya nasaktan. Hindi naman dapat na umabot sa ganu'n. Gayunpaman, nananatili tayong problemado kung paano nga natin sila mapapabuti.

Makakatulong kaya kung aalamin natin ang bagay na makakapag-motivate sa kanya?

Tinitingnan ng mga bata ang kanilang mga magulang bilang isang modelo. Iniidolo nila ang kanilang ina o ama hanggang makabuo na sila nang sarili nilang pamantayan at hanggang sa maunawaan nila ang mga bagay-bagay. Ginagaya nila tayo, kaya kung magpapakita tayo ng magandang ugali, kilos at pananalita, malaking tsansa na gayahin nila tayo. Halimbawa, mahilig tayong maglinis sa bahay at magtanim ng mga halaman, makikita nating ganoon din ang gagawin o makakahiligan niya.

Isa pa, ang mga bata ay naghahanap ng inspirasyon mula sa lahat na makikita niya sa paligid. Kahit sa kapatid, nakakatandang kasamahan sa tahanan, sa katulong o kahit kanino na madalas niyang makasama ay maaaring paghugutan niya ng inspirasyon. Samakatuwid, kailangan nating gumawa ng malusog na kapaligiran upang matuto siya ng tama habang nakikita o napapanuod niya.

Paano natin mahihikayat ang isang bata na maging mabuti?

Una. Huwag nating ipilit ang gusto natin.

Kapag ginawa natin ito, magiging rebelde lang ang bata. Magkakaroon lamang ng pagtatalo. Dapat hayaan natin siyang mamili kung susundin ba niya o hindi. Makakabuti kung gagabayan natin siya na mas piliin ang tama kaysa sa mali.

Pangalawa. Magpakita tayo ng mga ugali at kilos na magaganda.

Kapag ginawa natin ito, mahihikayat natin siyang magkaroon ng pagbabagong positibo. Pasasaan ba't maiisip niya na ang mga ginagawa natin ay para sa ikakabuti niya. Kaya nga lagi tayong maging inspiring sa kanila. Dapat ay hangaan niya ang bawat pananalita at pagkilos natin.

Pangatlo. Hayaan natin siyang pumili at tanggapin ang resulta ng kanyang napili.

Mahalagang malaman nila ang kanyang pagkakamali. Hindi naman puwedeng supilin natin siya nang supilin. Kailangang maranasan niya bago niya masabing mali o tama ang ginawa niya. Lagi lang natin siyang gagabayan. Ipaalam natin sa kanya na may potensiyal siya na dapat nililinang. Hindi natin siya puwedeng pangunahan sapagkat may sarili naman siyang pag-iisip.

Kapag naisagawa ang mga ito nang maayos at tama, ang pagdidisiplina sa mga anak ay hindi magiging isang balakid sa pagpapalaki sa kanila. Kailangan lang talaga nating maging bukas, mapagmatyag at matalino sa paggabay sa ating mga anak.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...