Followers

Sunday, November 1, 2015

It's a Bird

Maraming uri ang ibon (bird). Marami ring kahulugan ang ibon kapag ginamit sa parirala o pangungusap.
Sa English vocabulary, ginagamit ang bird (ibon) sa mga idiomatic expressions. Iyan ang ating tatalakayin ngayon. Narito ang ilan:
1. A little bird told me. Kapag may nagtatanong sa'yo at ayaw mong ipaalam kung saan nanggagaling ang impormasyon, maaari mong sabihin sa kanya ito. Halimbawa: "Sabi ng maliit na ibon, kumita siya nang malaki sa pagtitinda ng kendi."
2. A bird in the hand is worth two in the bush. Ito ay isang sawikain na ang ibig sabihin ay 'mas mabuti pang magkaroon ng kaunti o sapat kaysa maghangad ng marami, na maaaring mawala pa sa iyo'.
3. Bird's eye view. Nangangahulugan ito sa perpektong anggulo kung saan makikita nang buo at malinaw ang nasa babang bahagi. Ginagamit ito ng mga litratista.
4. Bird's brain. Literal na maliit lang ang utak ng mga ibon. Kaya kapag nasabihan ka nito, para ka na ring sinabihan ng 'tanga' o 'bobo'.
5. Birds and the bees. If the child is taught about the birds and the bees, tinuturuan sila ng tungkol sa pagtatalik.
6. Birds of the same feathers flock together. Ikinukumpara ito sa mga taong pare-pareho ang interes. Halimbawa ay ang magkakaibigang mahilig magsulat. Siyempre, magkakasundo sila sa lahat na may kinalaman sa literatura at pagsusulat.
7. Early bird catches the worm. Katulad ito ng kasabihang 'Daig ng maagap ang masipag.' Totoo namang ang ibon na maagang magising ay siyang makakahuli o makakatuka sa uod para maging pagkain. Kung batugan nga ang tao, paggising niya, wala nang almusal. Kahit nga ang mga private schools ay may early bird promo. Kapag maaga kang mag-eenroll, may discount sa tuition.
8. Eat like a bird. Literal din ang ibig sabihin nito. Konti lang kasi kung kumain ang mga ibon kaya kapag 'you eat like a bird', kakaunti ka lang kung kumain. Parang lagi kang nasa diet.
9. Go tell it to birds. Parang may koneksiyon ito sa idyoma na nasa unang bilang (A little bird told me). Ibig sabihin nito, ang nagsasalita ay hindi nagsasabi ng tapat at totoo. Nagsisinungaling siya.
10. Kill two birds with one stone. Mahirap makapatay ng dalawang iba gamit lamang ang isang bato. Parang imposible. Pero, sa idyomatikong pananalita, nangangahulugan itong na-solve mo ang dalawang mahirap na problema sa pamamagitan lamang ng isang makabuluhang aksiyon. Halimbawa, ang problema mo ay paano makatapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya. Ang solusyon mo ay maging working student.
Ang 'bird' ay talagang makahulugan. Patunay ang sampung idiomatic expressions na nabanggit sa unahan. Sa usapang green, ang bird o ibon ay tumutukoy din sa ari o genital ng lalaki. Meaningful, di ba?
Halina't gamitin ito sa pagpapayabong ng ating talasalitaan!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...