Followers

Sunday, November 1, 2015

Tunay

Ang kaibigan ay parang gulong at siklo.
Kaaway mo dati, ngayon ay kakampi mo.
Kakampi mo dati, ngayon ay kaaway mo.
Hindi tumitigil sa pag-ikot ---pabago-bago.

Kaya nga, hindi na dapat pang magtaka
Kung pagkakaibigan niyo'y agad masira
At makilala tunay niyang ugali at hitsura
Pagkat walang permanente... wala, wala!

Marami diyan sa tabi, ikaw ay gagamitin
Kapag ang kailangan sa'yo ay naangkin
Nungkang babatiin ka pa at papansinin
Madalas iiwanan ka at ikaw pa'y sisirain.

Meron naman diyan, hindi ka talaga iiwan
Sa mga suliranin, kanya kang dadamayan
Sa kasiyahan at tagumpay siya ay nariyan
Kaya iyong pahalagahan dahil bihira 'yan.

Mapalad ang sinuman na kaibiga'y tunay
Kasa-sama sa lahat ng pagsubok sa buhay
Uminog man ang mundo siya'y nakaalalay
Sasamahan ka sa iyong mga paglalakbay.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...