Followers

Sunday, November 1, 2015

Time to Learn

Time is gold. Kaya nga, dapat natin itong pahalagahan. Wala tayong dapat na sinasayang na panahon. Ang pagbabasa ay isang mainam na paraan upang magamit nang kapaki-pakinabang ang mga bakanteng oras.
Sa English vocabulary, ang 'time' ay binibigyan pa nga ng ibang kahulugan upang mas mapaunlad ang talasalitaan at upang magamit ang oras sa pag-iisip ng tamang kahulugan nito.
Ang mga sumusunod ay mga idyomatikong pananalita sa wikang Ingles na bibigyang-linaw natin sa wikang Filipino:
1. Ahead of time. Bago ang itinakdang oras/panahon.
2. Behind the times. Old-fashioned ang ibig sabihin nito.
3. Big time. Kapag big time businessman ka, ibig sabihin, ikaw ay may malaking asset. Huwag ka lang sanang mapabilang sa big time syndicate.
4. Crunch time. Hindi ito nangangahulugang magkakainan ng chicharon ang isang grupo, kundi sila ay magkakaroon ng isang matinding decision-making.
5. Do time. Kapag ang isang tao ay nagdo-'do time', siya ay nasa kulungan. Binibilang niya kasi ang bawat oras o araw na nakakulong siya at inaabangan ang kanyang paglaya. Katulad ito ng 'serve time'.
6. For the time being. Nangangahulugang ang isang aksiyon ay pansamantala pero magpapatuloy hanggang sa darating na panahon.
7. Fullness of time. Kapag nangyari ito, ito ay nasa tamang panahon.
8. Good time. Kapag naglakbay ka nang walang hassle, mabilis at ligtas, nagkaroon ka ng good time.
9. Long time no hear/see. Ang magkaibigang matagal nang hindi nagkikita o nagkakausap sa telepeno ay ganito.
10. Nick of time. Kapag ang isang gawain ay ginawa sa mga huling sandali bago matapos ang itinakdang oras, ito ay ginawa sa 'nick of time'. So ang ibig sabihin nito ay 'very last minute or second'.
11. Play time. Kapag pinaglaruan mo ang oras, ibig sabihin, hindi ka pa handang gawin o tapusin ang isang bagay.
12. Pressed time. Kapag nasa pressed time ang isang tao, siya ay nagmamadali o nasa tight schedule.
13. Question of time. Kapag ang isang pangyayari (future tense) ay nasa question of time, ito ay siguradong mangyayari, kaya lang hindi pa sigurado kung kailan.
14. Small-time. Kabaligtaran ito, siyempre, ng big time (#3).
15. A stitch in time saves nine. Literally speaking, kapag di mo pa sinulsihan nang maaga ang butas sa iyong damit, lalo itong lalaki o kaya tuluyang mapupunit. Kaya, ang idiomatic expression na ito ay nagpapahiwatig na ang magagawa mo ngayon ay gawin mo na.
16. The sands of time. Kung alam mo ang hour glass, iyon ang literal na meaning nito. Kapag may sands of time ka na, malamang konti na lang ang nalalabing oras mo sa mundo.
17. Third time's the charm. Sa ikatlong beses na pagsubok o pag-try ay saka lamang magtatagumpay.
18. Time does sail. Kapag ang isang pangyayari ay naganap nang walang nakakapansin.
19. Time is on my side. Nasa iyong tabi ang oras kapag wala kang iniisip na oras o hindi ka nagmamadali.
20. Time of your life. Ito ang panahong enjoy na enjoy ka sa buhay.
21. To the end of time. Ito ay isang paraan ng pagsabi ng 'forever'.
22. Walking time-bomb. Ito ay taong hindi mo mabasa ang iniisip.
23. Whale of a time. Kapag meron ka nito, talagang nag-e-enjoy ka.
The time has come! Oras na para gamitin ang mga ito sa pakikipagtalastasan.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...