Isang araw, umuwi si Thomas mula sa paaralan at inabot sa kanyang ina ang isang nakatuping papel. "Sabi po ni Teacher, ibigay ko po raw ito sa'yo at ikaw lang po ang magbabasa."
Maluha-luhang binasa ng ina ang sulat. "Napakatalino ng anak mo. Ang aming paaralan ay napakaliit para sa kanya. Wala kaming magagaling na guro para turuan siya. Ikaw na ang magturo sa kanya."
Maraming-maraming taon ang lumipas pagkatapos mamatay ang ina niya at isa na siya sa mga dakilang imbentor, nagkakalkal siya sa mga lumang gamit. Walang ano-ano ay nakita niya ang isang nakatuping papel sa drawer. Kinuha niya ito at binuksan.
Sa papel ay nabasa niya ito: "Ang inyo pong anak ay napagkakamalang may problemang pangkaisipan. Hindi na namin siya pinapasok."
Umiyak si Thomas sa loob ng halos isang oras. Pagkatapos, nagsulat siya sa kanyang diary. "Si Thomas Alva Edison ay pinaghihinalaang may sakit sa kaisipan, ngunit dahil sa kanyang dakilang ina, siya ay tinaguriang genius of the century."
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sigaw ng Kalayaan Labing-apat ako noon nang ako'y naging ulila Kailangan kong itaguyod ang kapatid kong lima Kaya ang mga baston at pamaypay ay itininda Nahinto sa pag-aaral na siyang mahalaga Subalit ako'y nagpakadalubhasa sa pagbabasa Kaya ako'y nakagtrabaho sa mga kompanya Natuto pa akong sumulat ng mga akda Kagaya ng iniidolo kong bayaning pambansa May pusong mapaghimagsik at may adhika Mapalaya ang bayan sa kamay ng mga Kastila Kaya nang dakpin si Rizal, tapang ko'y lumaya KKK ay aking itinatag upang makipagdigma Sa katawagang 'Supremo,' ako ay nakilala Dahil dito, si Oryang ay aking naging asawa At noong Agosto 1896, nagpunit kami ng sedula Sa Pugad Lawin, sigaw nami'y maging malaya.
Sigaw ng Kalayaan Labing-apat ako noon nang ako'y naging ulila Kailangan kong itaguyod ang kapatid kong lima Kaya ang mga baston at pa...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Paano nga ba isinusulat ang Lathalaing Pang-agham? Gusto mo ba ng sample ? Walang problema. Talakayin at unawain muna natin ang kahu...
No comments:
Post a Comment