"Salamat pa rin sa pagdalaw mo, Lianne..." Idinantay ko ang nanghihna kong palad sa kamay niya. Nabawi ko na ang lungkot ko. Pilit ko na lang ikinubli ito upang masilayan kong muli ang ngiti sa mga labi ng pinakamamahal kong babae.
Hindi ako nagkamali. Ipinasilay niya sa akin ang napakatamis niyang ngiti. Nalunod ako. Wari ko'y bigla akong lumakas. "Nag-alala ako sa'yo... Mabuti na lang, paluwas na talaga ako ng Manila nang may nagtext sa akin."
Nagyakap ang mga daliri namin nang di namin namalayan.
"Gusto kong malaman kung sino ang nagdala sa akin dito." kako.
"Hindi nakarehistro ang number ng nagtext sa phonebook ko... Wait lang.." Bibitiw na sana siya sa pagkakahawak namin sa isa't isa.
"H'wag na, Lianne... Mamaya natin malalaman sa doktor. O kaya sa information.."
"Okay."
Naramdaman kong pinisil-pisil niya ang mga daliri ko. Kakaibang sensasyon ang aking naramdaman. Hindi lang kuryente. Muntik na akong mapapikit sa ligayang iyon. "Lianne, natatakot akong mag-isa. Please, huwag ka munang umalis." Gusto ko sanang sabihin 'yun, pero inabot ako ng hiya. Ayokong sabihing nagdradrama ako. Sanay naman akong mag-isa.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Lianne habang wala kaming masabi sa isa't isa. Nagkatitigan kami hanggang naibaba na lang niya ang kanyang tingin.
"Sino ang gumawa sa'yo nito, Hector?" pagbubukas muli ni Lianne ng usapan. That time, siya naman ang nakatitig sa akin.
Ako, nakatingin lang sa kawalan. Mahabang sandali ko ring pinag-isipan kong sasabihin ko ba sa kanya ang lahat ng nangyari o hindi. Alam naman niya ang uri ng trabaho ko kaya nahuhulaan kong may ideya na siya. Pero, hindi niya pa alam ang tungkol kay Val. Ayokong malaman niya pa iyon. Hindi kami nagkakilala ni Val. Hindi siya ang may gawa niyon sa akin.
"Sino, Hector?" Bahagya akong napitlag sa muli niyang pagtanong. Tila isang makapangyarihang tinig ang naulinig ko mula sa babaeng nagmamalasakit sa akin.
"Si Val! Si Val.."
"Sino si Val?''
No comments:
Post a Comment