Followers

Wednesday, November 4, 2015

Kaluoy

Pssst, kaibigan,
may handaan ang ating kasamahan.
Imbitado ako ni Kuwan.
Ikaw, nasabihan ba’t naimbitahan?

Ha? Ano ba ‘yan?!
Imbitasyon ay di ka binigyan?
Kaluoy ka naman..
Bakit kaya? Anong dahilan?

Hmmm… Aking naisipan:
Hindi ka kasi mabuting kaibigan;
sa pamimintas kasi, wala kang pakundangan.
Ayan! Karma sa’yo ‘yan!

Next time naman…
Handaa’y huwag mong pipintasan;
mga pagkain, iyo na lang pasalamatan;
Pagdalo mo’y isang magandang karanasan.

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 13

Elias Maticas 13   Nag-iba ng daan si Elias upang umiwas sa mga tsismoso at tsismosa sa tindahan ni Manay Gloria. Kaya lang nahirapan na...