Followers

Sunday, November 1, 2015

Magtanim ay Di Biro

Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko
Ang pagsasaka ay marangal na trabaho
Bigas na isasaing at kaning kakainin mo,
Hindi basta tumubo, hindi basta isinusubo.

Magtanim ng bala at punglo ay di biro,
Mga OFW sa airport, doo'y inieskandalo
Pinagsasamantalahan ng kapwa Pilipino
Hindi na nahiya, wala nang sinasanto.

Magtanim ng poot sa kapwa ay di biro
Mabigat sa loob, nakakasama sa puso
Bunga nito'y mapakla at kay baho-baho
Mag-uugat pa ng mga bagay na negatibo.

Magtanim ng kabutihan ay di biro
Gawing makabuluhan, gawing totoo
Upang bawat tao ay magkakasundo
Walang alitan, walang panibugho.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...