Lisa: Mama, Papa, may takdang aralin po kami. Maaari ko po
ba kayong tanungin?
Mama: Siyempre naman.
Papa: Ano iyon, anak?
Lisa: Ano po ang nangyari sa Sigaw sa Pugadlawin?
Papa: Ang Sigaw sa Pugadlawin ay isang natatatanging
pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na binubuo ng mahigit limandaang
Katipunero na sabay-sabay na pinunit ang kani-kanilang sedula bilang
pagpapatunay ng kanilang tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Ito ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa pamumuno ni Andres
Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan.
Lisa: Bakit po nila ginawa iyon?
Mama: Ako, ako ang sasagot…. Kasi noong Hulyo 5, 1896 nang
matuklasan ng pamahalaang Espanya ang samahang Katipunan. Isang liham ang
ipinadala ni Tenyente Manuel Sityar, isang opisyal ng Pasig, sa Gobernador
Sibil ng Maynila upang ipaabot ang kaniyang kaalaman sa samahang kubling
binubuo sa kabisera. Ayon sa kaniyang balita, ang samahan ay buong-tapang na
nagsisiwalat ng mga kamalian ng pamahalaan at ang puwersa nito ay umabot na
maging sa kalapit na sakop ng Maynila gaya ng Mandaluyong at San Juan. Ayon rin
kay Sityar, may nalikom na laang-salapi ang samahan na sapat upang matustusan
ang mga kasapi ng mga armas na kanilang gagamitin sa napipintong pag-aaklas
nila.
Lisa: Iyon po baa ng dahilan kung kaya nagpatawag si
Bonifacio ng pagtitipon?
Papa: Opo, anak! Dahil sa pagkatuklas ng Katipunan,
pinasabihan ni Andres Bonifacio ang iba’t iba pang pinuno ng samahan na isang
pagtitipon ang kanilang pasisinayaan sa Balintawak at dito ay pag-uusapan kung
ano ang pinakamainam na hakbangin na kanilang gagawin. Noong Agosto 19, kasama
ang kapatid na si Procopio, at ilang kasapi gaya nina Emilio Jacinto, Teodoro
Plata at Aguedo del Rosario, ay tumulak si Andres Bonifacio sa Balintawak at
sinapit ito dakong madaling-araw. Nang sumunod na araw naman ay natunton ito ng
grupo ni Pio Valenzuela. Kinabukasan muli ay binago ni Bonifacio ang kodigo ng
Katipunan matapos mapag-alamang nababatid na ito ng mga Espanyol. Matapos
magtipon ang may limandaang Katipunero, ay binagtas nila ang Kangkong, Kalookan
at dito ay pinaunlakan silang patuluyin at pakainin ni Apolonio Samson. Hapon
ng Agosto 22 ay tinungo naman nila ang Pugadlawin.
Lisa: A, kahanga-hanga naman ang ginawa niya. E, ano pa po
ang mga naganap nong Agoste 23, 1896?
Mama: Si Papa mo na ang sasagot niyan.
Papa: Nang araw na iyon, narating nila ang tahanan ni Juan
A. Ramos, anak ng kinikilalang “Ina ng Katipunan” na si Melchora Aquino. Sa
kabila ng pilit pagtanggi ng kaniyang bayaw na si Teodoro Plata ay sumang-ayon
naman ang lahat na simulan na ang pakikipaglaban. Sa utos ni nga Bonifacio,
sabay-sabay inilabas ng mga Katipunero ang kanilang sedula at pinunit ito ng
buong pagmamalaki at katapangan. Pagkatapos, napagkasunduan nilang ang unang
yugto ng himagsikan ay gaganapin sa Agosto 29, na kabibilangan ng lahat ng
kasapi ng Katipunan.
Lisa: Naunawaan ko na po. Maraming salamat po sa inyo!
Papa at Mama: Walang anuman, anak!
No comments:
Post a Comment