Followers

Saturday, March 7, 2015

Redondo: Movie Marathon

“Salamat, Red at pinagbigyan mo ng kahilingan ko.” pagbubukas ng usapan ni Riz, pagkatapos kaming hainan ng almusal ng kanyang ina.

Hindi pa ako nakakahigop ng mainit na tsokolate pero sinagot ko ang sinabi niya. “Welcome, Riz! Para sa’yo..” Pero, hindi ko na naituloy ang ‘gagawin ko ang lahat’. Ayaw ko kasing masundan pa ito ng isa pang hiling niya. Ayaw ko na. Sana sabihin na niya okay na siya na wala ako. Gusto ko naman kasing harapin si Dindee. Lagi ko na lang siyang nasasaktan.

“Red, okay lang ba sa’yo kung..”

Alam ko na ang sasabihin niya kaya.. “Alam mo, hindi nga ako kinikibo ni Dindee, ilang araw na. Ayaw niya talagang..m-malayo ako sa kanya.” Gusto ko sanang sabihin na “mapalapit ako sa’yo’’.

“Hayaan mo, bukas.. o kahit mamayang gabi, pagkatapos mong tumugtog sa bar, uwi ka na. Ayaw ko din namang gawin ito. Kaya lang, ikaw lang kasi ang makakatulong sa akin. Ikaw ang huling kasama ko bago ako ni-rape ni Leandro..’’ Umiyak na siya. “Sana nauunawaan mo ako. Sana kung..kung..”

“Riz, sorry..”

“Anak? Bakit, anak?” Lumapit ang kanyang ina.

“Wala po. Naalala ko lang po.”

“Tama na, anak. Kaya nga narito na si Red para tulungan kang makalimot. Di ba ‘yun naman ang gusto mo?”

“Opo..”

“Sige na. Tama na.”

Hindi na kami iniwan ng kanyang ina hanggang matapos kaming kumain.

Pagkatapos, nagsalang si Tita ng comedy film. Natuwa ako. At least, hindi ko na kailangan pang mag-isip ng paraan para maging masaya si Riz.


Maghapon kaming nanuod. Parang movie marathon.

Wattpad: Nakakatulong ba?


        Ang wattpad ngayon ang kinahuhumalingan ng mga kabataan. Kasabay ng paglago ng teknolohiya, ito ay patuloy na umaakit sa milyong-milyong bilang ng mambabasa at manunulat, lalong-lalo na ang mga kabataan.
         Sa katunayan, dahil sa wattpad nakilala ang ibang kabataang manunulat. Nagkaroon din ng pag-asa ang ilan upang mailathala ang kanilang mga akda. Ang iba pa nga ay nangangarap na maisapelikula pa ang kanilang ng mga istorya.
         Tunay ngang malayo na ang narating ng application na ito. Marami na rin ang natulungang mag-aaral sa kanilang mga aralin at proyekto. Ito na nga ang bagong aklat ng mga kabataan. Napakadali kasi nitong ma-access. Kahit walang internet ang cellphone at maaaring mabasa ang mga akda. Kusa na ring nag-a-update kapag may internet na. Kaya naman, ang mga mahihilig magbasa ay hindi na kailangan pang magbitbit ng mga libro. Name it and you can read it.
         Ang wattpad.com ay isang napakahusay na inobasyon, bilang isang sa social media. Hindi lang nagkakaroon ng kaibigan ang mga netizens, kundi nagkakaroon din ng magandang kasanayan ang mga mag-aaral. Natututo silang magsulat. Nahahasa ang kanilang kakayahang umunawa. Ang wattpad, bilang social media for writers and readers, ay may malaking ambag sa literatura ng bansa. Dito kasi malilinang ang abilidad ng isang bata. Magsisimula kasi siya sa pagbabasa, hanggang dumating ang kanyang panahon kung kailan may nabuo nang ideya sa kanyang isip. Unti-unti nang gagana ang kanyang imahinasyon sapagkat marami siyang napulot na paraan, istilo at kaalaman sa kanyang mga binasa.
         May isang guro akong kilala na hinihikayat niyang mag-wattpad ang kanyang mag estudyante. Sa katunayan, ginawan pa niya ng account ang ibang mag-aaral. Nagturo din siya sa kanyang klase kung paano magsimulang mag-wattpad. Kamukat-mukat, dumami ang kanyang followers. Dumami rin ang naging mahusay sumulat ng tula, kuwento at sanaysay, dahil sinabayan niya ito ng pagtuturo kung paano magsulat. Naibabahagi din niya ang kanyang mga akda sa kanyang klase.
         Hindi nga matatawaran ang magandang epekto ng wattpad sa mga mag-aaral. Malaki ang naitutulong nito sa pag-unlad ng kabataan. Dahil dito, magiging proud sa atin ang mga dakilang manunulat noong unang panahon gaya nina Jose Rizal at Francisco Balagtas.
         Ngunit, pakatandaan na ang wattpad ay maaari ring maging malaking hadlang sa pag-aaral ng mga kabataan. Nakakaadik ito. Nakakawala sa pokus. Marami ding mga akda sa wattpad ang nag-o-offer ng mga malalaswang babasahin. Kaya naman ang mga mambabasa ay hinihimok na umiwas sa mga ganitong akda. Pumili ng genre o category na angkop sa iyong edad. Mas mainam pa ring basahin ang mga obra na may halaga at kabuluhan.
         Ang wattpad, bilang bagong aklatan, ay may magaganda at masasamang epekto sa mga mag-aaral. Ngunit nasa kamay pa rin ng mambabasa ang magiging epekto nito sa kanya. Kung iisiping mabuti, kahit nga ang tunay na silid-aklatan ay kinapapalooban din naman ng lahat ng uri ng babasahin, masama man o mabuti; pormal o di pormal; malaswa o hindi; nakakatawa o nakakaiyak; totoo o kathang-isip. Ang tamang pagpili ng babasahin pa rin ang sagot.

   

Friday, March 6, 2015

Redondo: Harana


“Hello, Dee? Musta ka?” Pilit kong pinapasweet ang boses ko para di siya magalit sa akin nang tumawag ako sa kanya, after class.

“Okay naman. Busy ako, e. May sasabihin ka?”

Di ko mabasa ang damdamin niya. Parang galit, na hindi naman. “Wala naman. Nangungumusta lang. Nga pala, hindi pa pala makakauwi sa bahay.”

“Okay!’’

“Teka lang! Dee!”

“Bakit?”

“I miss you!”

“K! Bye. Enjoy!”

Binaba na niya.

Hindi siya nagagalit sa akin pero parang iyon na rin ang ipinaparamdam niya. Wala pa akong magagawa. Nais kong matulungan si Riz na matanggap niya ang nangyari sa kanya. Siguro ay mauunawaan na lang ako ni Dindee, later on. Siguro, si Mommy na lang din ang makakapagpaliwanag sa kanya dahil pareho silang babae.

Tinext ko si Mommy tungkol dito. Humingi ako ng payo at tulong. Sure daw, sagot niya.

Pagdating ko kina Riz, naggitara ako. Double purpose. Una, para ko siyang hinaharana. Pangalawa ay para sa gig ko mamayang gabi sa MusicStram. Alam na ni Riz at ng kanyang mga magulang na magtratrabaho muna ako sandal. Babalik din.

Nang matapos akong magpraktis. Tinugtugan ko pa si Riz ng ibang kanta. I made sure na kikiligin siya. Hindi ako nabigo. Mangiyak-ngiyak siya sa apat kong kinanta. Humirit pa nga.

“Sorry..Riz. Pwede, bukas naman? Kasi kailangang ipahinga ko rin ang boses ko para sa gig ko mamaya.” pakiusap ko, in a nice way.

Tumango muna siya. “Okay lang, Red! Naunawaan ko. Sobrang saya ko naman na kasi para mo na naman akong hinarana. Naalala ko noong hinarana mo ako sa park.” Ngumiti siya. Noon ko na lang uli napansin ang kagandahan niya.

Naalala ko pa rin iyon siyempre. “Kasabwat ko noon si Gio. Sorry pala dun, ha?”

“ano k aba?! Ako nga ang dapat mag-sorry sa’yo dahil..di ko iyo pinahalagahan.” Tapos, nalungkot siya bigla. Nag-iba ng direksyon ng tingin.


“Hayaan na natin iyon! Nakaraan na, e. Alam mo ba kanina sa school? Pinagtripan na naman nila si Gio. Tsk tsk.” Pinilit kong maiba ang usapan namin. Ayokong manumbalik ang pagtingin niya sa akin. Mabuti na lang at nakinig siya sa mga kuwento ko. Nag-imbento na nga lang ako ng iba. 

PAGSUBOK (Kabanata 12: Si Robert)

Punong-puno ako ng pag-asa nang magpaalam at lumayo ako sa munting tahanan ni Lolo Bert. Hindi ko kayang tumbasan ang tulong na binigay niya sa akin. Munti man ay nagdulot sa akin ng kakaibang ginhawa at katatagan. Habang hila-hila ko ang maleta palayo sa simbahan ay naglaro sa aking isapan ang mga katagang binigkas ni Lolo Bert. Parang si Lola Esme ang nagwika. Parehong-pareho ang linya nila. Naisip ko tuloy na ginagabayan pa rin niya ako sa aking paglalakbay. Wala pa rin akong direksiyon. Hindi ko pa alam kung saan ang tungo ko. Kaya, sa isang bench sa parke ay saglit akong umupo para magplano. Binilang ko rin ang natitira ko pang pera. Three hundred and forty-three na lang. May dalawang bente-sinko sentimos pa. Nanlumo ako. Saan kaya ako dadalhin ng halagang ito? Parang napako ako sa kinauupuan ko. Ayoko na sanang umalis. Kundi lang talaga sa kagustuhan kong maiuwi ang mga buto ni Lola Esme, para sa kanyang ikatatahimik, ay hindi na ako kikilos. Naisipan ko nang bumalik sa Manila. Pero, imposible na rin dahil hindi na sapat ang pera ko para sa pamasahe pabalik. Lalo akong pinanghinaan ng loob. Kinse minutos na akong nakaupo doon, pero wala pa akong naisip na paraan. Napatingin na lang ako sa kalawakan. Nagulat ako nang may batang kumalabit sa braso ko. Nakasahod ang palad niya. “Kuya, pahingi po ng piso.” Isinalin ko lang sa Tagalog. Binisaya niya kasi. Tinitigan ko siya. Ang lamlam ng mga mata niya. Payat. Madungis. Gula-gulanit ang damit. Siguro ay siyam na taong gulang na siya, pero maliit siya sa kanyang edad. “Anong pangalan mo?” tanong ko, sa tonong ‘di nakakatakot. Gusto ko lang siyang kausapin. “Robert po.” Ibinaba na niya ang palad niya at yumuko siya. Nahabag ako. Hindi ko kayang tiisin ang batang katulad niya, kaya kinuha ko ang palad niya. “Robert, ang mapalad ka dahil may mga paa’t kamay ka pa. Eto na lang ang pera ko…” Tumingin si Robert sa aking palad at sa aking mga mata. Nakinig siya. “Kapag binigyan kita ng piso, may tira pa rin ako. Pero, sa palagay mo ay makakain ka na o makakabili ka ng pagkain sa halagang piso?” Hinintay ko ang sagot ni Robert. Maya-maya ay umiling siya. “Alam mo ba, galing pa ako sa Maynila? Nakarating ka na ba doon?” Umiling uli siya. “Masalimuot ang buhay doon, Robert. Marami ding kagaya mo. Alam mo ba ang laman ng maletang ito?” Tiningnan niya muna ang maleta ko, saka siya umiling. “..ang laman nito ay mga buto ng isang matandang pulubi na nakilala ko sa Manila.” Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng bata. Gusto na niyang umalis. Nahawakan ko lang sa braso. “Gusto mong mag-almusal tayo?” Huminto siya sa pagkawag at tumango. “Saan mo ba gustong kumain?” tanong ko. Hindi ko pansin na kapos ako sa budget. Tinuro niya ang lugar. Diyos ko po! Sa isang fast food chain na pambata at kagaya kung saan ko pinakain si Lola Esme. Wala akong nagawa. Nagtanong ako, kaya sinagot niya. Kapos man ako sa pera, kailangan kong pagbigyan ang hiling ng bata. Hindi na lang ako oorder para sa sarili ko, naisip ko. Lumiksi ang bata. Nauna pa sa akin. At nang makita akong nahuhuli, binalikan niya ako at hinawakan ang aking kamay para hilahin niya ako at pagmadaliin. Natuwa ako. Naramdaman ko kasi ang excitement niya. Parang nawala tuloy ang agam-agam ko. Naalala ko si Lola Kalakal nang yayayin ko siyang mag-almusal. Hanggang sa makatawid kami sa kalsada at marating namin ang salaming pinto ng fast food chain ay hawak ni Robert ang kamay ko. “Good morning, Sir! Kasama niyo po?” Masaya sana ang bati sa akin ng guard, pero nainis ako sa tono niya sa bandang huli. “Bawal ba rito ang katulad niya?” sarkastiko kong tanong. “Hindi naman po. Welcome po, Sir! At Sir!” Tapos, binuksan niya ang pinto para sa amin. Parang nangyari na ito dati sa amin ni Lola Esme. Naulit lang. Sa loob ay marami-rami na ang kumakain. May mga nakatingin na rin sa amin, lalo na kay Robert. Nang maipuwesto ko siya sa upuang kutson na pang-apatan, tinanong ko siya kung anong gusto niyang kainin. Hindi siya nakapagsalita. Marahil ay ngayon pa lamang siya nakapasok dito. Mabilis ako. “A, sige, ako na ang bahala. Dito ka lang, ha? Bantayan mo ang maleta.” Nginitian ko pa siya. Ngumiti rin siya. Habang nasa pilahan ako, tinitingnan-tingnan ko si Robert. Napagmasdan ko rin ang mga customers. Nakatingin pa rin sila sa bata. Tila ba, may pandidiri. Ibinalik ko sa kanila ang tingin na para ring nandidiri. Mas nakakadiri kasi ang mga ugali nila. “Heto na ang almusal mo!” Masaya kong nilapag ang tray ng order ko para kay Robert. “Eto, hot chocolate para mainitan ang sikmura mo. Eto naman ang hamburger. Tapos, meron ka pang French fries. Isawsaw mo dito sa catsup.” Nakita kong natakam siya, pero agad kong naalala na hugasan ang kanyang mga kamay. “Pero, bago mo kainin ang mga ito, kailangan munang maghugas ng kamay. Halika!” Kinuha ko ang kamay niya at marahang hinila patungo sa faucet. Habang sinasabunan ko ang mga kamay ni Robert, sumagi na naman sa aking alaala si Lola Kalakal. Naulit na naman. Ramdam kong pinagtitinginan pa rin kami ng ibang customers at ng mga crew doon, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga ay mapasaya at maturuan ko ng tama ang bata. Hindi yata sanay si Robert na maputi at malinis ang kanyang mga palad. Sinipat-sipat niya muna kasi ang mga ito, bago lumantak ng pagkain. Tahimik ko siyang pinagmasdan sa kanyang pag-aalmusal. Inalok niya ako, pero sabi ko ay tapos na ako. Sobrang ligaya ko sa mga oras na iyon. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na nakatulong ako sa bata, sa munting bagay. “Robert...” wala sa loob ko na tawagin ang atensiyon niya. Tumigil naman siya sa pagnguya at tiningnan ako. “Mag-iingat ka palagi. Maraming masasamang loob sa mundo. Tandaan mo, masalimuot ang buhay. Pero, masaya. Maligaya. Wala ka mang yaman ngayon, darating ang panahon, ikaw naman ang magbibigay.” Parang naunawaan ako ni Robert. Tumango siya. Tapos, sumubo uli ng fries. “Masalimuot ang buhay, Robert.. Kailangan mong paghandaan ang buhay at bukas. Hindi ka makakatakas sa pagsubok ng Diyos. Ngayon, mayroon ka. Bukas... maaaring mawala lahat sa’yo ang mga iyan… sa isang iglap.” Para akong robot. Natawa ako. Hindi pala iyon ang dapat kong sinambit. “ Ngayon, wala ka. Bukas, maaaring mayroon ka… sa isang iglap.” Tumango uli si Robert sa pagitan ng kanyang pagnguya. Maya-maya ay binalot niya ang nakalahating hamburger sa papel nito at binilot niya ang ilang pirasong fries sa lagayan nito. Iuuwi niya daw sa kapatid niya. “Huwag na. Kainin mo na ‘yan. Ibibili na lang kita uli para sa kapatid mo.” Hindi ko na naman naisip na baka kapusin ako nang husto sa pera. Ang naalala ko lang ay ang anak ko. Ayaw ko kasing may nagugutom na bata, lalo na pag sariling anak ko. Bumilog ang mga mata ni Robert sa tuwa. Tapos, agad niyang binuksan ang mga tira niya at kinain niya. Pinagmasdan ko siya at nginitian habang nasa pila ako. “Salamat po! Ang bait niyo po. Ingat po kayong lagi. Ang katulad ninyo ang pinagpapala ng Panginoon.” Tumalikod na siya, bitbit ang isang supot ng pagkain. Nagtinginan pa kami sa pagitan ng salamin, bago siya tuluyang nawala sa aking paningin. Saka lamang nanumbalik ang aking pangamba. Binilang ko uli ang pera ko. Eighty-three pesos na lang. Lumabas ako sa establisyementong iyon na mabigat ang isipan, ngunit masaya ang kaluluwa ko at punong-puno ng pag-asa ang puso ko. Si Robert ang naging instrumento ng lahat ng ito. Salamat sa kanya!

Thursday, March 5, 2015

Redondo: Request

Bandang alas-nuwebe ng umaga, kanina, dumating ang nanay ni Riz. Kinausap niya muna si Mam Dina. Nakita kong iyak ng iyak ang ina. Alam kong may problema na naman. Hindi ako tsismoso. Sadya lang talagang naging emosyonal din ako sa krisis na pinagdadaan ng dati kong mahal. Kahit naman nawala ang love ko sa kanya, narito pa rin ang care.

Nang matapos silang ag-usap, hinarap kami ni mam Dina. “Class, hindi naman lingid sa kaalaman ninyo ang pinagdadaanan ni Riz ngayon.” Tumingi muna siya sa akin. “Ah..sana ipag-pray niyo na sumuko na si Leandro o kaya’y mahuli na siya. Hindi nakakalma ang loob ni Riz hangga’t di siya nakakulong at napaparusahan.”

Sumagot ang iba. Yes, Mam daw. Ako. Kahit hindi sabihin ni Mam ay talagang ginagawa ko. Katunayan, kagabi, ipinanalangin ko ang mabilis na pagkakadakip kay Leandro.

“Red…?’’ tawag sa akin ni Mam Dina.

Nagulat ako ng kaunti. “Mam?”

“Gusto ka daw makausap ni Misis? Pwede ba? Sa covered court na kayo.”

“Opo, Mam!” Tumayo na ako.

“Salamat po, Mam Dina!” Dito na po kami ni Red!’’

“Welcome po! God bless sa inyo, lalo na kay Riz.”


Sa covered court na nagsalita ang nanay ni Riz. Tama ako. Makikiusap na naman sa akin na pumunta ako at mag-stay sa bahay nila. Request daw ni Riz.

Ipinagtapat ko na ang tungkol sa relasyon ko kay Dindee. Sinabi ko na nag-aaway kami ng gf ko dahil dito. Sabi naman niya ay kakausapin niya ngayon si Dindee. Hiningi sa akin ang cellphone number niya. “Okay po”, sabi ko. “Pag pumayag po, payag na rin po ako.”

Hindi ko alam kung bakit napapayag niya si Dindee. Ayos naman sa akin. Gusto ko rin namang makatulong.

Tinawag din niya ang Mommy ko. Pumayag din ang magulang ko. Pahahatiran na lang daw ako kay Daddy ng mga personal kong gamit at pangangailangan.

Pagdating sa bahay nina Riz. Iyak agad ang sinalubong  niya sa akin. Gusto niya akong mayakap kaya nagpayakap ako ng sandali. Natutuwa siyang makita ako. Umaliwalas ang mukha niya, ilang sandali lang ang lumipas.  Malaki talaga ang nagagawa ng presensiya ko. Sana lang ay hindi na magalit sa akin si Dindee.




Wednesday, March 4, 2015

Redondo: Kurot

Umuwi ako ng umaga dahil tinext ako ni Dindee. Uuwi din daw siya ng maaga.

Sa bahay ay nagpatulong lang pala siya sa kanyang assignment. Tulungan ko daw siyang mag-research at mag-encode.

“Yun lang pala, e. Wala na bang iba?” biro ko.

“Yabang naman nito! Gusto mong tambakan kita ng gawain?” Nag-galitan-galitan pa siya.

“Ang hirap pala nito. Andami pa. Pwedeng bukas na ang kalahati?” kakamot-kamot pa ako sa ulo ko, habang pilit na itinatagao ang ngiti.

“Sabunutan na kita dyan, Redondo, ah! Andami mong reklamo at arte! Gusto mong i-break na kita. Andami mo nang kasalanan sa akin.”

Tumawa na ako at agad na kinawit ang baywang niya palapit sa akin. Nang mahuli ko siya ay napaupo siya sa aking kanlungan. “Eto naman, di na mabiro! Mayroon ka ba ngayon?”

“Bitiwan mo nga ako! May balak ka sa akin, noh!?”

“Uy, wala no!”

“E, bakit ka nagtatanong?”

“Init kasi ng ulo mo, e.” Kumamot-kamot uli ako sa ulo ko. Pra kasi  akong na-corner ni Dindee. Naisip ko, bakit nga ba ako nagtanong?

“Pag mainit ang ulo, may mens agad? Di ba pwedeng bad trip lang?!”

“Boom! Panes!”

Naasar sa akin si Dindee kaya pinagkukurot ako sa tagiliran. Ang sakit! Pinong-pino pa naman mangurot.

Bago dumating sina Mommy at daddy, nagawa na namin ang assignments niya. Tapos, tumulong kami sa paghahanda  ng hapunan.

“Aba, mukhang okay na kayo, ah.” puna ni Mommy.

“Opo, Tita. Naaawa ako sa kanya, e.”

“Weey, baka may ipapagawa ka sa akin.”

Kinurot uli ako ni Dindee, sabay, ngiti.


Natawa na lang kami.

Tuesday, March 3, 2015

Redondo: Birhen

Akala ko ay okay na kami ni Dindee kagabi pa, hindi pa pala. Hindi na naman niya ako kinikibo kaninang umaga. Tapos, hindi niya rin ako nirereply-an.

Okay lang naman. Kayang-kaya ko naman siyang lambingin.

Sana hindi na lang niya malaman na bumisita kami kay Riz kanina, after classes. Sabagay, okay lang naman na malaman niya dahil buong klase yata namin ang pumunta sa bahay nila. Ilan-ilan lang ang di nakasama.

Malakas-lakas na si Riz. Medyo, maaliwalas na ang mukha niya. Nakitaan na nga namin siya ng mga ngiti sa labi. Paano ba namang hindi? E, si Roma, bumanat ng patawa niya. Sabi ba naman: “Mam Dina, may pag-asa pa ba akong magahasa?” Seryoso pa ang pagkakatanong niya. Ang lakas-lakas pa. Dinig ng lahat. Kaya, bago pa naagot ni Mam ay nagtawanan na kaming lahat.

Iba-iba ang sagot.

Sabi ni Mam, “Pwede!”

Sabi ni Rafael, “Choosy ang rapist ngayon.”

“Tama! Baka, ikaw ang rapist.” dagdag pa ni Nico.

Ako, tawa lang ng tawa.

“Mga walang respeto!” kunwaring galit na sagot ni Roma. Pinagduduro niya pa sina Nico at Rafael. “Hoy,ang tulad ng ganda ko, ay pantansiya ng mga kalalakihan. At kung kayo ang manggagahasa sa akin, di bale ng mamatay ako na isang birhen. Birhen forever.”

Lalong lumakas ang tawanan.

Hindi lang ako nakalapit kay Riz. Ayokong tuksuhin kami ng mga kaklase ko. Pero, alam ko na naging masaya siya nang makita ako. Naging masaya din akong makita siyang nakangiti.

Sa bahay, nakipagbati na uli ako kay Dindee. Medyo, nahirapan uli akong suyuin siya. Pero, at least, bati na kami. Okay lang daw iyon. Na-realize niya rin kasi na babae rin siya. Sakaling sa kanya nangyari iyon, malamang ganun din ang gagawin niya.

“Salamat, Dee!”

“Hmp! Wala bang harana diyan?”

Na-gets ko kaagad ang gusto niya.”Meron! Sandali!” Agad kong kinuha ang aking gitara at tinugtugan ko siya ng “Because Of  You”.






Desiderata (salin ni Makata O.)


Humayo kang maingat at tahimik sa gitna ng ingay na nagdudumali,
At tandaan, sa kapayapaan ay mayroon ding katahimikan.
Hangga't maaari huwag kang susuko.
Lagi kang magpakabuti sa lahat ng mga tao.
Ipahayag ang katotohanan nang tahimik at malinaw,
At makinig  ka sa kanila
Kahit na sa mga  mangmang at inosente,
Dahil sila ay may mga  nakatagong kuwento.
Umiwas sa mga taong maiingay at agresibo.
Nabubulabog nila pati ang mga espiritu
Kapag  ihahambing mo, iyong sarili sa iba,
Ikaw’y maaaring masaktan o maging palalo
Sapagkat laging may mababa at mas angat sa iyo.
Matuwa ka na lang sa iyong mga narating at mga plano.
Manatiling mapagkumbaba, habang sa karera ay panalo
Ito ang tunay na yaman sa pabago-bagong panahon.
Mag-ingat din sa iyong pakikipagkalakalan
Pagkat ang mundo’y puno ng mga mapanlilinlang.
Ngunit huwag  magpabulag dito, dahil may kabutihan.
Maraming tao ang sumusunod sa kagandahang asal
At kahit saan man, buhay pa rin ang kabayanihan.
Maging  totoo ka lang sa iyong sarili.
Lalong-lalo na, huwag dayain ang pag-ibig.
Huwag din namang matakot magmahal,
Sapagkat ang kapighatian at kabiguan
Ay laging nariyan, katulad sa damuhan.
Sundin mo ng marapat ang mga aral ng panahon.
Isuko ng maluwalhati ang mga bagay ng kabataan.
Palakasin ang kaluluwa at gawing kalasag sa biglaang kasawian.
Pero, huwag balisain ang sarili sa masasamang pangarap
May mga takot na isinilang dahil sa pagod at kalungkutan.
Higit pa sa isang disiplinang pangkalahatan
Maging mabuti ka sa iyong sarili.
Ikaw ay anak ng kalawakan
Maliban sa mga puno at mga estrelya
May karapatan kang mamuhay dito
Malabo man o malinaw sa iyo
Walang duda, nararapat lang na ito ay bukas para sa’yo
Samakatuwid, maging maligaya ka sa piling ng Panginoon,
Anuman ang pagkakakilala mo sa Kanya.
Anuman ang iyong hanapbuhay at mga balakin,
Sa masalimuot na buhay, iyong kaluluwa ay payapain.
Sa lahat ng pagkukunwari, paghihirap at sirang pangarap,
Ito’y kaakit-akit pa ring mundo.
Maging maligaya ka.

Sikaping mong maging masaya.

Monday, March 2, 2015

Redondo: S.O.R.R.Y.

Bago ako umalis kagabi, para tumugtog sa bar ni Boss Rey, nagsabi na si Riz sa mga magulang niya na iuwi na siya sa bahay nila. Alam ko, ito ay dahil sa akin. Nasabi ko kasi na hanggang Linggo ng gabi lang akong magbabantay sa kanya. 

Nasabi na rin niya sa wakas ang may gawa nito sa kanya kaya ora mismo ay tinawagan ng anyang ama ang inspector ng kaso para sa ikadarakip ni Lenadro.

Pinasalamatan ako ng mga magulang ni Riz. Sobra-sobra ang pasasalamat nila sa akin, na animo'y ako pa ang naging dahilan ng pagtapat ni Riz. Ang totoo, nagi-guilty pa rin ako. Kung alam lang nila. Kung alam lang nila na binalewala ko si Riz bago siya magahasa. Kung alam lang nila na hinayaan ko siyang lumakad-lakad, palayo. Hindi ko naisip na may mangyayari sa kanya sa hapong iyon.

Pinisil ko ang palad ni Riz pagkatapos kong magpaalam sa kanya. Walang lumabas na salita mula sa kanyang bibig. Pumikit lang siya at tumango ng bahagya. Ramdam ko ang pait sa kanyang puso. Kung pwede lang sanang mamalagi ako sa tabi niya. Kaso, may problema na namang akong kakaharapin sa aking kasintahan, si Dindee.

Pagkatapos ng klase ay umuwi ako ng maaga. Nag-print ako sa computer ng mga letters na 'S.O.R.R. at Y. Tapos, idinikit ko ito sa pinto ng kuwarto ni Dindee. Habang naghihintay sa kanya ay humiga ako sa kama nina Daddy at nag-isip ng mga sasabihin sa kanya.

Nakatulog pala ako. Paggising ko, wala na ang SORRY sa pinto. Nakita ko Dindee na nakahiga sa kama, patalikod sa pinto. Nasa lapag ang nilamukos na mga papel. Ang sorry ko, di niya tinanggap.

"Sorry na, Dee. Kung kasalanan mang tumulong sa katulad ni Riz na biktima ng pang-aabuso, sana mapatawad mo pa ako.." litanya ko. Pinilit kong maging dramatiko para mabagbag ang puso niya. 

Wala siyang sagot, kaya lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya. Nakita kong may luha sa mata niyang nakapikit. Pinahid ko ito.

"Dee, mahal na mahal kita. Huwag mo namang pag-isipan ng masama ang pagtulong ko kay Riz. Walang malisya ang ginawa ko. Lumapit sa akin ang ama niya para matulungan sila. At nagawa ko. Tapos na. Hindi na ako babalik sa hospital. Isa pa, iniuwi na siya. Sa bahay na siya magpapalakas. Pinaghahanap na rin ngayon si Lenadro."

"Bakit kailangan mong mag-explain?'' sarkastiko si Dindee.

"Kasi..nagagalit ka. Nagkakagayan ka!"

"Hindi ako magkakaganito kung hindi ko nararamdaman na may pagtingin ka pa rin kay Riz. Ang awa ay pwedeng maging dahilan ng pagmamahal mo sa kanya.."

"Hindi mangyayari yun, Dee. Sa'yo lang ako.. Sorry na." sinabayan ko ng hawak sa kanyang pisngi, yugyog sa kanyang katawan at pangingiliti.

Natawa siya. Pero, nasampal niya ako ng bahagya. "Ilang araw mo din akong pinahirapan. Grrr!"

Hindi na ako nagsalita. Ngumiti na lang ako....para pogi.

Sunday, March 1, 2015

Redondo: Lahat

Hindi ko maikakaila na nahahabag ako kay Riz. Alam ko kung paano ang pakiramdam ng pilit kang kukuhaan ng isang pag-aari mo. Naranasan ko iyon, mahigit isang buwan lang ang lumipas. Pero, mas matindi ang sakit na dinaranas niya ngayon. Babae siya. Ako ay lalaki. Nawala na ang kanyang kainosentihan. 

Kagabi ay napilitan akong tumugtog sa MusicStram. Nagalit si Boss Rey. Absent na kasi ako noong Friday.

Nalungkot si Riz nang nagpaalam ako. Pero, kaninang alas-otso ay bumalik ako sa hospital. Tulog pa siya. Kinausap ako ng tatay niya sa labas. Gawin ko daw ang lahat ng paraan para maikuwento sa akin lahat ang mga nangyari. May mga pulis na daw kasing nag-iimbestiga ng kaso.

Humingi ako ng panahon at space sa magulang ni Riz. Lumabas sila room. Naiwan kami ni Riz. 

Nung una ay nagkuwento ako ng masayang pangyayari sa bar kagabi. Hindi ko siya napangiti. Sunod ay sinabi ko na dadalaw sina Roma, Gio, Nico, Rafael at iba pa naming kaklase mamayang gabi. nagsalita na siya. Sabi niya ay huwag ko na daw munang papuntahin. Okay, sagot ko.

Wala na akong maisip na ibang paraan para mapangiti siya. 

Maya-maya..

"Sana.. ikaw na lang ang girl friend ko." Yumuko ako. Kunwari ay nalulungkot ako.

Ramdam ko na tumingin siya sa akin.

"Red.. sana noon pa.." Hinawakan niya ang kamay ko. Tapos, nagkatitigan kami. Malungkot pa rin ang mga mata niya.

"Riz, sorry.."

"Huwag kang mag-sorry sa akin. Si Lean.." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin.

"Riz, si Lenadro ang gumawa sa'yo nito, di ba. Riz? Gusto kong managot siya sa'yo. Tulungan mo ang sarili mo, Riz. Mahal na mahal ka ng mga magulang mo. Gusto nilang maparusahan si leandro. sabihin mo lang sa amin na siya nga ang gumahasa sa'yo. Please, Riz.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Na-pressure ko na siya. Gusto ko kasing lumabas mismo sa bibig niya na si Leandro nga ang salarin.

"Pag siya nga.. anong mangyayari? Mamahalin pa ba ako ng taong minamahal ko?" Tumulo na ang mga luha niya.

Natigilan ako ng ilang segundo. "Oo! Mabuti kang tao, Riz. Hindi mo deserve ang ganito. Please.. Riz."

"Mahal kita, Red. Pero, di mo ako minahal. Siguro nga ay deserve ko ito dahil pumayag akong makipaglaro kay Leandro." Malinaw niyang sinabi ang mga salitang ito.

"Sorry, Riz. Pero, kahit hindi man tayo ngayon..alam kong nagmahalan tayo. Hindi nga lang naging tayo. Isipin mo na lang na narito ako ngayon para tulungan ka. Alam mo bang hindi ako kinikibo ng.. ng gf ko dahil dito? Pero, ayos lang. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makasama ka. Gagawin ko ang lahat..."

"Lahat?"

"Oo, Riz! Lahat.."





Ang Aking Journal -- Marso, 2015

Marso 1, 2015 Pasado alas-otso ng umaga ay bumiyahe kami ni Emily patungong Quezon City Memorial Circle para sa inabangan kong Flora Filipina Expo 2015. Pasado alas-diyes ay naroon na kami. Hindi naman agad kami pumasok sa Flower Garden kung saan naroon ang mga exhibit. Nag-brunch muna kami. May baon kaming kanin. Bumili na lang kami ng ulam. Then, maghapon na kami sa exhibit. Ang gaganda ng mga garden na nasa exhibit. Sulit ang P30 na entrance fee. Andami naming pictures. Andami ko ring shots sa mga halaman, artifacts, artworks at orchids para sa aking photography Facebook page Alas-dos y medya, nakinig kami sa lecture tungkol sa pag-aalaga ng cattleya. Andami kong natutunan. Nanalo rin ako ng cattleya. Sobrang sulit ang gastos namin. Past 4, natapos ang lecture. Umuwi agad kami. Dumaan lang kami sa Shopwise-Harisson para mag-grocery. Chinarge ko na lang sa RCBC card ko. Wala na kasi akong cash on hand. Sobrang hirap ng pera.. Marso 2, 2015 Kahit pang alas-10:30 na ang pasok naming ay pumasok pa rin ako ng maaga. Mga alas-8:30 ay nasa school na ako. Gusto ko kasing madiligan ang mga halaman ko sa garden dahil hindi ko ito nadiligan kahapon. Tapos, naghanda din ako ng lesson plan. Wala pa ang mga pupils ko ay inabot na sa akin ni Plus One ang details ng meeting ng school paper adviser at principal mamayang alas-dos sa Zamora. Wala si Mamu. Walang palitan. Pero, kaya kong maiiwanan ang mga advisory class ko. Siyempre mag-iiwan lang ako ng gawain. Pagsulat ng sanaysay. Pasado, alas-dos na kami nakarating DO Conference Hall ni mam Deliarte. Hindi pa kami late. Hindi naman agad nagsimula. Sa una ay gusto kong mabigyan ng trabaho o assignment sa NSPC sa Taguig. Kaya lang naisip ko na bakasyon na pala ang April 6-10 kaya masaya akong wala akong natanggap na gagawin. Nagmukhang useless ang pagdalo ng mga SPA sa meeting na iyon. Sana ay di na lang nila pinatawag lahat. Mabuti ay naabutan ko pa ang mga pupils ko. Thirty minutes pa bago mag-uwian. Pagkauwi ko ay sinimulan ko na ang pagsulat ng kuwentong isasali ko sa Carlos Palanca Memorial Awards. Pinag-aralan ko ang biography ni Hitler. Nagustuhan ko ito kaya, ginawan ko siya ng maikling kuwento. Sana ay maganda ang resulta nito upang manalo ako sa CPMA. First time kong sasali dito. Marso 3, 2015 Naistorbo ang tulog ko dahil sa maagang paggising ni Emily. Naka-schedule kasi ang Comprehensive Pre-Departure Education Program niya sa OWWA-Intramuros. Hindi na rin ako nakatulog mula nang umalis siya, bandang alas-sais. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat ng kuwento ni Adolf Hitler, na isasali ko sa CPMA. Bago mag-alas-10:30 ay nasa school na ako. Nalulungkot ako sa samahan ng Grade 5. Wala na ang dating masamang pagkakaibigan. Nasira dahil sa isyung promotion, dahil sa issue ng lamangan. Well, okay lang naman sa akin. Maigi nga ang tahimik sa kuwarto ko. Nakaka-focus ako sa mga gawain ko. Nagturo ako ng 'area of a circle' sa advisory ko. Tapos, ay nagpasulat ako ng diary. At ang panghuli, limang pamagat ng sanaysay ang ipinangparusa ko dahil sa ingay nila. Dahil dito, natapos ko na ang kuwento ni Adolf. Pinamagatan ko itong 'Salimuot'. Ipapabasa ko pa ito kina Mamu at kay Emily para humingi ng feedback. Marso 4, 2015 Nakatulog ako ng mas mahaba-haba. In fact, alas-otso na nang bumangon ako. Nagmadali nga lang ako s paghanda ng sarili kasi alas-nuwebe na ako natapos mag-FB at mag-wattpad. Hindi man ako na-late. Nakapag-check pa nga ako ng mga sulatin ng pupils ko, pagdating ko. Tapos, nakapagkuwentuhan pa kami ni Mamu tungkol sa journalist na sumikat sa school sa lugar nila. Nagpatulong si Mam Rose na gumawa ng programme para sa Recognition. Tumulong naman ako pagkatapos kong tanggapin ang ga sinasauling libro mula sa mga estudyante ko. Tinanggap ko rin ang doxology part. Kaya, pagkatapos ay naghanap ako ng piece sa youtube. Nagustuhan ko ang kanta ni Aiza Seguera na "Ikaw Na Ang Bahala". Alas-dos y medya ay pumunta ako sa DO para san aka-schedule kong oath-taking. Naghintay lang ako ng halos kalahating oras dahil may kausap pa si Mam Ladines. Malaman-laman ko, si Willy lang pala ang kausap niya. Mukhang may inirereklamo na namang principal. Tsk tsk. Nang matapos sila ay ako na ang hinarap. Hindi ako na-intimidate sa kanya, gaya ng sabi-sabi ng iba. Hindi naman siya strict. Cool nga. Matagal na niya daw akong nakta. Saan daw ba kami nagkita. Pinaalala ko na noong Monday ay nasa meeting ako ng mga principals, supervisors at SPAs. Naalala na niya. Tapos, tinanong niya ako tungkol sa oath. Pinaliwanag ko. Nasagot ko daw. Then, ano daw ba ang vision ko sa sarili ko. Sagot ko ay tumaas uli ang position. Ano naman daw ang vision ko sa classroom ko. Ang sabi ko, ginagawa ko silang journalist and writers kahit Section 2 lang sila. Natuwa siya. Naging vocal ako kaya hindi ako na-intimidate. I like her attitude. Sabi ko, sana ay magkita uli kami. "Yes, magkikita pa tayo", ang sagot niya. Pagdating ko, agad kong prinaktis ang mga doxologists ko. Nakalahati na namin. Bukas uli. Pag-uwi ko, nabasa ko ang post ng PSICOM Publishing, Inc. Tumatanggap sila ng submissions para sa stories na fntasy, self-help, mystery at horror. Naisip ko akagad si Lola Kalakal. Kaya, agad ko itong cinopy-paste sa wattpad ko. Kulang pa. I need 20K words. 17.2 K words pa lang. Kaya, dadagdagan ko pa ng dalawa pang kabanata. At least, andaming opportunities ngayon para maging full-pledge writer ako. Thank you, Lord! Marso 5, 2015 Maaga-aga akong pumasok sa school. Nagpalinis kasi ako ng classroom. Si Kristine Mae ang unang nakita ko sa labas ng school kaya siya ang nagwalis at naglinis sa room. Nag-almusal ako habang ginagawa niya iyon. Tumulong ako sa Grade V sa pag-aayos ng aming gawain s Recognition day. Unti-unti na naman nabubuo ang samahan. Sa katunayan,nagsalo-salo na naman kasi sa lunch kanina. Okay naman ang klase ko. Naging masigasig sila na makasulat ng mga sanaysay. Pinag-test ko na rin sila sa Math. After recess, pinagpraktis ko ang mga doxologists. Nabuo na namin. Ikalawang araw pa lang ay nakuha na agad nila. Kaso may dalawang absent. Nakapag-print din ako ng 'Ang Pagsubok nI Lola Kalakal" Ipapa-book bind ko kasi ito pag natapos na para may artifact ako. Uwian. Ipinatawag ni Mam D. ang mga teacher na 'outstanding' sa PAST. Isa ako doon. Natimbrehan gada ako ni Plus One kaya nakuha ko sa classroom ko ang inihanda kong documents para suportahan ang aking rating. Pagpasok ko ay naroon din sina Sir Rey at Mam Amy. Anuman ang reaksyon nila dahil nakahanda ako, wala akong paki. Ang mahalaga ay napatunayan ko na handa ako at deserve ko ang rating ko. Wala nga rin si Mam Loida. Gusto na sanang kunin ni Ma hang portfolio ko kaso kailangan ko pang dagdagan. May hinahanap pa kasi siya. Akala niya ay magugulat ako. No! I'm ready. Gusto pa nga yata niya akong obserbahan. E di, wow! Pag-uwi ko, ginawa ko pa ang iba ko pang achievements. Idinagdag ko ang watppad, GES Math Club, V-Mars FB group at KAMAFIL. Ewan ko lag kung hindi pa ito sumapat para sa aking rating. Ako lang amg merong ganito sa GES. Sayang lang ang napanalunan kong dalawang ticket sa Solaire. Hindi pa ako makakarating doon. Hindi ko rin mapapanunod ang tampok nilang group na 'Jilin Art Troupe'. Di bale, may dahilan naman. Marso 6, 2015 Tamad na tamad akong pumasok kanina. Kulang kasi ako sa tulog kagabi. Di ko alam kung bakit di ako agad nakatulog nang nagising ako sa madaling araw. Andami ko tuloy naisip. Gayunpaman, masigla akong nakiharap sa mga bata. Lalo na't may Rabies Awarenes Month Program sa school kaninang 9. Tapos, alas-dos ay may Awarding Ceremony ang SM Baryanihan. Nagbigay sila ng mga appliances para sa school. Okay naman ang maghapon ko. Nakapagsalo-salo uli kaming Grade V teachers bago ang unang program. Tapos, ang pangalawa ay kanya-kanya na. Nag-stay na ko sa klase ko. Pinasulat ko sila ng diary at sanaysay. Umuwi ako agad after class para umidlip. Nakaidlip naman ako kasi wala pa si Emily. Alas-siyete na siya dumating. Marso 7, 2015 Dahil wala akong pasok sa CUP, may time akong tapusin ang report cards ng pupils ko. Nakatapos din ako ng isang kabanata ng kuwentong "Ang Pagsubok ni Lola Kalakal". Isang chapter na lang ay tapos na. Maipapasa ko na ito sa PSICOM. Gusto sanang pumunta ni Sir Erwin sa boarding house namin, kaso nahihiya ako. Nag-white lie na lang ako. Sabi ko ay nasa biyahe ako papuntang Antipolo. Alas-singko ng hapon, nagdilig ako ng mga halaman ko sa GES. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga iyon. Sobrang init pa naman maghapon. Marso 8, 2015 Nainis ako kay Emily kagabi. Maghapon na nga silang magkasama ng boardmate naming babae, tapos sila pa ang magkausap hanggang alas-nuwebe pasado. Hindi niya tuloy nagawa ang pinasulat ko. Hinarot niya ako kinabukasan. E, alas-diyes na ako bumangon. Paalis din siya. Mabuti naman dahil hindi ko pa siya talaga papansinin. Ako na lang ang gumawa ng mga gawain ko. Naisingit ko rin ang pagsulat ng ika-14 o huling kabanata ng Lola Kalakal. Panay ang iyak ko sa pangwakas na kabanata. Grabe! Parang ako ang tauhan dun. Naisubmit ko na rin ito through e-mail sa PSICOM Publishing , Inc. Sana ay magustuhan nila. Nagtext si Emily. Hindi daw siya makakauwi. Ayos lang. Marso 9, 2015 Hindi ako pumasok ng maaga. Gumawa pa kasi ako ng Form 137. Medyo konti na lang ang tatapusin ko. Kailangan ko pang hanapin sa Guidance ang ibang forms. Sa school, medyo smooth sailing naman ang lahat. Maliban sa isang reklamo ng isang parent na nakalmot ng kaklase ang anak. Pero, hapon ko na iyon nalaman. Sinalubong niya ako nang pauwi na ako. Hindi kasi nagsumbong ang anak niya at ang mga kaklase nito. Tsk tsk. Siguro may kasalanan din kaya natakot magsumbong sa akin. Namumublema pa rin ako sa pera. Wala pa akong mapagkukunan ng pamasahe pauwi ng Aklan para sa graduation ni Ion. Idagdag pa ang isipin s amga bills. Bahala na si Lord. Marso 10, 2015 Nasa loob lang ako ng classroom ko maghapon. Nagpa-Four Fundamentals ako sa mga pupils ko at nagpasulat ng sanaysay at diary. Nakapaghanap na rin ako ng isasali ko sa journalism at broadcasting next school year. Napili ko sina Jannah Rose sa collaborative writing (lathalain), Khrizelle sa Pagsulat ng lathalain at Allysa sa Filipino Radio Broadcasting. Pinag-practice ko rin sina Kyla at Evander. Nakasulat na nga ang dalawa. Ayos! Reday na ako. Aaraw-arawin ko na ang pasulat sa dalawa. Kahit bakasyon ay pagagawin ko din sila ng lathalain, through Facebook. Sa ganito, maihahanda ko sila ng husto. Hindi ako sumama sa invitation ni Sir Rey. Alam ko seminar lang iyon para sa multi-level marketing. Ayoko na magnegosyo lalo na ang ganung uri. Gusto ko ay sarili kong pundar. Nagyayaya ang roommate namin na mag-videoke. Kasama daw ako sabi ni Emily. Libre daw niya. Nakakahiya man pero gusto ko. Marso 11, 2015 Nainis ako nang malaman kong sinira ang padlock ng classroom ko. Hindi kami na-inform na gagamitin pala ang rooms ng Grade V sa NAT. Sinabi daw nila sa GL namin. Wala namang binanggit sa amin si Sir Rey kahapon. Mas inuna niya pa ang pag-imbita sa akin kesa sa may importante. Lumabas pa tuloy na nagpabaya ako o naging sakim. Buhay nga naman! Gayunpaman, naging kalma lang ako. Anuman ang kuro-kuro o saloobin nila, hindi na ako apektado. Nagpakasaya ako, lalo na't napag-usapan ang artikulo ko tungkol sa binibentang utot sa mga tindahan sa labas ng school. Naalarma sila. Kaya, kinausap ni Mam Amy si Ate Sol. Kinumpiska nila ang tira pang paninda. Nangako naman ang tindera na hindi na uli magtitinda. Marami na rin ang nag-share ng sanaysay ko. Nag-comment din si Auntie Vangie, Mam Glo at Mam Deliarte. Nakatulong nga ako na ipalaganap ang posibleng problema. After lunch, napasama ako sa Grade IV teachers at kay Mamu sa pagpunta sa Baclaran para maghanap ng uniform sa graduation. Ayoko naman kasing maiwan mag-isa sa school. Gusto ko na nga sanang umuwi na. E, sayang naman ang chance na maka-bonding sila. Enjoy tuloy ako na kasama sila. Napagod man kami sa kakalakad, may free meal naman. Pag-uwi ko, inihanda ko ang mga isa-submit kong articles sa Gawad PPV. Sa Abril 15 na ang deadline of submission. Kailangan ko ng makapagpadala, lalo na't aalis ako patungong Aklan. Sanaysay na lang ang kulang ko. Nag-reresearch pa ako. Bukas, baka matapos ko na ang article. Marso 12, 2015 Second day ng NAT. Wala pa ring pasok ang mga pupils. Malungkot ngayon ang kainan. Di tulad kahapon. Marami kaming nagsalo-salo. Maingay. Kanina, boring. Kainan lang talaga. Kaya nga, ilang minuto pagkatapos ng lunch, umakyat na ako sa classroom ko. Doon ay ginawa ko ang ribbon para sa class achievers ko. Nakapag-wattpad din ako. Nakaidlip din ako. Alas-singko, nag-out na ako. Nasa crisis stage pa rin kami. Gayunpaman, hindi pa umaabot sa punto na wala na akong ulirat. Kaya pa. I know God is the great provider. Marso 13, 2015 Kokonti ang pumasok kong mga pupils kaya nakagawa ako ng mga forms ko, biglaan pa naman ang checking. Mabuti naman ang nangyari. Nakapagpa-check na ako. Medyo makakapagpahinga na ang isip at katawan ko. Hihintayin na lang namin magawa ang programme ng Recognition Day para masimulan na namin ang practice. Nalaman ko kay Donya Ineng na may niluluto na naman si Donya Choling laban sa akin. Hmm. Hindi siya magwawagi. Alas-otso y medya, nauwi sa dramahan ang usapan namin ni Emily. Haay, buhay! Mabuti na lang natapos ko na ang journal na ipapasa k okay Dr. Llamas. Hindi ko nga nagawa pa ang Redondo. Marso 14, 2015 Hindi ako na-late sa masteral class ko kahit alas-siyete y medya na ako nakaalis sa bahay. Walang kulay ngayon ang klase ko. Hindi ko gusto ang topic. Pero, dahil nasa seminar si Dr. Penalosa maaga akong nakauwi. Nakapanuod pa ako ng ''Beyond the Blackboard". Tapos, sinunod ko na ang '3 Idiots'. Mahaba ang huling movie. Three hours. Kaya, inabot kami ng pasado alas-nuwebe ng gabi sa kakapanood. Mabuti hindi natuloy ang night out namin, kasama ang nakilala ni Emily sa OWWA. Ang gagandang pelikula ng mga napanuod namin. Sulit! Marso 15, 2015 Alas-otso y medya na dumilat ang mga mata ko. Sobrang puyat kasi kagabi. Tumawag ba naman ang magiging employer ni Emily sa kalagitnaan ng aming tulog. Madaling araw. Nag-interview. Gayunpaman, natuwa ako dahil binigyan kami ng sign ni Lord. Alam ko, malapit na siyang umalis. Umalis si Emily kasama ang katulong ng landlady namin. Nagpasama sa pagbiyahe papuntang Novaliches. Maghapon siya wala. Nagdilig muna ako ng mga halaman sa school tapos nanuod na ako ng "Open Road" sa youtube. Naiyak ako sa ending nito. Sobrang ganda. Then, umidlip ako maghapon kahit sobrang init. Alas-sais na ako bumangon. Alas-siyete na yata iyon nang dumating si Emily. Saka lang ako nakapagkape at nakapagmeryenda. Bago ako nakatulog, nakapagchat pa kami ni Sir Erwin. Di daw siya makakasama sa Aklan kasi required siyang dumalo sa graduation. Okay nga e. At least ako lang ang bibiyahe. Nasabi ko din sa kanya ang tungkol sa niluluto ni Donya Choling against me. Pinayuhan niya ako. Tama naman siya. I'm ready to give up my position, lalo ngayong makakasama ko na si Ion. I need time for the two of us. Before dinner, nanuod ako ng 'Dumb and Dumber' ni Jim Carey. Nakakatuwang pelikula. Marso 16, 2015 Lunes na naman. Pero, hindi na ako stress. Wala na magpapa-stress. Tapos na ang mga forms. Kaya lang, kinausap ako ni Mam Rose. Kailangan daw ni Mam Deliarte ng folk dancers. Ayaw daw kasi niya ng modern dance. Pinakiusapan niya ako na sayawin uli ng pupils ko ang Pandango Oasiwas. Pumayag ako nang pumayag ang mga dancers. Later, naisip ko na palitan iyon ng ibang sayaw. Nakita na kasi iyon noong Buwan ng Wika. Kaya tinawagan ko si Emily. Tinanong ko siya kung willing siyang magturo ng sayaw. Oo naman siya. Pasado alas-dose ay nagturo siya. Mabilis lang nakuha ng mga dancers ko ang steps ng Tiklos kaya, bago mag-alas-tres ay nakauwi na siya. Isasama daw kasi siya ni Liza sa MOA. Ang gagaling ng dancers, ilang oras lang, kabisado na. Konting pulido na lang, araw-araw. Pagkatapos ng practice (uli) ng sayaw at doxology, nagsalang ako s alaptop ko ng pelikula na panunuorin ng pupils ko. Ang sinalang ko ay 3 Idiots. Nakipagkuwentuhan naman ako kay Mamu habang nagmemeryenda. Stress-free talaga. Pag-uwi ko, nalaman kong di natuloy sina Emily. Nayaya siyang manuod ng pelikula sa youtube. Kaya nanuod kami ng Kimmy Dora. Tawa kami ng tawa. Nawala ang mga problema naming. Pagkatapos, niyaya naman siya ni Liza. Tamang-tama. Nakakain na rin kami. Nasolo ko naman ang boarding house. Andami kong dapat i-type at i-post sa wattpad at blogger. Marso 17, 2015 Nauna pang umalis si Emily sa akin. Sinama kasi siya ni Liza na magpa-pedicure. Hahatiran niya na lang ako ng pagkain para sa lunch ko. Late na siya dumating, kaya agad kaming nag-lunch pagdating niya. Practice naman ang sinunod naming pagkatapos mag-lunch. Okay naman ang sayaw. Ang doxology, andami pang dapat ipulido, lalo na't andaming kulang. Pagkatapos, pinanuod ko na lang sila ng pelikula sa laptop ko. Maghapon na. Hinayaan ko din maglaro sila sa loob. Umidlip din ako habang nakikipagkuwentuhan si Emily kay Mamu. Past 5, nagkita-kita kami nina Sir Erwin. Sa suki naming canteen, kami dumiretso. Kumain kami at nagkuwentuhan at nagtawanan. Then, ipinagpatuloy namin sa hideout. Andami naming napagkuwentuhan at napagtawanan. Natuto din kami sa isa't isa. Hiniling ko din sa kanila na ipag-pray nila na mapili ang kuwento (Lola Kalakal) ko ng PSICOM. Oo daw. Makukuha daw talaga. Past 8 na ako nakauwi sa boarding house. Marso 18, 2015 Nag-check kami ng forms ni Sir Rey. Pagkatapos, inayos ko naman ang forms ko. Medyo kulang pa, pero, mabilis na lang i-finalize bukas, para sa checking, with the supervisor. Naasar kami sa IT coordinator o ang committee ng program lay-out ng Recognition. Hindi pa niya natapos after almost a week. Nagpaka-bloks din ang GL namin. Nainis kami ni Diana. Sinabi naming kami na ang gagawa. Kinausap din namin sina Mam Joanna at Mam Fatima para sila ang mag-emcee dahil tinanggihan iyon nina Jul at Mia. Mabilis lang namin silang napa-oo. As return, ako na ang gagawa ng script nila. Nanlibre ng very late lunch si Don Façade. Nagkainan kami sa classroom ni Mamu. Nag-selfie din kami para sa aming FB page na 'Hideout'. Ginawa ko ito kagabi, after ng hideout bonding namin, para mang-inis ng mga inggiterang tao. Mas lumalakas ang aming friendship habang kami ay inuuga. Pag-uwi ko, agad kong hinarap ang script. Natapos ko ito bago mag-8:30. Marso 19, 2015 Nang magising ako bandang alas-dos y medya ng umaga ay hindi na ako muling nakatulog. Nagpabiling-biling na lang ako sa higaan. At bandang alas-4, gumawa ako ng tula na pinamagatan kong "Don't Count". Ayos, may pakinabang ang pagkapuyat ko. Kaya lang, pagdating sa school, wala ako sa mood magtrabaho. Inaantok ako. Idagdag pa ang kapabayaan at kakulangan ng aming GL. Hindi siya dumating ng alas-6. Alas-onse na siya dumating. Naiinis kami ni Mamu. Kulang-kulang ang mga info para sa programme. Hindi makausad ang ginagawa namin. Ito namang Donya Choling ay kinuha niya ang mga papel at ibinalik kay Mam D para siya ang pumukpok sa IT namin, na siyang committee sa programme layout. Hindi kami nagrereklamao, nagsasabi kami ng hinaing namin dahil nababalahaw ang sistema. Ito namang MT ay iba ang diskarte. Hindi na nga makatulong, nakasira pa. Nang dumating ang GL namin, wala pa rin siyang ginawa. Nagpa-meeting pa. Kaya pagkatapos, umuwi na kami. Sa sobrang antok at gutom ko, nahiga muna ako. Alas-dos na yata ako bumangon para kumain. Hindi pa nga natatapos ang pagkain ko, tumawag si Donya Ineng para sabihing kailangan kami sa school para sa cross-checking. Nagmadali ako. Nakarating naman ako bago makapagsimulang ma-check-an ang mga forms ng Section 1. Nainis lang ako sa tinuran ng principal. "Diyos ko Miyo" daw. Umirap pa. Hala! Hindi naman nila sinabi na may bisita para sa cross-checking. Mas inuna pa nila ang pictorial. E, may sikmura naman akong nagugutom. Kailangan kong unahin. Ang bilis lang namang nag-check. Wala pang limang minuto. Kailangan pa akong takutin na kay Mam Ladines magpapa-check. Akala nila matatakot ako. Ang gulo! Napagbintangan pa kami ni Mamu na nag-Harisson. Kaya nang pinatawag ang Grade 5 at ang IT, pinagalitan pa kami ng principal. Nag-rason kami ni Mamu. Pumasok kami ng alas-6 dahil iyon ang usapan o sinabi ng GL namin. Pero siya ay duamting ng alas-11. Kami pa, kako, ang may kasalanan? Siya ang chairman ng Recognition pero hindi siya maasahan. PulpoLEADER! Hindi sila nakaimik nang manggalaiti na ako. Hugas-kamay din ang MT. Aba! Papatalo ba ako. Nasa rason lagi ako. Kahit pa sabihin nilang dapat nagpapaalam kami. Never kaming nagpapaalam kapag magta-time out. Bakit ngayon lang nila kami ire-require.? Wala sa hulog. Andaming issue ngayong araw sa Gotamco. Nakasalamuha ko si Mam Dang. Nahirapan siyang magpaprima kay Mam D. Hindi pa nga pinirmahan kaya pending ang thesis niya. Nalaman ko sa kanya na nagkasagutan sina Ms. Kris at Baleleng dahil din sa cross-checking na 'yan! Later, tinext niya ako at nagkuwento siya. Napatunayan ko na, na masama talaga ang ugali ng kumare ko. She deserves more enemies. Last one, nagtapat si Mamu tungkol sa kuwentuhan nila ni Mam Dang kanina, habang pauwi. Sinisilip daw ni Donya Choling ang limang trainorship ko sa journalism. Dapat daw ay ibigay sa manugang niyang magaling ang iba. Hindi niya alam ang istorya kaya hindi dapat siya nangingialam. Kung alam niya lang na binigyan ko lang ng broadcasting ang manugang niya dahil sa apo niya. Saka ayoko mag-train ng English. Ipinamigay ko na nga ang iba. Ayaw naman nilang kunin. Ngayon school year, handa akong ibigay lahat sa kanila. Marso 20, 2015 Alas-diyes pasado ay nasa Gotamco na ako. May mga pupils na rin ako kaya isinama ko na sa pag-akyat. Tapos ay naghanap ako ng makakausap. Wala si Mam Dang. Wala rin si Ms. Kris. Kaya si Mareng Janelyn ang nakausap ko. Hindi nga lang ganun katagal kasi kailangan kong balikan ang mga pupils ko. Prinaktis ko sila sa classroom ni Mamu. Siya na kasi ang mamamahala sa kanila. Napag-usapan namin ni Mare ang tungkol sa mga kagaguhan ng magbiyenan. Napagkasunduan namin na ibigay sa kanila ang mga gawain namin sa school dahil iyon ang gusto nila. Nabanggit ko na magiging full time classroom teacher na lang ako at maging full-time father kay Zillion, na magki-Kinder next school year. Niyaya din niya akong maging Grade Six teacher. Gusto ko sanang panghapon kami ni Zillion para maka-focus ako sa sa kanyang almusal at pagpapaligo. Pero, may point naman siya. Mas active daw ang bata kapag umaga. Tutal malapit lang naman ang uwian namin, umoo na ako. Sunod ay nakipag-bonding ako kay Mamu at sa mga pupils namin. Halos, gusto nila kaming makasama sa mga huling araw. Mayroon pang Grade Six pupils na gusto pang bumalik sa pagka-Grade 5. Hehe. Pasado alas-dos, sinimulan namin ang rehearsal ng Recognition Day. Andami pang kulang. Labo-labo pa. Hindi talaga mahusay na lider ang chairman namin. Habang nasa practice ako, nagtext si Emily. Flight niya na daw tonight. Nagulat ako kaya tinawagan ko siya. Umalis pala siya para magtanong sa agency nila. It so happened na may plane ticket na siya. Natuwa ako at the same time nataranta. Hindi pa siya handa. Nasa Caloocan pa ang maleta niya. Gayunpaman, pinakalma ko siya. Kaya niyang magawa ang mga iyon sa mabilisang paraan. Nang pauwi na ako sa bahay, nagtext siya. Hindi na daw tonight ang flight niya. Sa Sunday na. Ayos! Makakapaghanda pa siya. Bumalik ako sa school pagkatapos. Nalimutan ko palang magpaalam kay Mam Deliarte. Pumayag naman siya agad. Kaya lang tila naplastikan ako sa kanya dahil nagparamdam naman siya ng pag-care niya sa health ko. Dati kasi ay sinabi niya na patatabain niya ako. Pero, ilang beses pa lang naman niya akong pinakain o niyayang kumain sa office. Ang hula ko ay dahil iniisip niya na maysakit ako sa baga at hindi ko kayang magtrabaho o tumanggap ng maraming coordinatorship at trainorship. Pag may sakit nga naman ako, malaya siyang ibigay iyon sa mga gumagapang ng mga posisyon ko. Nasulsulan na siya. Sorry sila. Handa na akong ibigay lahat. Back to zero ako. Marso 21, 2015 Quarter to six nang magising kami dahil sa alarm. Maaga kasi aalis si Emily patungo sa agency. Mabigat man ang talukap ng mga mata ko ay bumangon na ako para ihatid siya sa baba. Masayang-masaya ako dahil natapos na ang mahaba niyang paghihintay. Aalis na siya bukas. Salamat sa Diyos! Hindi na rin ako natulog pag-alis niya kaya naghanda na rin ako para sa aking masteral class. Mag-aalas-nuwebe na yata iyon nang dumating si Dr. Yan. May nag-report agad. Pagkatapos, pumunta kami ni Donya Ineng sa Pasay City west High School. Naroon kasi ang mga professor, kabilang si Dr. Llamas. May seminar tungkol sa K to 12 at ASEAN Integration. Nakinig kami. Naengganyo kami sa certificate at sa information na makukuha namin.Okay lang naman. Tutal para lang kaming nasa classroom. Alas-tres nang matapos ang seminar. Umuwi agad ako. Nalungkot akong bigla. Tahimik kasi ang kuwarto. Isang buwan din halos naging maingay ang boarding house dahil sa presensiya ni Emily. Pero, ngayon wala na akong kausap. Nakakamiss din pala. Anyway, for good naman ang pag-alis niya. I know she will be successful. Six, nanuod ako ng "Fifty Shades of Grey". Hindi tuloy ako agad nakapag-empake ng mga gamit ko sa pagpunta sa Aklan bukas. But, it's okay. Marso 22, 2015 Alas-singko, ginising ako ng tawag ni Emily. Nasa Clark AirBase daw siya. Ten o'clock pa ang flight nila. Isang oras pagkatapos kong matulog uli. Naghanda naman ako sa pag-alis ko. Alas-otso ay bumiyahe na akong patungong Cubao. Past nine naman ako nakakuha ng ticket sa 2Go. Alas-onse naman bumiyahe ang Alps bus patungong Batangas Pier. Doon ay naghintay ako ng napakatagal. Nine ng gabi pa kasi ang alis ng barko. Excited pa naman akong bumiyahe. First time ko sa barko at sa Aklan. Okay lang naman kasi maayos naman ang waiting area. Malamig at may telebisyon. Nine, pinaakyat na ang mga pasahero sa barko. Natuwa ako. Para sa akin, sulit ang P1152 na binayad ko. Makakatulog ako ng mahimbing dahil may kama bawat isang pasahero. Marso 23, 2015 Masarap ang tulog kagabi sa barko. Hindi ko nga namalayan na pumasok ang tubig-ulan. Alas-siyete ay nag-sight-seeing na ako. Ang ganda ng karagatan. Kalmado. Sarap magbiyahe. Hindi nakakatakot. Alas-otso ay nakasakay na ako sa bus patungong Iloilo. Bababa ako sa Altavas. Halos apat na oras ang biyahe. Nagutuman ako. Pero, ayos lang. Naabutan ko namang maayos si Zillion, saka safe ang biyahe ko. Expected pala ni Nanay na may kasama ako. Naghanda pa naman sila ng hipon. Sarap ng lunch. May sinabawang isda pa. Past two, natulog kami ni Ion. Alas-singko na kami bumangon. Bawing-bawi na ang puyat at pagod ko. Hindi pa nagtext si Emily. Siguro ay hindi pa siya nakabili ng roaming na sim card. Ayos lang. Alam kong nasa mabuti siyang kalagayan. Marso 24, 2015 Ang sarap matulog. Tamang-tama ang temperatura. Maaga lang bumangon si Ion kaya medyo naabala ang pagkakahimbing ko. Pero, ayos lang. Nakabawi na ako sa puyat. Pinagmasdan ko ang kilos ni Ion. Ang likot niya, lalo na't may kalaro. Ang ingay pa. Ang husay na niyang mag-Aklanon. Pagkatapos ng lunch, pinatulog ko siya. Iyon lang ang paraan para mapatigil siya sa kalikutan. Pagkagising niya, pumunta kami sa park. Piniktyuran ko siya doon. Nalungkot ako nang makita ko ang program ng graduation ni Ion bukas. Wala siyang honors. Hindi siya kasali sa outstanding pupils. Sa dami ng nabigyan, siya ang wala doon. Mabuti na lang Most Polite, Most Friendly, Most Courteous, Most Humble, Best in Writing at Best in Math siya. Marso 25, 2015 Maaga kaming nagising para sa Recognition Day ni Ion. Sa sobrang aga, antagal naman naming naghintay sa pagsisimula nh program. Mga nine AM na uata nang nagsimula. Tapos, antagal pa bago ang Recog kasi inuna ang graduation ng Kinder 2. Mabuti na lang ay na-enjoy ni Ion ang pag-akyat ng stage para sa kanyang mga awards. Anim na beses siyang umakyat. Pinaakyat ko din si Inday at Nanay para i-pin ang mga ribbon. Bago mag-12 ay nakauwi na kami. Gutom na gutom na ako. Mabuti at di ako inabot ng diarrhea. Thrice ako nag-poo ngayong araw. Sana gumaling na ako. Bibiyahe na kasi kami ni Ion bukas, pabalik sa Pasay.. Marso 26, 2015 Nakipag-kuwentuhan ako kay Nanay sa hapag-kainan habang nag-aalmusal. Andami niyang bilin tungkol sa kabutihan ni Ion. Marami tuloy akong napulot na idea. Pasado alas-9 ay nagpaalam na ako kay Mommy Ofie at kina Nanay at Tatay. Pinasalamatan ko sila. Hinatid naman kami ni Inday Rizza sa waiting place ng Dimple Star Bus. Doon ay pinasalamatan ko siya ng husto. Alam ko hindi sapat ang P500 na ibinigay ko sa kanya bilang pasasalamat. Ang laki ng ginampanan niyang papel kay Zillion. Sana makabalik nga kami para di siya makalimutan ni Ion. Very close kasi sila sa isa't isa. Alas-onse, dumating ang bus. Alas-tres maman kami dumating sa Caticlan. At 4 PM, umalis ang Starlite Ferry na sasakyan namin mg apat na oras patungong Roxas. First time ni Ion sa barko. Ayaw niyang matulog. Enjoy na enjoy. Galing ng anak ko. Hindi maselan sa biyahe. Sarap isama. Kain pa ng kain. Mabuti na lang, andaming pabaon ng mga biyenan ko. Nahirapan naman ako sa biyahe patungong Calapan Port. Ang init sa loob ng bus. Natutulog na kasi si Ion. Tapos, sobramg tagal pa kaming naghintay doon para makasakay sa barko--- from past 11 to 3am. Pawis na pawis kami sa sobrang init. Ayaw magsipagbukas ng mga bintana. Bwisit na bwisit ako. Sana pala nag-aircon na lang kami. Marso 27, 2015 Asar na asar ako kaninang madaling araw. Halos, apat na oras anim na oras kaming naghintay sa pantalan ng Calapan. Ang init pa naman sa loob ng bus. Tulog si Ion. Basa ang likod at dibdib ko sa kakakarga sa kanya. Alas-tres, nagising siya. Lumabas kami sa bus. Nagkape ako. Mabuti na lang, dumating ang barko ng 4AM. Nakapasok kami doon at nakahiga-higa. Pero, di pa rin agad ito umalis. Five o'clock pa ito lumarga, kaya past 8 na kami nakarating sa Batangas Port. Past-eleven naman kami dumating sa Pasay. Naasar pa ako sa taxi driver. Sinisingil ako ng P300. Buti nga binayaran ko pa ng P150. At mabuti, naubusan ako ng load. Hindi ko nai-send ang complaint ko sa LTFRB. Natulog kami ni Ion, after naming mananghalian. Past 3 na ako nagising. Kulang pa rin ako sa tulog. Pero kahit ganun, pumunta pa rin kami ni Ion sa GES. Inimbita kasi ako ni Jeff sa kanilang Grad Ball. Akala ko ay gabi pa. Mabuti na lang ng-PM siya. Doon ay sinalubong kami ng mga estudyante. Yakapan sila sa akin at kay Zillion. Instant celebrity ang anak ko. Naging masaya ang grad ball nila. Andaming umiyak habang nagpapaalam sa isa't isa. Andami ring yumakap at nag-thank you sa akin. Pag-uwi ko, in-upload ko kaagad ang mga picures nila, I mean namin. Si Zillion, nakarami din. Thanks, God dahil naging bahagi ako ng Grad Ball nila. Hindi man ako nakadalo sa graduation nila, gaya ng gusto nila, nakapunta naman ako sa grad ball. Marso 28, 2015 Wala pang alas-otso ay nasa City University of Pasay na kami ni Ion. First time niya doon. First time ko rin magsama ng anak sa masteral class ko. Agaw-pansin tuloy kami. Pero, nakakatuwa naman ang mga reaksiyon nila, lalo na pareho kami ng shade ng suot na checkered long sleeves polo. Sabi ng mga kaklase ko sa Educ. Leadership, carbon copy ko daw si Zillion. Sabi naman ng iba, mini-me ko daw. Natuwa din sa kanya ang ibang propesora na nakakasalubong namin. Natutuwa nga rin ako dahil hindi naman siya malikot. Natatawa pa kami ni Roselyn dahil panay ang Aklanon. Di namin maintindihan. Alas-kuwatro ay nakauwi na kami. Pinatulog ko si Ion pagkatapos naming magmeryenda. Nakapagbabad ako ng labahan habang tulog pa siya. Grabe! Nararamdaman ko na ang challenge ng pagiging ama ko sa kanya. Kaming dalawa lang ang magkasama. Okay naman. Hindi naman siya mahirap alagaan. Kayang-kaya. Naka-chat ko si Mamu. Nalaman ko na hindi naman siya binigyan ng request form para sa x-ray. Tama ang hinuha ko. Pakulo na naman ito ng mga kalaban ko. Nakasali pa tuloy ang school nurse. Nagtataka lang kasi ako. Ako lang yata ang magpapa-xray. Para ano? Para malaman nila na incapable ako humawak ng mga trainorship at coordinatorship? Napagdesisyunan ko na hindi ako agad na magpapa-xray. Bibitinin ko sila. Hindi rin ako papasok sa Monday at Tuesday. Mabuti pang magbakasyon na ako sa Antipolo. Sa April 6 na kami babalik. Marso 29, 2015 Alas-siyete pasado ay pumunta kami ni Ion sa Gotamco para magdilig ng mga halaman, kumuha ng bond paper na gagamitin ko sa aking final exam at para lagyan ng stick glue ang gulong ng toy car ni Ion. Mabilis ko lang nagawa iyon kaya agad kaming nakaalis sa school. Pupunta naman sana kami sa hideout para humiram ng libro kay Donya Ineng at magpakuha ng exam permit sa CUP, kaya lang hindi ko nadala ang resibo ko. Nasayang ang lakad namin. Pag-uwi, pinanuod ko ng youtube si Ion habang ako ay naglalaba. Pagkatapos ay naligo kami para pumunta sa Harisson Plaza. Nagbayad ako ng RCBC bills. P1000 at P500 lang each. Anlaki pa ng balance ko. Di bale basta mabawasan. Pinakain ko rin si Ion sa Jollibee. Binigyan kasi siya ni Plus One noong Friday ng P100 para dito. Nagtext si Malot baka daw pumunta si Mhel para kunin ang hipon na padala. Hinintay ko, pero nang nagtext uli, hindi na raw. Dalhin ko na lang daw sa Antipolo. Iyon naman kasi ang sabi ko nang hindi rin makakapunta si Edward. Sayang naman kasi kung iiwanan ko sa ref doon. Malapit ng masira. Ala-una medya, umalis na kami ni Ion papuntang Antipolo. Pasado, alas-kuwatro naman kami dumating. Kalahating oras lang ay pumunta naman sina Jano para makita lang si Ion. Tinext siya ni Taiwan. Iyon kasi ang bilin niya. Natuwa sila sa kadaldalan at pag-a-Aklanon ng anak ko. Maagang nagising si Ion kaya maaga rin akong napamulagat. Hindi na ako nakatulog uli kaya nag-almusal na ako para maharap ko na ang take-home final exam sa Philosophy of Education. Nasimulan ko lang i-handwrite. Hindi ko natapos kasi masakit sa kamay. Sinimulan ko ring i-encode ang by-laws ng CUP-Young Writers' Guild na pinapagawa sa akin ni Dr. Llamas. Natapos ko iyon kahit dumating si Jano at ang kanyang tatlong anak. Nag-aalala na ako kay Emily. Hindi pa siya tumatawag o nagpi-Facebook. Pero, malakas ang paniniwala ko na nasa mabuti siyang kalagayan. Hindi lang siya marahil makahanap ng paraan para maka-communicate sa akin. Nagtatanong si Mamu sa text kung kumusta ang meeting at clearance ko. Wala akong load kaya di ko nasagot. Hindi niya lang alam na di ako pumasok. Wala akong pakialam sa meeting na 'yun. I'm sure, maiinis lang ako. Marso 31, 2015 Para akong nag-fasting kaninang umaga. Kape lang ang almusal. Wala kasing magpapandesal na nagtinda. Mabuti na lang ay nakapag-almusal si Ion. Early bird catches fish, talaga. Hehe Masarap naman ang tanghalian namin. Binawi ko ang gutom. Tapos, may handaan pa sa hapon dahil birthday ni Yoshimi. Naging maingay at magulo nga lang ang kabahayan. Pero, ayos lang. Mabilis lang namang natapos. April na bukas. Sana tumawag na si Emily. Nag-aalala na nga rin si Mama.

Baon sa Puso

 Baon sa Puso     Mga guro’t estudyante, uwian na noon, Sa mga gawain sa umaga ay nagutom Pagkapananghali ay babalik sa hapon.  ...