“Salamat, Red at pinagbigyan mo
ng kahilingan ko.” pagbubukas ng usapan ni Riz, pagkatapos kaming hainan
ng almusal ng kanyang ina.
Hindi pa ako nakakahigop ng mainit
na tsokolate pero sinagot ko ang sinabi niya. “Welcome, Riz! Para sa’yo..”
Pero, hindi ko na naituloy ang ‘gagawin ko ang lahat’. Ayaw ko kasing masundan
pa ito ng isa pang hiling niya. Ayaw ko na. Sana sabihin na niya okay na siya
na wala ako. Gusto ko naman kasing harapin si Dindee. Lagi ko na lang siyang
nasasaktan.
“Red, okay lang ba sa’yo kung..”
Alam ko na ang sasabihin niya
kaya.. “Alam mo, hindi nga ako kinikibo ni Dindee, ilang araw na. Ayaw niya
talagang..m-malayo ako sa kanya.” Gusto ko sanang sabihin na “mapalapit
ako sa’yo’’.
“Hayaan mo, bukas.. o kahit
mamayang gabi, pagkatapos mong tumugtog sa bar, uwi ka na. Ayaw ko din namang
gawin ito. Kaya lang, ikaw lang kasi ang makakatulong sa akin. Ikaw ang huling
kasama ko bago ako ni-rape ni Leandro..’’ Umiyak na siya. “Sana
nauunawaan mo ako. Sana kung..kung..”
“Riz, sorry..”
“Anak? Bakit, anak?” Lumapit
ang kanyang ina.
“Wala po. Naalala ko lang po.”
“Tama na, anak. Kaya nga narito
na si Red para tulungan kang makalimot. Di ba ‘yun naman ang gusto mo?”
“Opo..”
“Sige na. Tama na.”
Hindi na kami iniwan ng kanyang ina
hanggang matapos kaming kumain.
Pagkatapos, nagsalang si Tita ng comedy
film. Natuwa ako. At least, hindi ko na kailangan pang mag-isip ng paraan para
maging masaya si Riz.
Maghapon kaming nanuod. Parang movie
marathon.
No comments:
Post a Comment