“Hello, Dee? Musta ka?” Pilit kong pinapasweet ang boses ko
para di siya magalit sa akin nang tumawag ako sa kanya, after class.
“Okay naman. Busy ako, e. May sasabihin ka?”
Di ko mabasa ang damdamin niya. Parang galit, na hindi
naman. “Wala naman. Nangungumusta lang. Nga pala, hindi pa pala makakauwi sa
bahay.”
“Okay!’’
“Teka lang! Dee!”
“Bakit?”
“I miss you!”
“K! Bye. Enjoy!”
Binaba na niya.
Hindi siya nagagalit sa akin pero parang iyon na rin ang
ipinaparamdam niya. Wala pa akong magagawa. Nais kong matulungan si Riz na
matanggap niya ang nangyari sa kanya. Siguro ay mauunawaan na lang ako ni
Dindee, later on. Siguro, si Mommy na lang din ang makakapagpaliwanag sa kanya
dahil pareho silang babae.
Tinext ko si Mommy tungkol dito. Humingi ako ng payo at
tulong. Sure daw, sagot niya.
Pagdating ko kina Riz, naggitara ako. Double purpose. Una,
para ko siyang hinaharana. Pangalawa ay para sa gig ko mamayang gabi sa
MusicStram. Alam na ni Riz at ng kanyang mga magulang na magtratrabaho muna ako
sandal. Babalik din.
Nang matapos akong magpraktis. Tinugtugan ko pa si Riz ng
ibang kanta. I made sure na kikiligin siya. Hindi ako nabigo. Mangiyak-ngiyak
siya sa apat kong kinanta. Humirit pa nga.
“Sorry..Riz. Pwede, bukas naman? Kasi kailangang ipahinga ko rin ang
boses ko para sa gig ko mamaya.” pakiusap ko, in a nice way.
Tumango muna siya. “Okay lang, Red! Naunawaan ko. Sobrang saya
ko naman na kasi para mo na naman akong hinarana. Naalala ko noong hinarana mo
ako sa park.” Ngumiti siya. Noon ko na lang uli napansin ang kagandahan
niya.
Naalala ko pa rin iyon siyempre. “Kasabwat ko noon si Gio. Sorry
pala dun, ha?”
“ano k aba?! Ako nga ang dapat mag-sorry sa’yo dahil..di ko iyo
pinahalagahan.” Tapos, nalungkot siya bigla. Nag-iba ng direksyon ng
tingin.
“Hayaan na natin iyon! Nakaraan na, e. Alam mo ba kanina sa school? Pinagtripan
na naman nila si Gio. Tsk tsk.” Pinilit kong maiba ang usapan namin.
Ayokong manumbalik ang pagtingin niya sa akin. Mabuti na lang at nakinig siya sa
mga kuwento ko. Nag-imbento na nga lang ako ng iba.
No comments:
Post a Comment