Akala ko ay okay na kami ni Dindee kagabi pa, hindi pa pala.
Hindi na naman niya ako kinikibo kaninang umaga. Tapos, hindi niya rin ako
nirereply-an.
Okay lang naman. Kayang-kaya ko naman siyang lambingin.
Sana hindi na lang niya malaman na bumisita kami kay Riz
kanina, after classes. Sabagay, okay lang naman na malaman niya dahil buong
klase yata namin ang pumunta sa bahay nila. Ilan-ilan lang ang di nakasama.
Malakas-lakas na si Riz. Medyo, maaliwalas na ang mukha
niya. Nakitaan na nga namin siya ng mga ngiti sa labi. Paano ba namang hindi?
E, si Roma, bumanat ng patawa niya. Sabi ba naman: “Mam Dina, may pag-asa pa ba
akong magahasa?” Seryoso pa ang pagkakatanong niya. Ang lakas-lakas pa.
Dinig ng lahat. Kaya, bago pa naagot ni Mam ay nagtawanan na kaming lahat.
Iba-iba ang sagot.
Sabi ni Mam, “Pwede!”
Sabi ni Rafael, “Choosy ang rapist ngayon.”
“Tama! Baka, ikaw ang rapist.” dagdag pa ni Nico.
Ako, tawa lang ng tawa.
“Mga walang respeto!” kunwaring galit na sagot ni Roma. Pinagduduro
niya pa sina Nico at Rafael. “Hoy,ang tulad ng ganda ko, ay pantansiya ng
mga kalalakihan. At kung kayo ang manggagahasa sa akin, di bale ng mamatay ako
na isang birhen. Birhen forever.”
Lalong lumakas ang tawanan.
Hindi lang ako nakalapit kay Riz. Ayokong tuksuhin kami ng
mga kaklase ko. Pero, alam ko na naging masaya siya nang makita ako. Naging
masaya din akong makita siyang nakangiti.
Sa bahay, nakipagbati na uli ako kay Dindee. Medyo,
nahirapan uli akong suyuin siya. Pero, at least, bati na kami. Okay lang daw
iyon. Na-realize niya rin kasi na babae rin siya. Sakaling sa kanya nangyari
iyon, malamang ganun din ang gagawin niya.
“Salamat, Dee!”
“Hmp! Wala bang harana diyan?”
Na-gets ko kaagad ang gusto niya.”Meron! Sandali!” Agad
kong kinuha ang aking gitara at tinugtugan ko siya ng “Because Of You”.
No comments:
Post a Comment