Followers

Tuesday, March 3, 2015

Desiderata (salin ni Makata O.)


Humayo kang maingat at tahimik sa gitna ng ingay na nagdudumali,
At tandaan, sa kapayapaan ay mayroon ding katahimikan.
Hangga't maaari huwag kang susuko.
Lagi kang magpakabuti sa lahat ng mga tao.
Ipahayag ang katotohanan nang tahimik at malinaw,
At makinig  ka sa kanila
Kahit na sa mga  mangmang at inosente,
Dahil sila ay may mga  nakatagong kuwento.
Umiwas sa mga taong maiingay at agresibo.
Nabubulabog nila pati ang mga espiritu
Kapag  ihahambing mo, iyong sarili sa iba,
Ikaw’y maaaring masaktan o maging palalo
Sapagkat laging may mababa at mas angat sa iyo.
Matuwa ka na lang sa iyong mga narating at mga plano.
Manatiling mapagkumbaba, habang sa karera ay panalo
Ito ang tunay na yaman sa pabago-bagong panahon.
Mag-ingat din sa iyong pakikipagkalakalan
Pagkat ang mundo’y puno ng mga mapanlilinlang.
Ngunit huwag  magpabulag dito, dahil may kabutihan.
Maraming tao ang sumusunod sa kagandahang asal
At kahit saan man, buhay pa rin ang kabayanihan.
Maging  totoo ka lang sa iyong sarili.
Lalong-lalo na, huwag dayain ang pag-ibig.
Huwag din namang matakot magmahal,
Sapagkat ang kapighatian at kabiguan
Ay laging nariyan, katulad sa damuhan.
Sundin mo ng marapat ang mga aral ng panahon.
Isuko ng maluwalhati ang mga bagay ng kabataan.
Palakasin ang kaluluwa at gawing kalasag sa biglaang kasawian.
Pero, huwag balisain ang sarili sa masasamang pangarap
May mga takot na isinilang dahil sa pagod at kalungkutan.
Higit pa sa isang disiplinang pangkalahatan
Maging mabuti ka sa iyong sarili.
Ikaw ay anak ng kalawakan
Maliban sa mga puno at mga estrelya
May karapatan kang mamuhay dito
Malabo man o malinaw sa iyo
Walang duda, nararapat lang na ito ay bukas para sa’yo
Samakatuwid, maging maligaya ka sa piling ng Panginoon,
Anuman ang pagkakakilala mo sa Kanya.
Anuman ang iyong hanapbuhay at mga balakin,
Sa masalimuot na buhay, iyong kaluluwa ay payapain.
Sa lahat ng pagkukunwari, paghihirap at sirang pangarap,
Ito’y kaakit-akit pa ring mundo.
Maging maligaya ka.

Sikaping mong maging masaya.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...