Bandang alas-nuwebe ng umaga, kanina, dumating ang nanay ni
Riz. Kinausap niya muna si Mam Dina. Nakita kong iyak ng iyak ang ina. Alam
kong may problema na naman. Hindi ako tsismoso. Sadya lang talagang naging
emosyonal din ako sa krisis na pinagdadaan ng dati kong mahal. Kahit naman
nawala ang love ko sa kanya, narito pa rin ang care.
Nang matapos silang ag-usap, hinarap kami ni mam Dina. “Class,
hindi naman lingid sa kaalaman ninyo ang pinagdadaanan ni Riz ngayon.” Tumingi
muna siya sa akin. “Ah..sana ipag-pray niyo na sumuko na si Leandro o kaya’y mahuli na
siya. Hindi nakakalma ang loob ni Riz hangga’t di siya nakakulong at
napaparusahan.”
Sumagot ang iba. Yes, Mam daw. Ako. Kahit hindi sabihin ni
Mam ay talagang ginagawa ko. Katunayan, kagabi, ipinanalangin ko ang mabilis na
pagkakadakip kay Leandro.
“Red…?’’ tawag sa akin ni Mam Dina.
Nagulat ako ng kaunti. “Mam?”
“Gusto ka daw makausap ni Misis? Pwede ba? Sa covered court na kayo.”
“Opo, Mam!” Tumayo na ako.
“Salamat po, Mam Dina!” Dito na po kami ni Red!’’
“Welcome po! God bless sa inyo, lalo na kay Riz.”
Sa covered court na nagsalita ang nanay ni Riz. Tama ako.
Makikiusap na naman sa akin na pumunta ako at mag-stay sa bahay nila. Request
daw ni Riz.
Ipinagtapat ko na ang tungkol sa relasyon ko kay Dindee.
Sinabi ko na nag-aaway kami ng gf ko dahil dito. Sabi naman niya ay kakausapin
niya ngayon si Dindee. Hiningi sa akin ang cellphone number niya. “Okay
po”, sabi ko. “Pag pumayag po, payag na rin po ako.”
Hindi ko alam kung bakit napapayag niya si Dindee. Ayos
naman sa akin. Gusto ko rin namang makatulong.
Tinawag din niya ang Mommy ko. Pumayag din ang magulang ko.
Pahahatiran na lang daw ako kay Daddy ng mga personal kong gamit at
pangangailangan.
Pagdating sa bahay nina Riz. Iyak agad ang sinalubong niya sa akin. Gusto niya akong mayakap kaya
nagpayakap ako ng sandali. Natutuwa siyang makita ako. Umaliwalas ang mukha
niya, ilang sandali lang ang lumipas. Malaki talaga ang nagagawa ng presensiya ko. Sana
lang ay hindi na magalit sa akin si Dindee.
No comments:
Post a Comment