Followers

Wednesday, March 4, 2015

Redondo: Kurot

Umuwi ako ng umaga dahil tinext ako ni Dindee. Uuwi din daw siya ng maaga.

Sa bahay ay nagpatulong lang pala siya sa kanyang assignment. Tulungan ko daw siyang mag-research at mag-encode.

“Yun lang pala, e. Wala na bang iba?” biro ko.

“Yabang naman nito! Gusto mong tambakan kita ng gawain?” Nag-galitan-galitan pa siya.

“Ang hirap pala nito. Andami pa. Pwedeng bukas na ang kalahati?” kakamot-kamot pa ako sa ulo ko, habang pilit na itinatagao ang ngiti.

“Sabunutan na kita dyan, Redondo, ah! Andami mong reklamo at arte! Gusto mong i-break na kita. Andami mo nang kasalanan sa akin.”

Tumawa na ako at agad na kinawit ang baywang niya palapit sa akin. Nang mahuli ko siya ay napaupo siya sa aking kanlungan. “Eto naman, di na mabiro! Mayroon ka ba ngayon?”

“Bitiwan mo nga ako! May balak ka sa akin, noh!?”

“Uy, wala no!”

“E, bakit ka nagtatanong?”

“Init kasi ng ulo mo, e.” Kumamot-kamot uli ako sa ulo ko. Pra kasi  akong na-corner ni Dindee. Naisip ko, bakit nga ba ako nagtanong?

“Pag mainit ang ulo, may mens agad? Di ba pwedeng bad trip lang?!”

“Boom! Panes!”

Naasar sa akin si Dindee kaya pinagkukurot ako sa tagiliran. Ang sakit! Pinong-pino pa naman mangurot.

Bago dumating sina Mommy at daddy, nagawa na namin ang assignments niya. Tapos, tumulong kami sa paghahanda  ng hapunan.

“Aba, mukhang okay na kayo, ah.” puna ni Mommy.

“Opo, Tita. Naaawa ako sa kanya, e.”

“Weey, baka may ipapagawa ka sa akin.”

Kinurot uli ako ni Dindee, sabay, ngiti.


Natawa na lang kami.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...