Followers

Tuesday, December 31, 2024

Matalik na Magkaibigan (Dulang Pambata)

 Matalik na Magkaibigan (Dulang Pambata)

 

 

Mga Tauhan:

      *Kelvin  -- class president

      *Vaughn – bully

      *Ma’am Salazar – gurong tagapayo ng dalawa

      *Mommy –nanay ni Vaughn

      *Daddy – tatay ni Vaughn

      *Ginang Senia – nanay ni Kelvin

      *Tagapagsalaysay

 

Tagpuan: Sa silid-aralan, Lunes ng umaga

 

Eksena 1: Sa silid-aralan

 

Tagapagsalaysay: Sa silid-aralan ng Ikaanim na Baitang-Pangkat Mabuti, na pinamamahalaan ni Ma’am Salazar, madalas marinig ang pang-aasar ni Vaughn sa kanilang class president na si Kelvin.

 

Vaughn: (Pakanta) Putol ang isang paa, naglalakad mag-isa.

 

Kelvin: (Nakayuko lang)

 

Ma’am Salazar: (Pasinghal) Vaughn, tumigil ka! (Nakapamaywang, malapit kay Vaughn, ngunit mahinahon na) Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo, na itigil mo na ang pambu-bully mo sa mga kaklase mo, lalo na kay Kelvin. E, ano kung iisa ang paa ng nanay niya? Alam mo ba kung ano ang dahilan ng pagkaputol niyon?”

 

Vaughn: (Natatawang umiling-iling)

 

Ma’am Salazar: (Pasinghal ulit) Hindi mo dapat binibiro ang nanay niya dahil unang-una, hindi mo siya kilala. Humingi ka ng tawad kay Vaughn at ipangako mo sa amin na hindi mo na ito uulitin.

 

Vaughn: Sorry na, Kelvin. Promise, hindi na niya iyon uulitin.

 

Kelvin: (Hindi tiningnan si Vaughn.)

 

Vaughn: Sige na, Kelvin… Illibre kita ng sampung pisong salamig mamaya sa labas. Tapos, ibibigay ko sa ‘yo ang kalahati ng sandwich ko.

 

Kelvin: (Bumilog ang dalawang mata) Talaga?

 

Vaughn: Oo, basta bati na tayo, ha?

 

Ma’am Salazar: Ganyan nga, sana maging matalik na kayong magkaibigan, simula ngayon.

 

 

 

Eksena 2: Sa silid-aralan, Miyerkoles ng umaga

 

Tagapagsalaysay: Ngunit, hindi pa rin nagbago si Vaughn. Inaasar pa rin niya si Kelvin. Bilang resulta, narinig at nakitang muli iyon ng kanilang guro.

 

Vaughn: (Pakanta) Putol ang isang paa, naglalakad mag-isa.

 

Kelvin: (Nakayuko lang)

 

Ma’am Salazar: (Pasinghal ulit) Hindi ka pa rin pala nagbabago, Vaughn!

 

Vaughn: Sorry po, Ma’am. Nagbibiruan lang kami.

 

Kelvin: (Tumingin sa guro) Hindi po iyon totoo, Ma’am. Sa katunayan, hindi naman po kaibigan ang turing niya sa akin.

 

Ma’am Salazar: (Nakamapaywang na hinarap si Vaughn.) Sa madaling salita, huwad ang paghingi mo ng sorry noong nakaraang linggo?

 

Vaughn: (Pasinghal din na humarap kay Kelvin) Ang yabang po kasi niyan, porke’t siya ang class president!

 

Ma’am Salazar: Ah, dahil sa ganoon, kaya mo siya inaaway. E, paano ka naman niya niyayabangan?

 

Vaughn: (Mahinahon na humarap sa guro) Katulad ng paglilista ng noisy… Lagi niya po akong nililista.

 

Ma’am Salazar: (Itinatago ang pagtawa) Siya ang class president, kung kaya tungkulin niya iyon, tulad rin ng pagsasaway ko sa inyo. Gusto mo bang maging pangulo ng klase ngayon?

 

Vaughn: (Napayuko) Hindi po, Ma'am.

 

Ma’am Salazar: Sa kabila ng lahat ng ito, naunawaan na kita, subalit gusto kong makausap ang mga magulang mo bukas.

 

Vaughn: (Napaluhod) Ma’am, huwag po… Magagalit sila sa akin kapag nalaman nila ang pag-uugali ko. Kelvin, sorry na.

 

Tagapagsalaysay: Sa huli, ang desisyon pa rin ng guro ang masusunod. Inaaasahan ni Ma’am Salazar na darating ang mga magulang ni Vaugn sa Biyernes.

 

 

 

Eksena 3: Sa isang zoo, Linggo ng umaga

 

Tagapagsalaysay: Hindi pumasok sa paaralan si Vaughn noong Biyernes, kaya hindi nakausap ni Ma’am Salazar ang mga magulang niya.

Vaughn: (Voiceover) Sa Lunes, sigurado akong hindi na maaalala ni Ma’am Salazar na pinatatawag niya ang mga magulang ko. (Tumawa pa.)

Tagapagsalaysay: Kasama ngayon ni Vaughn sa pamamasyal sa zoo ang kaniyang mga magulang, kuya, at ang pangalawang kapatid niya.

Vaughn: Mommy, bakit ba palagi tayong pumupunta rito? Sawa na ako sa lugar na ito.

Mommy: Hindi ito tungkol sa lugar.

Vaughn: Tungkol po saan? Gusto kong pumunta sa ibang pasyalan, kapareho ng theme park! (Nagmamaktol, saka tinalikuran ang mga magulang.)

Tagapagsalaysay: Subalit, sinundan pa rin ni Vaughn ang pamilya habang naglalakad ang mga ito nang dalawahan. Humihinto siya nang huminto at nagkukunwaring tumitingin sa mga hayop upang iwasan ang mga ito.

Daddy: Kelvin, halika rito!

Tagapagsalaysay: Nanginig sa takot si Vaughn nang makita ang kaniyang pamilya habang kasama ang ina ni Kelvin. Ano kaya ang susunod na mangyayari?

 

 

Eksena 4: Sa isang zoo, Linggo ng umaga

 

Tagapagsalaysay Sa kabila ng pag-alog ng tuhod  ni Vaughn, at kakila-kilabot na tibok ng puso, nagawa niyang lumapit at batiin si Ginang Senia.

Ginang Senia: (Nakangiti) Kumusta ka, Vaughn?

Vaughn: (Nauutal) M-mabuti po.

Tagapagsalaysay: Nang binigyan siya ni Aling Senia ng matamis na ngiti, nakaramdam siya ng pagkaawa para kay Kelvin sa mga ginagawa niya rito.

Ginang Senia: Ito na siguro ang araw...

Mommy: Tama! (Inakbayan si Vaughn) Kelvin, tingnan mo ang paa ni Ginang Senia... Alam mo ba kung anong nangyari sa kaniya?

Vaughn: (Mas lalong kinabahan) Hindi po, Mommy.

Mommy: Anim na taon na ang nakalilipas, nang iligtas ka niya mula sa posibleng pag-atake ng buwaya na iyon. (Itinuro ang isang sampung talampakang buwaya)  Muntik ka nang mawala sa amin ng Daddy mo… Narito tayo ngayon upang magpasalamat sa kaniya... Magpasalamat ka sa kaniya.

Vaughn: (Namangha at natuwa, kaya niyakap kaagad si Ginang Senia at nagpasalamat.)

Tagapagsalaysay:  Halos maiyak siya sa kaniyang reaksiyon, ngunit walang nagtanong kung bakit.

 

Eksena 5: Sa silid-aralan

Tagapagsalaysay: Nang pumasok si Vaughn sa paaralan kinabukasan, humingi siya ng kapatawaran kay Kelvin. Pinatawad naman siya nito.

Tagapagsalaysay: Naging matalik na magkaibigan na sina Kelvin at Vaughn simula noon. Sinuportahan na rin nila ang anti-bullying campaign sa kanilang silid-aralan at kalaunan sa campus ng paaralan.

 

 

Hari ng Sinungaling (Dula)

Mga Tauhan:

    *Kuling – madalas ireklamo sa barangay dahil sa pagsisinungaling

    *Kapitan Tano – kapitan del baryo, na parang robot kung magsalita

    *Lolo Tino – pinakamatanda sa baryo, na palaging inuubo

    *Aling Canda – nanay ni Kuling

    *Aling Bening – laging malakas ang boses

    *Mang Sandro – mahinahong magsalita, kahit galit

    *Mang Kardo --utal-utal kung magsalita

    *Aling Laleng – matigas kung magsalita

    *Aling Mayang – laging paos

    *Mang Bingbong – panay ang kamot sa pusod habang nagsasalita

    *mga barangay tanod

    * 2 lalaking nakasakay sa motorsiklo

    *Tagapagsalaysay

 

Tagpuan: sa isang baryo

 

 

Cartoon person walking on a dirt road

Description automatically generatedEksena 1: sa loob ng barangay hall

 

Tagapagsalaysay: Sa malayong baryo ng bayan ng San Ildefonso, si Kuling ay usap-usapan ng mga tao. Lagi siyang inirereklamo kay Kapitan Tano.

 

Lolo Tino: Magandang umaga, Kapitan Tano!

 

Kapitan Tano: Maupo po kayo. Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?

 

Lolo Tino: Si Kuling, pinaniwala ang aking apo. Sabi niya, nahulog daw sa putikan ang aking pustiso.

 

Kapitan Tano: (Natatawa) Palabiro lang po talaga si Kuling, Lolo Tino.

 

Lolo Tino: Hindi naman kasi totoo. Ubod siya ng sinungaling, Kapitan Tano. Ang totoo, nahulog ang pustiso ko sa koral ng mga pato.

 

Kapitan Tano: (Lalong natawa)

 

Mga barangay tanod: (Nakitawa rin)

 

Kapitan Tano: Hayaan niyo po, Lolo Tino, pagsasabihan ko po si Kuling, na hari ng sinungaling.

 

Lolo Tino: Salamat po!

 

Kapitan Tano: Walang anoman po! Basta ako ang kapitan ninyo, lahat ng problema at reklamo ay aayusin ko.

 

Mga barangay tanod: (Nagpalakpakan)

 

Kapitan Tano: Halika kayo, maglilibot tayo.

 

 

 

Eksena 2: sa labas ng barangay hall. umaga

 

Tagapagsalaysay: Paglabas na paglabas pa lang nina Kapitan Tano, sinalubong na sila ng mga galit na galit na tao.

 

Aling Bening: (Malakas ang boses) Kapitan Tano, hindi na namin mapapalampas si Kuling.

 

Aling Canda: (Galit) Oo nga po, Kapitan Tano. Sobra na siya! Napakasinungaling niya talaga!

 

Tagapagsalaysay: Sumang-ayon ang iba. Nagsisigawan pa sila.

 

Mga Nagrereklamo: Ikulong niyo na siya! Ikulong niyo na siya!

 

Kapitan Tano: Teka! Teka, mga kabarangay ko! Basta ako ang kapitan ninyo, lahat ng problema at reklamo ay aayusin ko. Halikayo sa opisina ko... Makikinig ako sa mga hinaing ninyo. Madaraan sa hinahon ang lahat ng ito.

 

 

 

Eksena 3: sa loob ng barangay hall. umaga

 

Tagapagsalaysay: Nang nasa loob na ang mga nagrereklamo, iniisa-isang pinakinggan ni Kapitan Tano ang mga sumbong ng mga ito.

 

Mang Sandro: (Mahinahon) Ang anak kong si Nono, takot na takot po sa nuno. Sabi kasi ni Kuling, may duwende raw siyang nakita sa punso, sa may tabi ng puno.

 

Mang Kardo: (Utal-utal) Napalo ko si Luisito kasi nakita raw ni Kuling na kumikendeng. Sabi ni Luisito, hindi naman totoo.

 

Aling Laleng: (Matigas ang boses) Hindi raw ako nagbabayad ng utang kay Aling Conching, sabi ni Kuling. Tsismoso siya at napakasinungaling!

 

Aling Mayang: (Paos, pero galit) Nililigawan niya ang aking anak na si Cora. Nangako siya nang nangako. Kilig na kilig naman itong dalaga ko. Sabi niya, magtratrabaho raw siya sa Maynila para daw sa kinabukasan nila, pero nasaan siya? Hayun, sa inuman! Kung hindi nasa inuman, nasa bingohan.

 

Aling Bening: (Panay ang ngiwi) Kahapon naman, daing siya nang daing. Nanghingi sa akin ng dahon ng bayabas. May sugat raw siya, kaya maglalanggas. Kako, kumuha ka na riyan, Kuling. Alam niyo po ba ang ginawa niya? Inani ang mga bunga. Wala halos tinira.

 

Mang Bingbong: (Galit na galit) Kanina, nakasalubong ko siya. Tinanong ko kung may nakita siyang baka. Aniya, patungo raw sa iraya, kaya sinundan ko ang nakawala kong alaga. Pero, hindi ko nakita. Pagbalik ko, nandoon lang pala. Buwisit siya talaga! Napakasinungaling niya! (Panay ang kamot sa pusod habang nagsasalita)

 

Aling Canda: (Mangiyak-ngiyak) Hindi ko na kaya ang pagsisinungaling niya. Kahit anak ko siya, gusto kong maparusahan na siya. Kapitan Tano, sobra na! Sabi niya, pumasok siya sa eskuwela. Iyon pala, nasa inuman o bingohan siya.

 

Mga nagrereklamo: (Pasigaw) Ikulong niyo na siya! Ikulong niyo na siya!

 

Kapitan Tano: Teka! Teka, mga kabarangay ko! Basta ako ang kapitan ninyo, lahat ng problema at reklamo ay aayusin ko. Hindi ako basta-basta nagpapakulong ng kabarangay ko hanggang hindi ko napapakinggan ang panig niya.

 

Aling Canda: Sige po, Kapitan Tano. Aasahan namin ang tulong ninyo. Gusto kong maparusahan siya para siya ay madala at hindi na magsinungaling.

 

Tagapagsalaysay: Nangako si Kapitan Tano na gagawin ang lahat para si Kuling ay mapatino.

 

 

Eksena 4: sa loob ng barangay hall. umaga

 

Tagapagsalaysay: Isang araw, nakausap ni Kapitan Tano si Kuling.

 

Kapitan Tano: (Nakangiti nang pilit) Hindi naman siguro lingid sa iyo, ang mga reklamo ng mga kapitbahay mo.

 

Kuling: (Ngumiti muna) Hindi ko po alam na may nagrereklamo. Sino-sino po?

 

Kapitan Tano: Palabiro ka talaga, Kuling. (Napangiti nang tunay) Marami silang nagrereklamo. Kung iisa-isahin ko, baka abutan tayo ng Pasko. Alam kong alam mo kung ano-ano ang mga ginawa mo at sinabi mo. Hindi ka naman tsismoso, tama ba ako?

 

Kuling: Opo, tama po kayo.

 

Kapitan Tano: (Seryoso) Kung gayon, kailan ka magbabago?

 

Kuling: Magbabago? Bakit po? Ayaw niyo po bang sinasabi ko ang totoo? Ayaw niyo po ba ng mapagbiro? Makukulong po ba ako dahil sa mga ginawa ko?

 

Kapitan Tano: (Naiinis na) Ikaw pa ang maraming tanong, iho! Ang gusto ko, ng nanay mo, at ng mga kapitbahay mo ay iyong pagbabago. Aasa na ako. Sige na, Kuling, umuwi ka na at pag-isipan mo ang aking hiling.

 

Tagapagsalaysay: Tahimik na lumabas si Kuling, pagkatapos wala sa loob na naglakad siya nang naglakad. Hindi niya napansin ang mga bulong-bulungan ng mga kabarangay niya.

 

 

Eksena 5: sa tabi ng kalsada. umaga

 

Tagapagsalaysay: Naglakad siya nang naglakad hanggang makarating siya ilalim ng mayabong na puno sa tabi ng kalsada. Doon, si Kuling ay huminto. Hindi nagtagal, may dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang huminto.

 

Lalaki 1: (Nagtanggal muna ng helmet) Kilala mo ba ang taong ito?

 

Kuling: (Tiningnan ang nasa litrato)

 

Tagapagsalaysay:  Namukhaan ni Kuling si Kapitan Tano.

 

Kuling: Bakit po?

 

Lalaki 2: May kailangan kami sa kaniya.

 

Tagapagsalaysay: Napansin ni Kuling na armado ang mga ito.

 

Kuling: Maliit lang ang baryong ito, kaya kilala kong lahat ang mga tao, pero hindi ko kilala ang hinahanap ninyo.

 

Lalaki 1: Ah, ganoon ba? Sige!

 

Lalaki 2: Mali ang binigay na impormasyon.

 

Tagapagsalaysay: Bago pa nakaalis ang dalawa, si Kuling ay may naisip na ideya.

 

Kuling: Maaari ko kayong tulungan. Iwanan ninyo ako ng larawan at numerong matatawagan.

 

Lalaki 1: Sige, sige, tama nga iyan! (Binigay kay Kuling ang larawan)

 

Lalaki 2: May numerong nakasulat sa likod niyan. Aasahan namin iyan.

 

Kuling: Sige.

 

Tagapagsalaysay: Mabilis na bumalik si Kuling kay Kapitan Tano upang ipakita ang litrato. Sinabi niya rin ang mga hitsura ng mga lalaki.

 

 

Eksena 6: sa loob ng barangay hall. umaga

 

Kapitan Tano: (Nanginginig ang boses) Diyos ko! Diyos ko! Salamat sa iyo, Kuling! Niligtas mo ako.

 

Kuling: Bakit po?

 

Kapitan Tano: Ang numerong ito ang gamit ng taong tumatawag sa akin at nagbabantang papatayin ako.

 

Kuling: Diyos ko, salamat po, dahil sinungaling ako!

 

Kapitan Tano: (Natawa) Binabati kita, Kuling. Ikaw nga ang hari ng sinungaling!

 

Tagapagsalaysay: Dahil sa nangyari, nagbago na ang pagtingin ng mga kababaryo ni Kuling sa kaniya. Hindi na siya inirereklamo, kahit ng mga magulang niya. Isa na rin siya sa mga barangay tanod. Binabantayan niya ang kanilang barangay at pinoprotektahan ang buhay ni Kapitan Tano. 

 

 

 

Ang Huling Pagsubok (Dula)

 

Mga Tauhan:

·        Maestro Kalabaw

·        Ibon

·        Palaka

·        Unggoy

·        Isda

 

Tagpuan: Sa parang; paanan ng bundok; at sa gubat

 

Eksena 1: Ang Pulong sa Parang

Unggoy: Maestro, hindi po ako ang may kasalanan.

Ibon: Ikaw nga ang madalas mandaya sa mga laro natin! (bunghalit)

Palaka: Ikaw naman, tumatakas kapag natataya.

Isda: (Nagtatampo) Kayo nga, palagi ninyo akong binuburot.

Maestro Kalabaw: Tama na! Tama na! Dapat magkasundo-sundo na kayo ngayon.

(Lalong lumakas ang sisihan ng apat. Ayaw nilang magbati-bati.)

Maestro Kalabaw: Sige! Kung ayaw ninyong magkasundo at magbati, idadaan natin sa karera ang lahat!

(Sumang-ayon naman sina Ibon, Palaka, Unggoy, at Isda.)

Maestro Kalabaw: May apat na pagsubok kayong pagdaraanan. Ang una ay paglangoy.

 

Eksena 2: Ang Paligsahan ng Paglangoy sa Lawa

Maestro Kalabaw: Mula rito, lalangoy kayo patungo sa kabila. Sa aking hudyat, magsisimula kayong lumangoy.

(Tuwang-tuwang sina Isda at Palaka. Hindi naman masyadong masaya sina Ibon at Unggoy.)

Maestro Kalabaw: Isa, dalawa, tatlo... Langoy!

(Mabilis na nakalayo sina Isda at Palaka mula sa pampang. Si Unggoy naman ay nahirapan. Samantala, si Ibon ay hindi halos makalayo kahit isinagwan na niya ang pakpak.)

Maestro Kalabaw: Pinakamatulin si Isda! Ikalawang pagsubok ay pag-akyat."

 

Eksena 3: Ang Paligsahan ng Pag-akyat sa Puno ng Acacia

Maestro Kalabaw: Mula rito, aakyat kayo patungo sa tuktok. Sa aking hudyat, magsisimula kayong umakyat.

(Tuwang-tuwang si Unggoy. Natulala si Palaka. Napangisi si Ibon. Napakamot naman ng ulo si Isda.)

Maestro Kalabaw: Isa, dalawa, tatlo... Akyat!

(Lumipas ang ilang sandali…)

Maestro Kalabaw: Napakabilis ni Unggoy! Ikatlong pagsubok ay pagtalon.

 

Eksena 4: Ang Paligsahan ng Pagtalon sa Gitna ng Parang

Maestro Kalabaw: Mula rito, tatalon kayo patungo roon sa puno. Sa aking hudyat, magsisimula kayong tumalon.

(Tuwang-tuwang si Palaka, gayundin si Unggoy. Nalungkot naman si Ibon. Samantala, gusto nang umayaw ni Isda.)

Maestro Kalabaw: Isa, dalawa, tatlo... Talon!

(Parang kidlat na tumalon si Palaka. Nakasunod naman sina Ibon at Unggoy. Samantala, si Isda ay kung saan-saan napupunta.)

Maestro Kalabaw: Ang galing-galing ni Palaka! Ikaapat na pagsubok ay paglipad.

 

Eksena 5: Bago ang Paligsahan ng Paglipad

(Naipagaspas ni Ibon ang kaniyang mga pakpak. Napatingin tuloy sina Palaka, Isda, at Unggoy.)

Unggoy: Maestro Kalabaw, hindi naman po maaaring ilaban mo kami kay Ibon. Matatalo kami.

Isda: Kaya nga po... Paano naman po ako makalilipad? Hindi nga po ako makaakyat at makalangoy, e.

Palaka: Lalo naman ako.

Maestro Kalabaw: Mahusay si Isda sa paglangoy. Magaling si Unggoy sa pag-akyat. Kamangha-mangha naman si Palaka sa pagtalon. At sanay na sanay si Ibon sa paglipad. Tiyak ako, si Ibon ang mangunguna sa huling pagsubok.

Unggoy: Kaya wala pong idedeklarang panalo. Tig-iisa lang po kami ng panalo pagkatapos ng mga pagsubok.

Isda: Ibang pagsubok na lang po, Maestro Kalabw.

Palaka: Puwede naman po ang paglakad.

Maestro Kalabaw: Makinig kayo... Hindi ito paligsahan, kundi pagsubok. Wala pang nanalo sa inyo sa tatlong pagsubok.

(Nagtataka at nagtinginan sina Ibon, Palaka, Unggoy, at Isda.)

Maestro Kalabaw: Sige, bibigyan ko kayo ng sapat na oras para pag-isipan at paghandaan ang huling pagsubok. Mag-aabang ako sa gubat. Pumunta na lamang kayo roon kapag handang-handa na kayo.

 

Eksena 6: Ang Pagpaplano sa Paligsahan ng Paglipad

(Bumalik sina Ibon, Palaka, Unggoy, at Isda sa may lawa. Tahimik silang nag-isip doon ng paraan kung paano magwawagi sa huling pagsubok ni Maestro Kalabaw.)

(Malungkot sina Isda, Palaka, at Unggoy. Awang-awa naman si Ibon sa tatlo.)

 

Eksena 7: Ang Paghihintay ni Maestro Kalabaw sa Gubat

(Halos mawalan na ng pag-asa si Maestro Kalabaw na makita ang apat sa huling pagsubok.)

(Maya-maya, natanaw na niya sa himpapawid ang apat. Nakakapit si Unggoy sa mga paa ni Ibon. Hawak-hawak naman ng mga paa nito ang kalahating bao, na may tubig. Naroon sina Palaka at Isda.)

Maestro Kalabaw: (Tuwang-tuwa) Binabati ko kayo! Nagwagi kayong apat sa huling pagsubok!

Ibon, Palaka, Unggoy, at Isda: (Sabay-sabay) Salamat po, Maestro Kalabaw!

Maestro Kalabaw: Sigurado akong palagi na kayong magkakasundo.

Ibon, Palaka, Unggoy, at Isda: (Sabay-sabay) Opo!

Maestro Kalabaw: Tiyak akong marami kayong natutuhan sa mga pagsubok.

Ibon, Palaka, Unggoy, at Isda: (Sabay-sabay) Totoo po iyon!

Maestro Kalabaw: O, sige, tara na! Sakay na kayo sa likod ko. Ipapasyal ko kayo sa talon.

(Masayang-masayang nagtungo ang lima sa nakatagong talon sa gubat.)

 

Ang Aking Journal -- Disyembre 2024

Disyembre 1, 2024

Parang hindi ako nakatulog nang maayos—hindi dahil sa excitement, kundi dahil sa lamig. Malamig na sa madaling araw. Kaya past 6, gising na ako. Past seven naman ako bumangon para sana magkape. Pero sinimulan ko na agad ang pamamalantsa at pag-eempake. Nang matapos, saka lang ako nag-almusal. Past 8 na iyon.

 

Quarter to 2, nakatapos ako ng isang aralin para sa book project na sinalihan ko. Official na ang akong kasapi kasi nag-send ng file si Ma’am Cristina kung saan naroon ang mga pangalan ng bawat writers sa bawat grade at quarter. Qaurter 4 ng Filipino 6 ang isusulat ko.

 

Pitong aralin na lang ang susulatin ko. Sana makapagpasa agad ako. Pagbalik ko mula sa Puerto Princesa, ito ang haharapin ko. Bahala na ang journalism training. Pera muna, bago iba. Hindi naman sila dedicated masyado. Nakakasama lang ng loob.

 

 

 

 

Pagkatapos kong magkape, nag-workout ako. Ilang araw ko ring mami-miss ito.

 

Naghanda na ako sa pag-alis. Maaga akong nagsaing. Kaya, wala pang 6 pm, nakabihis na ako't nakapaghapunan. Umalis na agad ako sa bahay.

 

Sobrang inis ko habang nasa bus. Sobrang traffic! Nag-shortcut na nga, natrapik din. Mabuti, nakahabol pa ako sa UBe Express sa PITX, na patungong Terminal 3. Last trip na raw iyon, sabi ng ladyguard.

 

Eight-thirty, nasa airport na ako. Matagal pa naman, pero masaya na ako kasi hindi na ako mangangambang ma-late. Ang paghihintay lang ang nakakabagot. At lalong humaba ang paghihintay ko nang ma-delay ang flight. Ala-una na naka-take off ang plane.

 

 

 

Disyembre 2, 2024

Alas-dos lang nang mag-landing ang plane na sinakyan ko patungong Puerto Princesa, Palawan. Almost one hour lang. Sayang! Hindi ako masyadong nakatulog sa eroplano. Bukod sa maingay-- kaya masakit sa tainga, panay pa ang bukas-sara ng ilaw at announce ng piloto o crew. Haist!

 

Hindi rin ako agad inantok habang naghihintay ng pagsikat ng araw. Bukod sa maiingay ang mga pasaherong paluwas ng Pasay, hindi rin ako komportable sa nakaupong pagtulog. Gayunpaman, nakaidlip ako ng ilang oras-- pinagsama-samang minuto, kahit paano.

 

Bago mag-6, naglakad ako palabas sa airport premise, patungo sa highway. Nagbigay ng apat na paraan ang isang winner sa GC namin para mas madali naming mahanap ang CityState Asturias Hotel. Pinili ko ang paraan kung alin ang makatitipid ako.

 

Matagal-tagal kong pinag-aralan ang pagdaan ng mga multicab. May ilang tricycle drivers ding nag-alok na ihatod ako, pero dahil alam kong tatagain ako sa pamasahe, na aabot ng P150 hanggang P200, hindi ako kumagat.

 

At sa wakas, nakasakay ako sa multicab na may kaunting pasahero sa loob. Hindi masyadong hassle ang pagsakay ko, since may maleta ako.

 

Nagulat ako kasi P13 lang ang pamasahe. Ibig sabihin, malapit lang sa airport ang hotel. Okey na nga sa P15, na sinabi ng ka-winner ko, may sukli pa akong dos.

 

Ibinaba ako ng drayber sa Asturias mismo. Nagagalak akong makita ang lugar, na pagdadausan ng awarding rites. Natutuwa ako kasi bumungad agad sa akin ang malaking welcome banner.

 

Hindi muna ako pumasok sa hotel, bagkus ay nag-almusal muna ako sa malapit na Chinese fastfood restaurant. Kailangan ko ng heavy meal kasi lunch pa ang unang meal na ihahain ng hotel para sa amin.

 

Doon, nakita at binati ko si Masayahing Guro. Hindi siya suplado. Nilapitan niya pa nga ako at tinanong kung sa GTA rin ako. Then, habang kumakain na ako, nilapitan niya ulit ako para ibigay ang dalawang stickers na gawa niya. Isang "Titser." Isang "Masayahing Guro." Grabe! Hindi ko inaasahan iyon. Bukas na ako magpapa-picture sa kaniya.

 

Mga nine am, nasa venue na ako. Overwhelming ang paghahanda ng host region. Nakaka-excite! Approchable at accommodating pa ang mga gurong Palawenyo, na tumatayo bilang reception committee.

 

Habang naghihintay  nagsulat na lang ako. Ipinagpatuloy ko ang kuwentong nasimulan ko noong isang araw. Nagsulat din ako journal. Siyempre, naglibot-libot ako sa hotel. Tumingin-tingin din ako ng mga souvenirs items doon. Pricey ang mga iyon, kaya hindi muna ako bumili.

 

Excited naman akong mabuklat ang mga storybooks na naka-exhibit sa ibaba. Hindi muna ako humawak kasi kasalukuyang inaayos pa. Sa tingin ko, mai-inspire ako nang sobra sa makikita  o mababasa ko.

 

Wala pang 12 noon, nag-lunch na kami. Ako ang nauna sa pila. Nasa likod ko lang kasi ang buffet table.

 

Past 2, nakita ko sa venue hall sina Dr. Luis Gatmaitan at Beth Parocha. Si Dr. Gatmaitan sy award-winning author. Ang huli naman ay mahusay na illustrator. Siya ang artist ng print sa  canvas bag na nabili ko sa book fair, at gamit-gamit ko ngayon. Natuwa nga siya nang makita ang bag ko.

 

Ang bilis ng oras. Hindi pa nga ako mabigyan nh room assignmet at keycard, nagtatawag nang pumunta sa Balayong Park para sa "The Alab Ceremony." Na-stress ako sa kakatanong ko kung anong room ako. Nagpabalik-balik ako sa isang gurong Palawenya para maayos. Mabuti, naayos naman.

 

Nang mabigyan ako ng room, dali-dali akong naligo at nagbihis. Nakasabay ako sa service patungo sa venue. Pero pagdating doon, kakaunti pa lang ang tao. Kaya bumalik ako sa hotel. Nasa akin ang keycard. Naalala ko ang mga taga-Valenzuela na kasamahan ko. Naisip kong baka hanapin nila ako.

 

Pagdating sa hotel, ipinagtanong ko sa Registration kung nag-register na. Aniya, hindi pa raw kaya bumalik ako sa park. Marami na akong na-miss na bahagi ng programme.

 

Gayunpaman, na-enjoy ko ang mga naabutan kong bahagi ng programa, lalo na ang mga kuwento sa likod ng kuwento.

 

Noon ko rin napagtanto, na ang mga nagkuwento ay mga first place winners. Napatunayan ko kasi ang isa roon ay nakatabi ko sa service habang pauwi kami. Nagkuwento uli siya sa mga kasabay namin. Category 3 Grade 2 rin ang napanalunan niya. It means, pareho kami. Sa madaling sabi, siya ang nanalo. Nalungkot ako, pero tanggap ko naman agad. Panalo na ako kahit hindi first place.

 

Nag-approach sa akin ang LR EPS ng Valenzuela. Inihabilin ako ni Ma'am Mina sa kaniya. Ipinakilala niya ako sa mga winning teachers niya. At nakisalo ako sa kanila ng hapunan. Nakipagkuwentuhan ako sa kanila hanggang 8:30.

 

 

 

 

 

Disyembre 3, 2024

Alas-sais ako nagising. Sinubukan kong matulog uli, pero nabigo ako. Bumangon ako after 15 minutes. Inihanda ko ang sarili ko para sa Day 2 ng GTA2024 Recognition Rites. Nauna akong naligo at nagbihis. Seven-thirty pa naman ang start ng program.

 

Almost eight na kami nakapunta sa venue hall kasi matagal maligo si Sir Jimmy. Pero okey lang naman kasi hindi pa nagsimula ang palatuntunan. Nakapag-almusal pa kami.

 

Overwhelming, inspiring, heartwarming, at educational ang programa. Ang huhusay ng mga performances ng performing art group ng Palawan. Panalong-panalo na ako sa mga natunghayan ko. Nakaka-proud na naging bahagi ako ng ganitong event. Kudos sa MIMAROPA Region, lalong-lalo na sa SDO Puerto Princesa City! Ang husay nilang host.

 

Past 10, naganap ang opening ng Book Exhibit at Book Walk. Dumalo ako. Nakakamangha ang naaning storybooks. Hindi ko man kinayang basahin at piktyuran ang lahat ng books na naka-display, may ilan naman akong binasa, ini-scan, binidyuhan, at piniktyuran.

 

After lunch, bumalik kami sa room namin para magpahinga. Sinubukan kong umidlip, pero hindi na naman ako nakatulog. At past 3, bumangon ako at nagbihis uli. Same outfit. Nanood ako ng open mic storytelling contest (Category 4B). Magagaling ang mga gurong kalahok, kaya lang ay hindi halos nila natapos ang pagkukuwento dahil may time. Gayunpaman, makikita na agad ang kahusayan nila, gayundin kung sino-sino ang umangat at may pambihirang kakayahan sa masining na pagkukuwento.

 

Hindi ko natapos ang panonood sa site kasi wala nang upuan. Pumunta na lang ako sa main hall para magmeryenda. At dahil naka-Live ang contest, nanood ako habang kumakain.

 

Pagkatapos magmeryenda nang mag-isa, bumalik ako sa Book Exhibit area. Wala na halos tao, kaya malaya na akong magbasa ng books. Actually, dalawa lang ang nabasa ko. Mas marami naman akong napiktyuran. Sapat na siguro ang mga iyon para may maibahagi ako kina Ma'am Joann.

 

Past 5, bumalik ako sa kuwarto. Nagkuwentuhan kami ni Sir Alvin. Marami siyang naibahagi sa akin. Meron din akong ibinahagi. Isa sa mga nakaagaw ng atensiyon ko ay ang pagbabahagi niya tungkol sa dalawang entries niya ang nanalo. Ang galing ng batang isinali niya. Four out two ay nanalo.

 

Before 7, nag-dinner na kami. Kasalo uli namin ng LR EPS ng Valenzuela. Past 8 na kami bumalik sa room. Sinikap kong makatulog nang maaga. Mabuti, nagpatay na ng ilaw. At hindi na humilik si Sir Sir Alvin. Si Sir Jimmy naman ang humilik sa madaling araw.

 

 

 

 

Disyembre 4, 2024

Kahit paano ay nakatulog ako nang maayos at mahaba-haba. Twice nga lang ako bumangon sa madaling araw para umihi. At past 7 na bumangon kasi gising na si Sir Alvin para maligo.

 

Past 8 na kami nakapunta sa venue hall para mag-almusal at para dumalo sa Day 3-Part 1.

 

Ang gagaling ng mga ethic dancers! Nakakabilib ang inihanda nilang mga sayaw. Nag-goosebumps ako. Iba talaga ang mga Palaweño.

 

Grabeng husay din ang ipinamalas ng tatlong finalist sa onsite storytelling contest. Walang itulak-kabigin sa kanila. Worth it ang panonood ko. Andami kong nakuhang ideya sa pagkukuwento.

 

Before 10:30, tapos na ang Part 1. After lunch, magaganap na ang Part 2. Kinakabahan na ako. Nais kong malaman kung sino ang hihiranging winner sa Category 3-Grade 2.

 

Past 2 na ng Day 3! Bongga ang opening. Nakakataba ng puso ang pagkilala sa mga winners. Sa processional pa lang, ramdam ko na ang pagpapahalaga. May mga bonus pang makabuluhan, matatamis, at nakaka-inspire na mga mensahe, gayundin ang mga mahusay na performances.

 

Pambihira ang first time. National awardee na ako. Matagal ko nang inasam ito at ngayong nagbunga na at nakahakbang na ako, itutuloy-tuloy ko na.

 

Makakatuwa lang kasi dummy lang pala ang trophy na iginawad sa akin sa awarding. Nadala ko sa table namin. Napiktyuran nila ako roon bago bawiin. Nahulog ang excitement ko.

 

At medyo nalungkot ako nang hindi ako ang winner. Mabuti ang Category 6-Maka-Diyos ng Valenzuela, winner!

 

Pero naisip ko, panalong-panalo na ako. Ang makasama ako sa grandeur event na ito ay isa nang napakalaking karangalan.

 

Next year, Bohol na ang host division. Hindi pa ako nakarating doon. Nasa bucket list pa lang ito. Pero kung paghuhusayan ko pa sa GTA, makakarating ako roon nang libre. Excited na ako.

 

Ten na natapos ang awarding ceremony. Masaya ako paglabas ko sa bulwagan, kahit hindi pa binigay ang trophy, cash prize, at certificate. Sapat na muna ang karanasan, kaalaman, at inspirasyong maiuuwi ko pabalik sa Pasay.

 

Nagyayang mag-bar ang SDS ng Valenzuela na si Sir Noel. Natutuwa marahil siya dahil sa apat na finalist, may dalawang winners. First sa Category 6-Maka-Diyos at second sa Category 1. 

 

Sa J One niya kami dinala. Nasa private KTV room kami. Apat na bucket ng San Mig Apple ang ininom namin. Andaming pulutan niyang inorder. Halos hindi nga namin naubos. Past na kami natapos. Sakto lang ang pagkalasing ko. Nakaapat na bote yata ako.

 

Salamat sa generosity ng SDS dahil naranasan ko iyon. Hindi ako n

You sent

Salamat sa generosity ng SDS dahil naranasan ko iyon. Hindi ako nag-isa sa hotel room. Isinali nila ako sa kanilang victory party. At hindi nila ipinaramdam sa akin na iba ako. Nakakuwentuhan ko pa nga si Sir Nat, ang winning illustrator ng "Ang Tabo ni Tonyo."

 

 

 

Disyembre 5, 2024

Kulang man sa tulog, pero kailangan ko nang bumangon para maligo, mag-almusal, at mag-empake.

 

Past 8, magkasama kami ni Sir Alvin na mag-almusal sa venue hall. Hindi kaagad kami nakakain kasi nagsimula na ang comsultative meeting. Ang haba ng preliminaries. Lumamig na ang kape ko.

 

Pagkatapos ng prelims, open forum na. Hindi na kami nag-stay nang matagal room. Mga past 9, nakabalik na kami sa room. Agad akong nag-empake. Past 10, ready na ako.

 

Twelve ang checkout namin sa hotel. Manananghalian muna kami bago mag-city tour. Isinama ako ng mga ka-roommates ko. Nakakatuwa! Nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan. Sana magkita-kita uli kami sa GTA2025.

 

Bago ang city tour, nag-lunch muna kami sa pinakamalapit na pambatang fast-food chain. Mga past 1:30 na kami nasundo ng aming tour guide. Joiners lang kami. May kasama pa kaming 6 pax.

 

Una naming pinuntahan ang Binuatan Creations.    Souvenir shop ito at weaving center. Hindi ako bumili ng kahit ano.

 

Malapit lang doon ang Butterfly Garden at ang Tribal Village. Na-enjoy ko iyon kahit paano. Nakahawak na ako ng scorpion at stick insect. Noong una kong punta roon, hindi talaga ako humawak.

 

Doon na ako bumili ng ref magnets. Worth P80 ang isa. Magaganda, kaya mahal.

 

Sunod ay Mitra Ranch. Nakita namin roon si Sir Nat at ang misis niya. Nag-picture-picture lang kami. Saka pumunta na kami sa Baker's Hill. Nakarating na rin ako rito dati, pero first time kong bibili ng hopia. Eleven boxes ng hopia ang binili ko. Worth P1,000 plus lahat. Whew! Parang required kasi magbigay ng pasalubong per grade level.

 

May isa pang souvenir shop kaming pinuntahan bago pumunta sa Baywalk. Hindi ko inaalam ang name niyon. Basta nakabili lang ako ng rain maker. Para sa akin iyon. Nakakawala kasi ng stress kapag pinatutunog ko iyon.

 

Next stop is Plaza Cuartel. Under renovation ito, kaya mabilis lang kami roon. Nag-picture lang din kami Immaculate Concepcion Church.

 

Past 6, nasa airport na kami. Mabilis lang lumipas ang oras. Pero nine na nakalipad ang plane na sinakyan ko. One hour ang biyahe, kaya past 10 na nakalapag sa Terminal 3.

 

Gusto ko sanang mag-commute na lamang patungong PITX, pero hindi ko alam kung saan ako sasakay. Naghanap ako, pero wala akong makita. Natagalan at nahirapan lang ako sa kakahila ng maleta ko. Sa halip, nag-metered taxi ako.

 

Two hundred fifty plus ang metro hanggang PITX, pero dahil mabait naman ang matanda at payat na driver, hindi na ako nanghingi ng sukli. Ang sarap nga ng ngiti niya. Binati pa niya ako ng ‘Merry Christmas!”

 

Past 1:30 am na ako nakauwi. Uminom lang ako ng First Vita Plus, then natulog na ako.

 

 

 

 

Disyembre 6, 2024

Nagulat ako nang magising akong bandang 6 am. Nag-set kasi ako ng alarm—3:30. Hindi ko narinig o hindi nag-ring. Hayun, absent ako. Okey lang naman kasi sobrang pagod at puyat ko talaga. Kung nagising ako ng 3:30, kulang-kulang 2 hours lang ang tulog ko. Baka mapahamak pa ako sa biyahe, kaya tinanggap ko na. Marami pa naman akong service credit. At least, makapagpapahinga ako bago ako pumasok bukas.

 

Natulog uli ako, pag-alis ni Emily. At nine-thirty na ako nagising.

 

Habang nagkakape, nagsulat ako ng pang-caption ko sa post ko. Ang screen capture ng awarding ang ipo-post ko. Nasa entablado ako habang hawak ang dummy trophy.

 

Heto ang post ko:

 

Ang pagtanggap ko ng parangal na ito ay hindi lang tungkol sa kahusayan sa pagsulat.

 

Lubos akong nagpapasalamat sa ating Panginoon, na Siyang nagbigay ng kakayahan kong humabi ng kuwentong pambata.

 

Isang mataas na pagkilala rin sa SDO-Pasay na tumanggap sa akin bilang guro, at patuloy na nagbibigay ng oportunidad upang ipamalas ko ang aking talento.

 

Nais kong bigyang-pugay ang Gotamco Elementary School, na naging tahanan ko na nang 14 na taon, at naging hagdan ko upang maitaguyod ko ang adbokasiya ko sa pagkakaroon ng 'love for reading' at pagmamahal sa panitikang Pilipino ng mga mag-aaral.

 

Sa aking mga kaguro, na tumulong at sumuporta, maraming salamat sa inyo! Special mention sa aking Tupa group, Ma'am Venus sa pag-asikaso ng plane tickets ko, at siyempre kay Ma'am Joann. Thank you, hindi lang dahil sa sponsorship ng modern Barong na suot ko sa Gawad, kundi sa pagiging kapatid sa larangan ng pagsulat. Simula noon hanggang ngayon sinasamahan mo ako sa paglalakbay patungo sa makulay at mahiwagang daigdig ng panitikan. Padayon lang tayo! Salamat din, Ma'am Fatima, sa iyong generosity at pakiki-celebrate sa aking munting tagumpay.

 

Ang parangal na ito ay inaalay ko sa aking pamilya. Salamat sa inyong suporta at inspirasyon. Sa aking tatlong anak, hindi ko hangad na sundan ninyo ang aking yapak. Nais ko lang na maibigan ninyo ang mga kuwento ng buhay ko na nagiging kuwento na ng lahat.

 

Sa aking pinakamasugid na tagahanga-- ang aking ina, salamat sa inspirasyon! Hindi mo man nababasa ang aking mga akda, pero kasali ka sa aking pagsulat. Ikaw ang aking co-author ng travelogue ko.

 

Sa mga bago kong kaibigan-- Sir Alvin, Sir Jimmy, at Ma'am Allen, salamat sa inyo! Hindi ko naramdaman ang lungkot ng pag-iisa sa apat na araw at tatlong gabi ng GTA2024. Salamat sa pakikibahagi sa momentous event na iyon. Kita-kits uli sa Bohol. Salamat din sa LRMS EPS at SDS ng Valenzuela City dahil sa kanilang pagsama sa akin sa entablado upang tanggapin ang karangalan.

 

Kay Dr. Normina Benito Hadji Yunnos, maraming salamat sa pagtitiwala. Bago pa nabuo ang Gawad Teodora Alonso, pinagkakatiwalaan mo na ang kakayahan ko. At heto nga, nagbunga na.  Thank you dahil isinusulong mo àng ganitong gawain. Nawa ang tagumpay na ito ay sumibol pa at mamunga ng mas maraming guro at kabataang tagapaglikha ng kuwento. Kudos!

 

At hindi ko dapat kalimutan ang mga estudyante o kabataang pinag-uukulan ko ng bawat akdang isinusulat ko. Maraming salamat sa inyong lahat! Kayo ang tunay na nagwagi. Kayo ang dahilan ng aking pagsikhay na makasulat ng mga de-kalidad na akda at kuwento. Sana magkaroon kayo ng pagmamahal sa pagbabasa. Samahan ninyo akong isulong ang panitikang Pilipino.

 

Ang tagumpay na ito ay hindi lang tungkol sa tropeo, kundi tungkol sa magagandang realisasyon, kaalaman, at karanasan, na muling magiging kuwento-- magiging tunay na kuwento na isusulat ko sa aking puso.

 

--

 

Marami ang nag-congratulate sa akin. Pinasasalamatan ko kaagad sila. Ayaw ko sanang mag-brag ng achievement, pero kailangan kong maipahayag ang aking pasasalamat, karanasan, at saloobin sa naganap na awarding. May mga dapat silang malaman at mapagtanto. Nais ko ring makapagbigay ng inspirasyon sa karamihan. Malaking tulong ito para maisulong ko ang aking advocacy.

 

Wala pa ako sa mood gumawa o humarap sa laptop. Halos maghapon akong nahiga at natulog kahit mainit ang panahon. Kahit paano ay Nabawi ko ang ilang araw na pagod at puyat.

 

Pagkatapos magmeryenda, saka ako nagbukas ng laptop. Sinimulan ko na ang ikalawang aralin sa Filipino 6 book. Kailangan kong makapag-submit nang maaga. Isiningit ko ang panonood ng BQ at workout.

 

Ten o’ clock, tumigil na ako sa pagsusulat. Kahit paano ay nakausad na ang Aralin 2. Bukas, sigurado akong matatapos ko na iyon.

 

 

 

Disyembre 7, 2024

Muntikan na namang hindi ako makapasok. Mabuti, nagising ako bandang 3:18. Hindi pala naka-set ang alarm sa Saturday. Weekdays lang pala iyon.

 

Hayun, dali-dali akong naghanda. Habang nagpapainit ng tubig, namalantsa ako. Bago ako nakaalis sa bahay, nakapag-almusal naman ako.

 

Second day ng periodic test ngayon, pero almost done na. May ilang estudyante na lang ang hindi pa nakapag-test ng ilang subject. Tinapos na raw ng ibang teacher kahapon ang exam. Kaya naman, nagpa-check na lang ako ng mga papel. Then, naghintay ng uwian. Mabuti, pumasok si Sir Jess para sa kaniyang agenda. Nag-ibigay ko ang mga pasalubong sa bawat grade level, lalong-lalo na kina Ma’am Joann. Nakakuwentuhan ko siya kahit mabilisan. Nakausap ko rin si Ma’am Mel tungkol sa journalism training namin sa December 12 to 14.

 

Past 10:30, nakipagkuwentuhan ako kina Ms. Krizzy at Mayora. At bago mag-12, lumabas na ako sa school. Maaga akong nag-time out. Kumain muna ako sa karinderya roon, bago bumiyahe pauwi.

 

Past 2, nasa bahay na ako. Sobrang antok ko, kaya pinagbigyan ko. Good thing is nakatulog ako nang mahaba-haba. Ang sarap sa pakiramdam! Kaya naman, pagkatapos kong magkape, humarap na ako sa laptop para magsulat.

 

Before 8, tapos ko na ang Aralin 2 ng Filipino 6 Q 4 ng Matatag book. Grabe! Ang hirap, pero exciting! Gamit na gamit ang brain cells ko. Mabuti na lang, may mga akda akong nahuhugot para magamit bilang springboard or activities. Sana ma-approve ng editor, at hindi na magkaroon ng madugong revision.

 

Pagkatapos kong kumain, sinimulan ko ang Aralin 3. Kahit paano ay umusad ito bago ako nag-off ng laptop bandang 9:30. Pagod na ang mga mata at isip ko. Bukas naman…

 

 

 

Disyembre 8, 2024

Hindi ako gumamit ng washing machine sa paglalaba. Nagbabad ako. Naaawa ako sa mga damit ko. Tutal, hindi naman masyadong marumi ang mga damit kong ginamit sa Palawan, babad lang ay sapat na. Iyon nga lang—matagal akong natapos. Gayunpaman, hindi ako nainip dahil hinarap ko ang pagsulat ng libro. Umaga, natapos ako ang Aralin 3. Before lunch, nasimulan ko ang Aralin 4. At dahil umidlip ako at nagbasa ng mga libro, hindi ko agad ito natapos.

 

Past 6, nag-workout ako. Seven-twenty, tapos na ako. Balik naman ako sa pagsusulat.

 

Past 8:30 ko na natapos. Sakto lang. Natutuwa ako kasi nakaapat na aralin na ako. Apat na lang, maipapasa ko na kay Ma’am Cristina. Sabi niya kahapon ay pupunta siya saTPC para sa full payment ng mga nakatapos na at partial working money ng iba. Excited na akong makatanggap uli ng working money.

 

 

 

 

Disyembre 9, 2024

Kulang na kulang na naman ako sa tulog. Kahit maaga akong nag-off ng ilaw at wifi, hindi rin naman ako agad nakatulog dahil sa ingay ng mag-ina ko sa kabilang kuwarto. Tapos, wala pang 3 am, nagising na ako. Andami ko na ngang realistic na panaginip, hindi na ako nakatulog uli nang magising ako bandang 2:15 am. Haist!

 

Bumangon na ako bandang 2;40. Hindi ako nagmadali kasi hinihintay ko ang chat ni Ma’am Normina. Sabi niya noong Sabado, dadalo kami sa flag-raising ceremony sa regional office. Naihanda ko na ang pasalubong ko sa kaniya. Binaon ko rin ang Barong Tagalog na binili ko sa Baclaran. Hindi ako nagdala ng laptop, pero dala ko ang mga librong nahingi ko sa GTA2024.

 

Nakarating ako sa school bago mag-6, pero wala pa ring chat si Ma’am Mina. Ayaw ko namang mag-initiate ng chat. Ramdam kong hindi matutuloy, pero naghintay pa rin ako hanggang 8 am. At nang lumampas, hindi na ako umasa.

 

Nagturo ako sa lahat ng section, maliban sa Love, kahit walang PPT. Nagawa ko namang mapasulat sila at madisiplina. Hindi pa rin ako masyadong nagsasalita.

 

Pero pagbalik ko sa Love, nagsermon na naman ako. Naging madaldal ako dahil sa mga maling gawain at kakulangan sa disiplina. Mag-uuwian na nga lang, nagkaingay pa sila. Sabay-sabay silang umikot-ikot upang ipamahagi ang mga papel sa Science. Andami! Nakakarindi ang ingay! Hayun! Pinakolekta ko ulit. Sabi pa naman nila, papipirmahan daw iyon sa mga magulang nila. Aysus! Dapat sa oras ng Science nila iyon ipinamamahagi, hind isa oras ko.

 

Desidido na talaga akong walang Christmas party ang VI-Love. Hindi nga sila marunong makiramdam. Hindi sila nagbabago. Hindi sila natututo. Pasama nang pasama ang ugali nila. Ang hirap nilang mahalin. Where is the love?!

 

Pagkatapos ng klase, kumain agad ako. May Numero class kami.

 

Masaya ako kasi 15 ang participants ko. Naisagawa namin nang masaya at maayos ang 1-hour Math class. Tuwang-tuwa ang lahat sa mga stars na natanggap nila.

 

Umuwi rin agad ako pagkatapos nito. Past 3:30, nasa bahay na ako. Hindi na ako umidlip. Agad akong nagmeryenda at humarap sa laptop upang magsulat. Pero naghanda muna ako ng mga DLL. Ready na rin ang PPT ko para bukas. Maganda talaga ang may nakatagong learning materials.

 

Naisingit ko ang home workout. Nakarami din ako kahit paano.

 

 

 

Disyembre 10, 2024

Wala pang 5;20, nasa classroom na ako. Maaga na naman kasi akong nagising. Pero mas maaga talaga akong nagising kahapon.

 

Dahil wala pang estudyante sa 5th floor, nasolo ko ang kuwarto. Nag-lock ako para makaidlip ako. Kahit paano ay nakaidlip yata ako bago ko sila pinagbuksan, bandang 5:50.

 

Nagturo ako sa lahat ng klase. Hindi man ako ganoon kasigla, gaya ng dati, pero tiniyak kong natuto sila sa paggamit ng mga Pangatnig sa sarili nilang pangungusap. Namigay pa ako ng stars sa tatlong sections kapag nag-recite sila.

 

As usual, nanermon na naman ako sa Love. Bago nag-uwian, pinagsabihan ko ang mga mahihilig mag-drawing sa klase ko. Hindi na kasi sila nagpopokus sa lesson. Hindi rin sila halos gumagawa at nagpapasa ng activity.

 

Nagbabala rin ako sa masamang gawain nila tuwing uwian na o pababa kami sa hagdan. Madalas, kakaunti na lang ang natitira sa pila tuwing makararating kami sa ground floor dahil ang ilan sa kanila ay lumiko o nag-iba ng daan.

 

Nakakagigil talaga sila!

 

Umuwi agad ako pagkatapos kong kumain sa karinderya. Past 2, nasa bahay na ako. Kumain lang ako ng dalawang hopia, saka natulog ako hanggang five.

 

Paggising ko, nabasa ko ang chat ng HRPTA at SPTA president tungkol sa Christmas party. Ni-relay niya ang mga hinaing ng mga co-parents niya. Sinagot ko iyon, na susubukan ko uli bukas ang mga anak nila. Bukas na ako mag-decide.

 

Nag-reply rin ako sa GC kasi may isang parent doon na nangungulit na magpaliwanag ako. Demanding, ampota! Kako, oras ko ito para sa sarili ko, pamilya ko, at paghahanda ng lesson. Magpatawag sila ng meeting para malaman nila ang sagot ko. Sinuportahan naman ako Pres. Aniya, noong nagpatawag ako ng meeting, kakaunti ang dumalo. Hayun, natigil na ang hanash ng isa.

 

Bago mag-8, nakapag-workout na ako at natapos ko na ang Aralin 5. Tatlo na lang. Yahoo!

 

 

 

Disyembre 11, 2024

Pagdating ko sa classroom, may mga estudyante na. Sinimulan ko na ang pananahimik. Naging conscious sila sa katahimikan ko. Nag-play lang ako ng PPT ko. Sumasagot naman sila. Game-based sana iyon, pero pinarinig ko na lang sa kanila, since may voiceover naman. Pagkatapos, pinasulat ko sila ng mga pangungusap, gamit ang mga Pangatnig na pinag-aralan namin.

 

Very good sana sila, kaso alam kong kaplastikan lamang nila iyon. May madaldal pa rin naman.

 

Pagdating sa ibang klase, medyo masigla naman ako kahit paano. Nagpa-game ako, at namigay ng stars. Na-enjoy nila ang laro dahil may reward.

 

Nakaraos naman ako sa ibang sections at sa Love, pero napansin kong hindi talaga nila kayang i-sustain ang katahimikan. Bago mag-uwian o habang nagpapalinis ako ng classroom, maiingay sila. Gayunpaman, pinagmasdan ko lang sila. Wala silang narinig na sermon mula sa akin.

 

After class, kumain agada ko para sa Numero class. Walo lang ang dumalo sa klase ko. Okey lang. Hindi ako nainis. Sinikap kong ma-enjoy nila ang oras na iyon.

 

After Numero, pumunta ako kay Ma’am Joann. Siya naman ang nag-suggest na dalhin ko ang Barong ko para mapiktyuran ako nang maayos para sa tarpaulin, kaya hayun! Piniktyuran niya ako, since wala si Sir Arjay.

 

Pagdating sa bahay, nag-picture uli ako. Nag-try akong mag-edit. Nagustuhan ko, kaya nag-send ako kay Ma’am Joann. Baka iyon ang gamitin sa tarp.

 

Bago ako nagkape, nag-send ako ng details ko sa BLR para sa cash prize sa GTA2024. Sana maibigay na agad. Sana rin maibigay na sa akin ang sa airfare ko. Andami ko pang wish--- plaque at awarding sa SDO at region. Haist!

 

Hinarap ko ang pagsusulat ng Aralin 6. Isiningit ko ang pag-workout. Bago mag-10, marami na akong natapos. Nasa Pagsasanay 1 na ako.

 

 

 

Disyembre 12, 2024

Before 5, gising na ako. Nakaalis na rin si Zillion. Saka ko lang din nalaman na hindi umuwi si Emily kagabi. May event sila sa FVP.

 

Past 8 na ako nakarating sa EDSES. Ni-reserve ako ng upuan nina Ma’am Mel, Ma’am Venus, Ma’am Luzel, at Ma’am Angelica. Wala pa si Sir Erwin.

 

Ako ang pinasulat nila ng yell sa school presentation. Hayun, ayos naman ang performance namin. Sabi namin, “Garantisadong Edukasyon at Serbisyo. Iyan ang Gotamco. Tahanan ng mga mamamahayag. Kami ang Team… Sinag!”

 

Pagkatapos ng maikling programa, nag-breakaway session na. Sa ICT room napunta ang mga trainer ng column writing. Nakitabi sa akin si Ma’am Lorraine. Kilala niya ako. Nag-congratulate nga siya.

 

Okey naman ang resource speaker namin. Inisa-isa niya kaming pinagsalita tungkol sa best practices namin sa school. Siyempre, wala kami niyon, kaya worst practices ang sinabi ko. Kako, nais kong maiwasan ng lahat ang mga maling gawain namin sa campus journalism, like pagpapalit-palit ng SPA.

 

Nagkaroon din kami ng pre-writing. Tungkol sa kabiguan at tagumpay sa pagsusulat ko ang pinaksa ko. Sana magustuhan niya.

 

Lunch. Nagsalo-salo kaming anim—kasama si Sir Erwin, sa Kinder classroom. Beshy ni Ma’am Angelica ang teacher doon. Nag-stay kami hanggang 1 pm.

 

Sa ICT room, nag-discuss na ang speaker. Mahusay siya. Marami siyang alam. Halatang gamit na gamit ang kaalaman bilang hurado sa RSPC at NSPC.

 

Past 3:30, tapos na kami. Agad na akong umuwi. Isinabay na ako ni Ma’am Lorraine sa traysikel. Libre niya.

 

Past 5:30, nasa bahay na ako. Agad akong nabukas ng laptop para tapusin ang Aralin 6, habang nagkakape. Nang matapos ko ito, nagsimula naman akong magsulat ng Aralin 1 ng Quarter 3. Nag-chat sa akin kanina si Ma’am Cristina. Ibinigay pa niya sa akin ang Quarter 3. Marahil ay may umurong. Tinanggap ko naman. Alam kong kaya kong matapos ito bago mag-Christmas break. Magdo-double time ako.

 

Nakapag-leg workout lang ako ngayon bago ako nanood ng BQ.

 

 

 

Disyembre 13, 2024

Maaga akong nakarating sa EDSES. Nauna ako sa mga katabi ko. Agad namang akong nag-open ng laptop para magsulat. Gusto kong i-maximize ang oras ko. Kaya lang kailangang magbasa para sa activity.

 

Ang bilis ng oras! Hindi ko natapos ang isang aralin. Kinailangan ko kasing magbasa at magsulat. Bale dalawang beses kaming pinasulat ng speaker. Ang una, nagbigay siya ng topic. Ang huli, malaya ang topic. Napili niya ang gawa ko sa una. Ang pre-writing kahapon, hindi ako na-mention. Okey lang, at least  nakaisa ako. Bukas niya pa sasabihin ang napili niya para sa pangalawang output ngayong araw. Sana mapili uli.

 

Nakita ako roon ni Ma'am Evelyn. Kinawayan ko siya. Sumenyas siya sa akin na mag-chachat siya sa akin. Baka tungkol iyon sa working money.

 

Nag-chat naman si Ma'am Mina. Ready na raw ang reimbursement. Kailangan ko lang daw magpasa ng boarding pass at Certificate of Appearance. Sabi ko, sa Monday na ako pupunta kasi nasa journalism training ako. Ibibilin na lang daw niya sa FR kasi may pa-workshop din siya.

 

Past 3:30 na kami pinayagang umuwi ng speaker. Natagalan naman ako sa PITX kasi ang haba ng pila. Pagkatapos, ang traffic pa sa may Zeus. Magsi-seven na, nandoon pa kami.

 

Almost 8 pm na ako nakauwi. Grabe. Hindi na tuloy ako nakapag-workout. Hindi na rin ako nagsimulang magsulat para sa textbook pagkatapos kong matapos ang Aralin 1 ng Quarter 3. Pero nakapagdilig pa ako ng mga halaman.

 

 

 

Disyembre 14, 2024

Maaga pa akong nakarating sa EDSES kahit 5:24 na ako nagising, hindi kasi nag-alarm. Iyon pala ay dahil naka-set lang sa weekdays. Haist!

 

Sa bus na ako nag-almusal ng kakaning binili ko sa Umboy. Kaya pagdating sa venue, agad akong nagsimulang magsulat. Wala ang mga katabi ko nang two days, kaya tahimik ako. Isa pa, late na dumating ang speaker namin. Past 8:30 na nang pumasok ang isang resource person, na binilinan niya. Pinasulat na kami tungkol sa pag-upo ng mga guro sa election.

 

Agad kong ginawa iyon dahil, bukod sa may timer, may kailangan pa akong harapin.

 

Pagdating ni Sir Wilmor L. Pacay III, nag-announce na siya ng best outputs. Napili niya ang gawa ko. Iyon ang pangalawang best output ko. Nakakatuwa. Sabi pa niya, “Maganda ‘yan, Sir,” pagkatapos ibalik sa akin ang output.

 

Nag-discuss pa siya pagkatapos ng breaktime. Ang husay niyang mag-explain. Marami akong natutuhan, since Day 1.

 

Before 12, nagsalo-salo na kami nina Sir Erwin, Ma’am Luzel, at Ma’am Angelica. Nag-approach din sa akin ang kakilala kong guro sa JRES na si Ma’am Angel, tungkol sa Gawad Teodora Alonso. Ramdam ko ang interes niyang sumali, kaya binigyan ko siya ng ideya. Sinagot ko ang mga tanong niya. Naipasilip ko pa sa kaniya ang isang winning storybook, na binigay sa GTA2024. Nagpasalamat siya sa akin bago umalis. Sigurado akong na-inspire ko siya. Sana sumali rin siya, gayundin ang mga kaguro niya.

 

Tinawagan ako ni Ma’am Evelyn kasi darating daw si Ma’am Cristina. Since galing siya sa KES, mauuna pang dumating ang project coordinator namin sa textbook.

 

Inabangan ko ang pagdating niya, at sinamahan ko siya sa principal’s office hanggang sa dumating si Ma’am Evelyn. Pero naibigay na niya sa akin ang cheque, worth P5,000, as partial payment sa working money. Nakakatuwa! Proud kong ibinalita at ipinakita iyon sa mga kaguro ko. Sana na-inspire ko na naman sila.

 

Past 1 na nagsimula ang closing at awarding ceremony ng 3-day journalism training for trainers.

 

Grabe ang blessings na natanggap ko ngayong araw! Tinanggap ko ang certificate of recognition bilang 1st Best Outputs in Column Writing (Filipino-Elementary).  Ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam ng mga young journalists tuwing awarding ng DSPC and RSPC. Salamat kay Sir Wilmor L. Pacay III sa komprehensibong discussion. Hindi lang ang pagiging 1st Best Outputs in Column Writing (Filipino-Elementary) ang nagpakilig sa akin, kundi pati ang magandang feedback niya sa akin. Sabi niya, habang ina-announce ang first place, “Tahimik lang siya, pero consistent ang gawa niya since Day 1.” Wow! Ramdam ko iyon kaninang umaga, nang nabanggit niya ang mga writing styles ko sa huling activity.

 

Best experience ito simula nang napasok ako sa journalism!

 

Nag-LRT ako mula Buendia hanggang PITX—for the first time. Mas napabilis ang biyahe ko.

 

Bago ako bumiyahe pa-Tanza, nagmeryenda muna ako sa PITX ng haluhalo at siopao, bilang treat sa sarili ko.

 

Pagdating sa bahay, nagkape lang ako, saka nag-workout na. Hindi pa ako agad nakapagsimulang magsulat ng textbook. Pero nai-send ko na kay Ma’am Cristina ang anim na aralin sa Q4 ng Filipino 6. Sana magaganda ang maging feedback niya. At sana rin, wala nang masyadong revisions.

 

 

 

 

 

Disyembre 15, 2024

Maaga akong nagising, kaya maaga akong nakapaglaba. Kaya lang, late na ang almusal ko. Kinailangan ko pang lumabas at pumunta sa sentro para bumili ng almusal. Naiinis ako sa mag-ina ko. Past 9 na sila bumangon. Grabe! Ayaw ko na lang magsalita, baka masaktan na naman sila.

 

Hinarap ko na lang ang pagsusulat ng textbook. Maghapon. Alas-dos hanggang alas-kuwatro lang ang pahinga ko.

 

Nagkakape ako nang mag-chat si Ma’am Cristina. Aniya, “Hi sir, isend ko lang ulit base sa initial findings.. isaalang-alang lamang ang mga mungkahi. Mahusay kang sumulat, medyo aayusin lang ng konti at gumamit ng mga graphic organizers at magkaroon ng koneksyon mula simula hanggang sa dulo. pang-private ito kaya itaas natin ang level. dagdagan ng gawain sa paglinang ng tekstong biswal at online multi media platforms. tnx much and a blessed sunday..”

 

Akala ko, kaunting revisions lang, pero pagbukas ko ng files… aguuy! Na-pressure ako. Gusto ko nang mag-back out. Pero hindi! Hindi ko ito susukuan. Panghahawakan ko ang sinabi niyang mahusay akong sumulat.

 

Kaya naman hinarap ko kaagad. Halos hindi na nga ako makapagpokus sa pag-workout. Past 9 pm na rin ako nakapag-dinner. At ang mga sinampay ko, ang mag-ina na ang sumamsam.

 

 

 

Disyembre 16,.2024

Ayaw ko na talagang pumasok, kundi lang ako magdadala ng boarding pass at certificate of appearance sa SDO para sa reimbursement ng airfare ko. Tinatamad na ako. Gusto ko na lang magbakasyon at sumulat ng textbook. Kaya lang, kailangan ko ring magpakita sa mga estudyante.

 

Pagtapat ko sa may gate ng school, nakita ko ant tarpaulin. Aguy! Hindi ko nagustuhan ang layout. Okey na rin kaysa wala.

 

Nagparinig lang ako ng PPT ko, saka nagpasulat sa lahat ng sections. Naging maayos naman. Nakapag-Numero din ako sa Love. At siyempre, pigil na pigil akong magsaway. Maiingay at madadaldal talaga sila. Hindi nila kayang gawin ang hinahanap ko. Decided na talaga ako.

 

Pagkatapos ng klase, kumain agad ako. At agad akong pumunta sa SDO. Kaya lang, natagalan ako sa kahahanap ng computer shop. Kailangan kong i-print ang boarding pass. Grabeng lakad ang nangyari. Kahit mabilis ang hakbang ako, pakiramdam ko, inabot ng isang oras ang paglalakad at paghahanap ko. Mabuti na lang, nakahanap ako sa may lampas sa PBES. Muntikan na nga akong makarating sa EDSES. Haist! Tapos ang mahal pa ng printing fee. Ten pesos per page ba naman.

 

Inasikaso naman agad ako ng FR na binilinan ni Ma'am Mina, since wala siya roon. Tatlong copies ng document ang pinirmahan ko. Bawat document ay may limang pirma. Wew! Ang hirap palang mag-reimburse. Tapos, hindi pa pala maibibigay sa akin, since kapipirma ko lang.

 

Past 4 na ako nakauwi. Natagalan pa akong nakapasok sa bahay. Ang tagal buksan ni Ion. Nakatulog sa kuwarto. Dati-rati, sa sala siya natutulog.

 

Ang bilis ng oras! Nagkape lang ako, nag-workout habang nanonood at nag-eedit, then past 8 na. Tapos ko nang i-revise ang anim na aralin. Nakapagsimula na ako ng Aralin 8 kasi tapos ko na rin ang Aralin 7. Bukas ko na ipapasa ang 7 and 8 kay Ma'am Cristina.

 

Kahit wala akong balak pumasok bukas, wala pang 11, natulog na ako.

 

 

 

Disyembre 17, 2024

Gumising ako bandang 5 am para magsabi sa mga GC na nag-diarrhea ako kaya hindi ako makakapasok. Pagkatapos, agad akong bumalik sa pagtulog. Past 7 na ako nagising.

 

Pagkatapos, mag-almusal at bago ako humarap sa laptop, nagdilig muna ako ng mga halaman.

 

Maghapon akong sumulat ng textbook. Nakadalawang aralin ako hanggang 9:45. Siyempre, nakaidlip pa ako, mula 2 hanggang 4 pm. At nakapag-workout pa ako kahit paano.

 

Tinawagan ako ni Ma'am Vi, at kinuwentuhan tungkol sa mga kaganapan sa school. Nagamit pa ang oras ko, na sana ay para sa pagsusulat, pero okey lang naman. She loves talking to me though.

 

Natuwa rin ako kasi naibenta na ni Emily ang red mountain bike ko na nabili ko noong pandemic, at nagamit ko nang marami-rami ring beses, bago ako nawalan ng oras para magbisikleta. Bibili ulit ako kapag may oras na akong mag-bike.

 

Past 10, nakahiga na ako. Pag-iisipan ko pa kung papasok ako o hindi. Pero kanina, nag-decide na akong pumasok kasi naiba ang plano ng Christmas parties -- learners and faculty.

 

Bahala na!

 

 

 

Disyembre 18, 2024

Pumasok ako. Sayang naman kasi kung aabsent ako. Sigurado naman akong kakaunti lang ang papasok niya sa klase ko.

 

Pagdating ko bandang 5:30, may mga nagsipasok naman, pero kaunti lang sila. Gustuhin ko mang magturo, pero hindi ko na ginawa. Fifteen lang sila. Humarap na lang ako sa laptop para makapagsulat ng textbook.

 

After 30 minutes siguro, pinasok ni Ma’am Vi ang mga bata ko sa klase niya para makapag-meeting kami sa classroom ko. Matagal-tagal din kaming nag-usap-usap. Pero hindi niya kami nahikayat na magpraktis para sa Christmas party presentation ng bawat grade level. Nagtawanan na lang kami.

 

Pagkatapos niyon, hinayaan ko na lang ang mga bata na maglaro, mag-ingay, at magtakbuhan. Wala talaga silang pakiramdam. Gayunpaman, wala silang narinig na masakit na salita sa akin. Nakakasawa na rin.

 

Mabuti na lang, mabilis natapos ang oras ng dapat nak lase. Patay-oras na lang talaga.

 

Bago ako kumain at umuwi, tumambay muna ako sa classroom ni Ms. Krizzy. Naroon sina Ate Bel at Sir Erwin. Dumating din si Ma’am Vi.

 

Sa Mr. DIY sa PITX, namili ako ng mga panregalo sa mga kaTupa ko at sa mga ka-grade level ko. Bumili na rin ako ng mga sipit at wooden box para sa mga shells o rock collections ko.

 

Pagdating sa bahay, nagkape lang ako at nagmeryenda, saka hinarap ko na ang pag-revised sa Q4 aralin 3 at 4. Naipasa ko na rin ang tatlong aralin sa Q3. Haist! Sana wala nang susunod na ire-revise. Ginagalingan ko naman, e.

 

Inabot din ako ng ilang oras bago ako nakapagsimula sa Q3 Aralin 4, kasi isiningit ko ang gift-wraping. Eleven items ang binalot ko, kaya kumain din ng oras kahit paano.

 

Nag-workout din ako habang ginagawa ang Aralin 4. Hindi ko natapos kasi nagsulat pa ako ng parabula ng manghahasik (sower). Ayaw ko namang mangopya ng salin o retelling ng iba.

 

 

 

 

Disyembre 19, 2024

Three-thirty na ako gumising. Kung kailan nag-extend ako ng 30 minutes, saka naman ako parang kulang na kulang sa tulog. Ang bigat ng loob at katawan ko nang bumangon ako. Parang gusto ko nang um-absent ulit, pero nanghinayang ako. Alam kong walang papasok na Love sa klase ko, kaya pinursige ko ang sarili ko.

 

Sa school na ako nag-almusal. Wala talagang pumasok. Natuwa ako kasi naharap ko ang pag-rerevise ng Aralin 4 at 5, bago ako nagsimulang magsulat ng Q3 Aralin 4.

 

Sinikap kong makatapos ng isang aralin kahit nakipagkuwentuhan ako sa mga kaguro ko. Mas matagal nga lang talaga akong nag-isa sa classroom ko, at nagsulat. Sa classroom ni Sir Joel ko natapos ang Aralin 4, saka ako bumaba sa classroom ni Ms. Krizzy. Naroon sina Papang at Ate Bel. May pansit. Inalok nila ako, at dahil gutom na gutom na ako, agad akong kumain. Dumagsa pa ang dating ng pagkain mula kay Ma’am Hannah, kaya busog na busog ako. May binigay pang donuts at puto si Ma’am Judy, na ni-take home na lang namin.

 

Before 1, umuwi na ako. Past 2, nasa bahay na ako. Sobrang antok ko, kaya natulog ako hanggang 5:20. Ang sarap sa pakiramdam! Hindi na bale kung hindi ako nakapagsulat.

 

Paggising ko, nagpainit agad ako ng tubig para sa kape. Nagdilig muna ako bago nakapagkape. At habang nagkakape, nakaharap na ako sa laptop. Gusto ko sanang magsulat, pero hindi pa gumana ang utak ko. Inayos ko na lang muna ang mga LCs na susulatin ko. Nag-research na rin ako ng ilang impormasyong isasama ko sa lesson.

 

Then, nakipagkulitan ako sa mga GC. Gusto talaga ni Ma’am Vi na magkaroon kami ng presentation bukas sa faculty Christmas party. Kaya naghanda ako ng tula. Bibigkasin ko iyon para makaragdag sa puntos. Three thousand pesos pa naman ang first prize.

 

Hindi na ako nagsulat ng textbook, sa halip ay nag-workout ako at nanood ng BQ.

 

 

 

Disyembre 20, 2024

Mabuti, 4:30 na ako gumising. Hindi naman pala official time. Past 5 na ako nakaalis sa bahay. At wala pang 8, nasa school na ako. Nakipagkuwentuhan muna ako kay Ms. Krizzy bago ako nag-almusal sa labas ng school.

 

Pinakiramdaman ko ang mga estudyante ko. Good thing, walang pumunta. Takot silang mapagalitan ko. Nalungkot ako dahil sa desisyon kong hindi sila bigyan ng party, pero tama lang ang ginawa ko. Gusto kong matuto silang pahalagahan ang damdamin ng guro. Kapag nagbabala na, tumigil na dapat sa paggawa ng mali. Simple lang naman, sumunod.

 

Nag-stay ako sa classroom ko hanggang past 10. Nang matiyak kong nakauwi na ang mga Grade 6 pupils sa ibang sections, lumapit na ako kay Ma’am Vi. Naroon din sin Sir Jess at Sir Erwin. Pinagkape niya kami. May pizza pa.

 

Bago mag-11, nalaman ng ka-grade level ko na may tula ako, since gusto nilang magkaroon ng presentation. Pinarinig ko sa kanila ang tulang sinulat ko kagabi. Nagustuhan naman nila, kaya iyon na raw ang i-present namin. Pinagdala kami ni Ma’am Vi kagabi ng malong, kaya iyon ang costume namin.

 

Past 11, nasa Captain’s Grille na kami sa Seaside Macapagal. Past 11:30 na nag-start. Kaming Grade 6 ang ikatlong magpi-present. Alam kong hindi naman kami mananalo as first place, pero may laban kami.

 

Nag-exit na kami nina Papang at Mayora, pagkatapos mag-present ng Grade 6. Pumunta na kami sa Shakey’s Malate. Napagkasunduan namin nina Ms. Krizzy na doon kami mag-lunch at mag-bonding as protest sa aming principal, na puro mali ang mga desisyon.

 

Sa madaling sabi, masaya kami sa aming Christmas party. Sayang hindi naka-join sina Ate Bel, Putz, at Melay. Kaming original Tupa lang ang natuloy. Okey lang naman.

 

Habang nagba-bonding, nalaman kong 3rd place kami sa presentation. Paghahatian naming lima ang P2,000 cash prize. Not bad, huh. Easy money.

 

Inabot kami ng past 4 dahil sa kuwentuhan at tawanan. Worth it ang share kong P1,000. Lamang ako sa kanila ng P750. Treat ko iyon sa kanila dahil sa aking mga matatanggap na biyaya--- from GTA and sa textbook working money.

 

Past 6:30, nasa bahay na ako.

 

Ako na ang naghanda ng ulam namin. As usual, nasa simbang gabi si Emily. Mabuti na lang may regalo akong natanggap mula sa Korean student namin. Naiulam namin ang ham at ramen. Busolb!

 

Hindi na muna ako nagsulat at nag-workout ngayong gabi.

 

 

 

Disyembre 21, 2024

Sa wakas, nakatulog ako nang maayos. Nakompleto ko ang 8 hours. Sulit!

 

Kaya lang, wala akong maayos na almusal. Hindi na naman gumising ng maaga ang asawa ko. Nagkape lang ako at kumain ng apat na cookies. Okey na rin naman kasi very late na rin iyon. Almost 8:30 na ako bumangon. One hour din akong nakahiga lang, at nag-cellphone.

 

Maghapon akong nagsulat. Madugo ang Aralin 5. Dumaan ako sa matinding pananaliksik. Nagsulat pa ako ng akda para sa storyboard. Gayunpaman, natuto ako ng pagsulat ng liham pagtatanong at interview survey.

 

Hindi na ako nakaidlip ngayong araw. Sinikap kong matapos ang Aralin 5 para makapagpasa ako kay Ma’am Cristina. Nag-workout din muna ako.

 

Quarter to 5, naipasa ko na sa kaniya ang Aralin 4 at 5. Pagbalik ko galing sa Landbank, bandang 7 pm, may reply siya. Aniya, magpasa lang daw ako anytime. Inaasikaso niya raw ang editing nga Filipino-Grade 2. Sabi rin niya na baka raw maibigay na niya sa akin ang Q1 at Q2 ng Filipino 6 kasi hindi pa raw nagpapasa ang naka-assign. Parang ayaw ko na. Gusto ko namang magsulat ng nobela.

 

Gabi, nakaranas ako ng matinding hirap sa mga napili kong learning competencies. Ilang ulit akong nagpalit pagkatapos kong magsaliksik. Hindi ko kayang gawan ng mga activities, kaya napilitan akong balikan ang ibang LCs upang makapili ako. Bago ako kumain, sa wakas, nakapili na ako ng LC para sa Aralin 6. Nagsimula na rin akong sumulat ng storyboard. Alamat naman ang isinulat ko.

 

 

 

Disyembre 22, 2024

Katulad kahapon, past 7:30 uli ako nagising, at 8:30 ako bumangon. Nainis na naman ako sa maybahay ko kasi hindi pa rin siya bumangon. Mabuti talaga, may binili akong galletas kahapon. May naipares ako sa kape.

 

Past 9:30 na niya ako hinatiran ng sinangag. Wala pang egg. Haist! Ang sarap magwala at magalit, pero magiging useless lang uli. Kalma na lang uli ako.

 

Hinarap ko na lang maghapon ang pagsusulat para sa textbook. Bandang 2 pm, natapos ko na ang Aralin 6. Umidlip muna ako hanggang past 4 bago ako nagsimula ng bagong aralin.

 

Siyempre, isiningit ko pagwo-workout. Kahit paano ay gumaganda na ang katawan ko. Mabagal lang ang development ng legs ko. Haist!

 

Bandang 9:30 pm, huminto na ako sa pagsusulat. Nasa 40% na ang Aralin 7. Natagalan ako sa pagsulat ng bagong teksto—science feature. Hindi ko kasi magagamit ang mga dati ko kasi walang linking verbs.

 

 

 

Disyembre 23, 2024

Grabe! Ang sarap matulog. Eight-thirty na ako nagising. Late na naman ang almusal ko, pero okey lang. Pambawi ko naman ito sa ilang buwan kong puyat.

 

Hinarap ko agad ang pagsusulat para sa textbook. Wala akong inaksayang oras, maliban sa mga sandaling nasa banyo ako. Nag-diarrhea ako. Dahil siguro ito sa ginisang malunggay at mais na ulam namin kahapon sa tanghalian at hapunan.

 

Past 1, tapos ko nang isulat ang Aralin 7 ng Q3 Filipino 6. Isang aralin na lang! Inihanda ko naman ang learning competency na susulatin ko, bago ako nagpahinga. Hindi naman ako natulog, nag-cellphone lang ako.

 

Pagkatapos magligo, bandang 2:45, humarap na uli ako sa laptop—hindi para magsulat ng textbook, kundi ng nobela. Na-miss ko ito. Matagal-tagal na rin nang huli akong nag-post sa Wattpad at Inkitt. Marahil ay may nag-aabang na sa update ko.

 

Mga past 5, pagkatapos kong magmeryenda, inantok ako. Pinagbigyan ko naman kahit hindi pa tapos ang isang chapter ng sinusulat kong nobela. Past 6, nang umalis na si Emily para magsimbang-gabi, umalis din ako para mag-withdraw, bumili ng ulam, at magpa-cash in para ipadala kina Hanna at Zj—cash gift ko sa kanila.

 

Past 7 na ako nakauwi. Agad akong nag-workout.

 

Nine pm, pagkatapos manood ng BQ at mag-dinner, ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng nobela. Walang one hour ang lumipas, nakapag-post na ako sa Inkitt. Tamang-tama kasi inaantok na ako.

 

 

 

Disyembre 24, 2024

Past 8 na ako nagising. Grabe! Ang sarap matulog.

 

Pagkatapos mag-almusal, na inihanda ng aking maybahay, nagpokus na ako sa pagsusulat. Nabigyan ko na rin ng budget ang asawa ko para sa aming Noche Buena.

 

Nainis ako nang madiskubre kong ang Aralin 2 ng Q3 ay hindi pa pala tapos. Mabuti, hindi napansin o nabuksan ni Ma’am Cristina. Agad kong na-delete iyon.

 

Nagduda pa ako kung na-delete ko ang finished output niyon. Naniwala pa akong nagawa ko na iyon, pero napagtanto at napatunayan kong hindi pa pala talaga. Kaya inuna ko muna iyon bago ko tinapos ang Aralin 8.

 

Past 1 hanggang past 2, umidlip ako. Pagkatapos maligo, tuloy na naman sa pagsusulat.

 

At past 7:30, tapos na lahat ang Q3. Naipasa ko na rin kay Ma’am Cristina ang walong aralin. Sana wala na masyadong ire-revise. Gusto ko nang ipahinga ang isip ko. Nakaka-drain din pala.

 

 

Pagkatapos manood ng BQ, nanood naman ako ng movie. Hindi ko masyadong nagustuhan kasi, bukod sa iba ang wikang ginamit, magulo pa ang istorya.

 

Nag-karaoke naman ako sa laptop, gamit ang wireless Bluetooth microphone. Feel na feel kong bumirit hanggang past 11:30. Nahiga na ang mag-ina ko bago mag-12. Ako na lang yata ang gising. Pero kumain pa rin ako ng Noche Buena. Masaya ako at thankful sa mga biyayang natanggap ko ngayong taon.

 

 

 

 

Disyembre 25, 2024

Past 1 am na ako natulog, at past 8 na ako nagising. Nag-stay muna ako sa higaan for an hour bago ako bumaba. Nakipagharutan ako kay Herming habang nag-iinit ng mga pagkain ang aking maybahay.

 

After late breakfast, nag-post ako sa Wattpad at Blooger ng mga akda ko mula sa journalism training at textbook writing. Marami rin pala akong naipong akda.

 

Kagabi pa umuulan. Hindi man kalakasan, pero sapat upang lumamig ang panahon. Blessing pa rin ito kahit hindi makalabas masyado ang mga tao. Mas masarap pa rin ang mag-stay sa bahay ngayong araw.

 

At hayun nga! Nanood lang ako ng movies sa YT. Kahit paano may mga Pinoy indie films akong nasimulan at natapos. Hanggang past 10pm, nanood ako. Kain lang ang pahinga. Nakapag-leg workout din ako. Tatlong routine nga lang. Ang sarap lang kasi talagang magpahinga pagkatapos ng ilang buwang stress sa mga estudyante, at ilang araw na nagsusulat. Deserved ko ‘to.

 

 

 

 

Disyembre 26, 2024

Pagbukas ko ng ng Messenger ko bandang 7 am, nakita kong may files na ni-send sa akin si Ma’am Cristina. Alam kong revisions iyon. Hindi ko muna binuksan para hindi ako ma-stress. Nag-almusal muna ako. Pero hindi rin ako nakaligtas sa stress. Nag-send siya ng pitong aralin. It means, isa lang ang walang revisions. Na-stress ako. Lalo akong na-stress nang nabuksan ko ang Aralin 5 at 3. Almost recast ang gagawin ko. Pero dahil inspired ako, hinarap ko kaagad. Maghapon kong ginawa. Idlip lang ang pahinga ko. Hayun, gabi, nagawa ko na ang anim. Isa na lang—ang pinakamahirap. Hinuli ko kasi hindi ko maunawaan ang gusto niyang ipabago sa akin. Bukas ko na uunawaan—kapag malinaw na ang pag-iisip ko. Bukas ko na rin ibabalik sa kaniya ang files. 

 

 

 

Disyembre 27, 2024

Ang gaganda ng mga panaginip ko kagabi at kaninang madaling araw. Kahit nakita ko roon ang tiyo at ang pinsan kong mga patay na, parang totoo. Parang may ibig iparating sa akin ang Diyos.

 

Bumangon ako nang maaga—mga 8, kasi umalis si Emily nang maaga. Wala siyang inihandang almusal. Ako na lang ang naghanda para sa amin ni Ion.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, hinarap ko agad ang pag-revise ng Aralin 5. Tama ako, gumana na ang utak ko. Dumaloy ang mga ideya, kaya bandang 11 am, tapos ko na iyon. Hindi ko muna ni-send kay Ma’am Chioco.

 

Naglaba naman agad ako. Habang naglalaba, nakapag-gardening pa ako nang kaunti. Quarter to 1, tapos na ako. Saka lamang ako nakapag-lunch. Si Ion na ang pinabili ko ng ulam. Siyempre, nagpa-deliver lang siya.

 

 

Disyembre 28, 2024

Kahit kulang ako sa tulog kasi nannood ako ng 50th MMFF Gabi ng Parangal hanggang 12:45, bumangon pa rin ako nang maaga para pumunta kina Mama at Taiwan sa Morong. Ito na lang ang araw ko para bisitahin sila bago magpalit ng taon. Nang ipinasa ko kasi ang revisions kay Ma'am Cristina, ibinigay pa niya sa akin ang Q1 at Q2. Hindi pa raw kasi nag-rereply ang susulat ng mga iyon. Nang una, alinlangan ako kasi baka hndi ko maipasa ngayong December.

 

Sabi niya, "ok lang.. anyway, aayusin ko pa naman itong q3 at q4, at priority kong matapos gr2 at gr5.. kahit sumampa ng january. matiyak  ko lang na may gagawa bago ko sabihin sa partner mo.. malaking bagay kasi sa akin yung mag-reply sana kung ano na status e."

 

Tinanggap ko naman agad kasi naniniwala ako sa papuri niya. Aniya, "Sir gawin mo n rin Q1 at q2? Kaya? U huv d skill in writing kaya madali n lng para sau. Huv a blessed 2025. Tnx much. Di nagrereply ung partner mo e."

 

Bago ako nakaalis, inihanda ko muna ang mga learning competencies na isusulat ko. Mas lumakas ang loob ko nang makita ko. Kayang-kaya, naisip ko.

 

Nakapag-withdraw ako ngayon ng P10,000. May balance pang P290.93. Nagtataka ako kung saan galing iyon. Naisip ko nga na baka sa living allowance and Numero from the city hall. Naalala ko rin ang P10,000 na prize ko from GTA2024. Pero nang nag-compute ako, base sa remaining balance ko, hindi pala.

 

Thankful ako sa biyayang ito! Mukhang naibalik na sa akin ng SDO-Pasay ang airfare, at dinagdagan pa ng P4,000. Sayang, hindi ko tiningnan ang pinirmahan ko nang pinatawag ako ni Ma'am Mina. Kaya pala anim na kopya iyon.

 

Bago ako pumunta kina Taiwan, kumain muna ako ng lunch. Past 1 na kasi ako nakarating sa Teresa.

 

Naabutan ko si Taiwan. Wala pala roon ang mag-iina niya. Sila lang ni Shimi. Sila ang nakatanggap ng gift ko. Binigyan ko rin si Shimi ng cast gift bago ako umalis.

 

Mabilis lang ako roon. Mga 2 and a half hour. Sapat na iyon oara makapagkuwentuhan kami ni Mama. Nasabi ko sa kaniya ang pinagkakaabalahan ko at dahilan ng pagmamadaling umuwi.

 

Past 8 na ako nakauwi. Sobrang traffic. Mabuti nga't walang pila sa bus.

 

Pagkatapos kong mag-dinner, humarap agad ako sa laptop. Sinimulan ko nang isulat ang Q1 ng textbook. Sumulat muna ako ng kolum, na siyang storyboard ko. Wala na kasi akong nakahanda. Meron naman, pero kailangan kong i-integrate ang aralin sa kasabihang Pilipino. Bandang 10, almost done na ang kolum.

 

Hindi na ako nakapag-workout ngayong araw. Okey lang, may bukas pa naman.

 

 

 

 

Disyembre 29, 2024

Ang sarap matulog! Kung wala lang akong dapat isulat, matutulog ako up-to-sawa. Pero, 8 am na ako nagising, at before nine, saka lang ako nakapag-almusal.  Late na rin akong nakapagsimulang sumulat kasi nagpa-deliver pa ako ng bigas.

 

Quarter to 1, tapos ko na ang Aralin 1 ng Q1. Yahoo! Agad kong sinimulan ang Aralin 2. Quarter to 10 pm nang matapos ko ito. Wew! Sobrang tagal ng pagsulat ko kasi nagsulat pa ako ng mga balita, bilang springboard at activities. Lahat bago. Walang recycled. Isa pa, kaya natagalan kasi umidlip ako kaninang hapon. Past 4 na rin ako bumangon after more than 2 hours. Then, nag-workout ako ngayong gabi. Nag-food trip din ako ng nilagang mani na nabili ko kahapon sa Teresa, gayundin ng Snacku. Pero thankful ako kasi nakadalawang aralin na ako. Fourteen to go.

 

 

 

 

Disyembre 30, 2024

Past 7 pa lang gising na ako. Gusto ko pa sanang matulog, pero aalis daw si Emily. Naisip kong baka hindi na naman siya naghanda ng almusal, kaya bumangon na ako. Hindi naman pala siya matutuloy, at nagluto naman siya.

 

Habang nag-aalmusal nga ako, nakaharap na ako sa laptop. Gusto kong makapagsulat ako ngayong araw ng dalawang aralin. Kaya wala na akong inaksayang oras.

 

Quarter to 1, nakatapos na ako ng isa. Nag-lunch muna ako, umidlip, nanood ng Squid Game 2, at naligo. Quarter to 3, nagsimula na akong magsulat uli.

 

Six-thirty, nag-chat si Ma’am Cristina. Wala nga siyang ibinalik na files for revision, pero mag-develop daw ako ng dalawang dula at isang buod ng nobela. Gamitin ko raw sa susulatin kong mga aralin sa Q1 and Q2. Na-stress ako, pero kaunti lang. Noon ko pa naisip maglagay ng mga iyan, kaso naisip kong sobrang haba, lalo na ang nobela. Pero, since sinabi niyang buod lang, okey sa akin iyon.

 

Wala pang 8 pm, tapos ko na ang Aralin 4. Agad naman akong naghanda ng dulang pambata, pagkatapos kong kumuha ng ideya sa A1 website. Siyempre, hindi ako nangopya ng akda. Ang dati kong kuwentong pambata o pabula ang ginawa kong dula. Napakadali lang palang i-convert! Nobela na lang ang problema ko.

 

 

 

 

Disyembre 31, 2024

Alas-8 na ako namulat. Hindi masyadong maayos ang tulog ko. Mainit kasi kapag pinapatay ang electric fan, tapos malamig naman kapag naka-on. Haist!

 

Gayunpaman, positibo akong bumangon para magsulat. Medyo, stressful lang nang mabasa ko ang chat ni Ma’am Cristina. Nag-send siya ng file ng kailangan kong idagdag at i-revise. Buong Quarter 3 ang kailangan kong ayusin.

 

Mabuti na lang, positibo ako, kaya ginawa ko kaagad. Halos maghapon akong nag-revise. Mga 6:30 ko na nai-send ang revised version ng Q3.

 

Nag-chat back siya. Aniya, “go lang sir para pag tapos, request ko na agad ng full payment...bale 30k/book ang working money. wth 10pesos royalty, peo plano ko ipa outright at malalayo kayo...huv a fruitfull new year. tnx much.”

 

Natuwa ako. Nakaka-inspire mabasa ang halaga ng pinagpapaguran ko. Nakakapagod, pero worth it naman. Nag-eenjoy na rin naman ako. Lalo akong nahahasa sa pagsusulat. Marami rin naman akong natututuhan at nadidiskubre habang nananaliksik ako.

 

Hindi na nga lang ako kami nakaalis, gaya last year na nag-MOA kami—nanood ng Firefly sa MMFF, nanood ng concert, at nag-abang sa firework display. Umaasa ang mag-ina ko na gagawin ulit namin iyon, pero hindi nila alam ang pinagkakaabalahan ko. Babawi na lang ako kapag nakaraos na rito.

 

Sinimulan ko rin agad i-revise ang Quarter 4. Madugo rin ang gagawin ko, kasi tinanggal niya ang 2 aralin para palitan ko ng dula at nobela. Pinalitan niya ng dula ang Quarter 3, kaya may tatlo akong naliligaw na aralin. Sana magamit ulit ang mga iyon sa Q1 o Q2. Sayang naman kung hindi. Nakakapagod rin namang magsulat.

 

Past 10 pm, pagod na ako. Okey na rin naman ang dula. Binubuo ko na lang ang Aralin 2. Isusunod ko ang nobela.

 

Happy New Year!

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...