Followers

Tuesday, December 24, 2024

Laban Lang!

 

Ang kabiguan ay kakambal ng tagumpay. Kung hindi tayo makararanas ng pagkabigo, hindi tayo magtatagumpay.

 

Maraming beses akong nabigo mula sa mga sinalihan kong patimpalak sa pagsulat ng akdang pampanitikan. Matagal akong nag-asam ng panalo, subalit napakailap nito. Dumating nga sa punto na nagkaroon ako ng duda sa kredibilidad ng paligsahan, gayundin sa mga hurado. Halos mawalan na rin ako ng tiwala sa sariling kakayahan ko. Idagdag pa ang pakiramdam ng kawalan ng suporta at pagpapahalaga ng mga taong nakapaligid sa akin.

 

Subalit hindi natagumpay ang mga negatibong bagay na ito. Nagpatuloy ako sa pag-asam, paghakbang, at pag-abot ng aking hangarin-- ang manalo.

 

Nitong nakaraang linggo, nakamit ko ang tagumpay! Pagkatapos akong parusahan at halos gulpihin ng kabiguan, heto, ipinaramdam sa akin ng tagumpay kung gaano ito katamis at kasarap.

 

Ngayon, masasabi kong may tagumpay nga sa likod ng kabiguan. Kung sumuko ako kaagad, hindi ko ito mararanasan, at hindi ko masasabing ang tagumpay ay napakasarap damhin kapag labis kang nahirapan sa pag-abot nito.

 

Kaya sa mga katulad kong madalas mabigo sa anomang larangan o aspeto ng buhay, laban lang! Ang tagumpay ay laging nakaabang sa mga taong nagsisikhay.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...