Isang araw, tiningala ni Mang Rey ang puno ng igos, na
kaniyang itinanim, tatlong taon na ang nakararaan.
„‘‘Aba! Wala ka pa ring bunga. Nararapat ka nang
putulin!“ sabi ni Mang Rey. Tinawag niya ang utusan.
‘‘Bakit po?“ nagtatakang tanong ng utusang lalaki.
‘‘Putulin mo na ang punong ito! Walang silbi. Hindi
namumunga. Pagkatapos ay sunugin mo ang mga putol-putol na bahagi nito upang
maging pataba,“ utos niya.
‘‘Po? Huwag po muna nating putin ang puno ng igos. Bigyan
niyo ako ng isang taon para pagtuunan ko ng pansin at maalagaan ko ito nang
husto hanggang sa magbunga.“
„Paano mo gagawin iyon? E, tatlong taon nang hindi ito
namumunga,“ singhal ni Mang Rey.
‘‘Huhukayan ko
ang paligid ng puno ng igos, at lalagyan ko ng mga patabang organiko... Kung
mamumunga po ito sa susunod na taon ay mabuti. Kung hindi, saka natin putulin.“
Napagtanto ni Mang Rey ang kabuluhan ng sinabi ng
tagapag-alaga, kaya hindi na niya pinaputol ang puno ng igos. Umasa siyang
magbibigay na ito ng mga bunga.
No comments:
Post a Comment