Isang
araw, umalis si Jesus sa bahay, at pumunta siya sa tabi ng dagat. Naglapitan at
nagtipon-tipon sa paligid niya ang maraming tao. Kaya, umupo siya sa isang
bangka, habang nakatayo naman sa tabi ng dalampasigan ang mga tagasunod niya.
Gustong-gusto
ng mga tao ang kaniyang mga kuwento at talinghaga, kaya muli siyang nangusap sa
kanila. Ang tungkol sa magsasaka ang kaniyang ipinangaral.
"Isang
magsasaka ang umalis upang maghasik ng mga binhi. Habang naghahasik, ang ilan
sa mga binhi ay nahulog sa tabi ng daan. May mga dumapong ibon, at tinuka ang
mga binhi. Ang ilang binhi ay nahulog sa mabatong lupa. Kaagad naman tumubo ang
mga binhi dahil hindi malalim ang lupa. Ngunit, nang sumikat na ang araw,
natuyo ang mga munting dahon nito. At dahil walang ugat, tuluyang nangamatay
ang mga ito. Ang ilan namang binhi na nahulog sa mga damong may tinik. Subalit,
mas mabilis humaba ang mga tinik, kaya nahadlangan ang paglaki ng mga binhi. At
hindi namunga ang mga ito. Ngunit may ilang binhi ay nahulog sa mabuting lupa, at
nagbunga nang marami. At patuloy na mamumunga ang mga ito,” kuwento ni Jesus.
No comments:
Post a Comment