Followers

Tuesday, December 24, 2024

Kung Gusto Mong Humaba ang Buhay, Ganito Dapat ang Iyong Almusal

 

 

Sabi ng karamihan, "Breakfast is the most important meal of the day." Ang pahayag na ito ay may batayan, ngunit nakadepende ito sa pangangailangan ng indibidwal. Ang pinakamahalaga ay ang kaalaman tungkol sa mga pagkaing dapat kainin sa umaga dahil ito ang simula ng araw.

 

Kung kaya, may mga pagkaing dapat nating almusalin na nagpapahaba ng buhay, katulad ng oats, itlog, saging, kamote, spinach, at kape. Ito ay ayon sa vlog ng Halamang Gamot FB page.

 

Ang oats ay may taglay na beta-glucan, na kung tawagin ay beta-glucan. Binabawasan nito ang tsansa ng tao na magkaroon ng sakit sa puso. Pinabubuti rin nito ang ating cholesterol levels.

 

            Ang pagkain ng dalawang itlog ay kukumpleto sa pangangailangan ng ating katawan sa isang araw. Dahil sa taglay nitong mahigit 50% na choline ng dalawang itlog, naibibigay nito ang mahahalagang nutrients, kapareho ng Bitamina A, D, at B12. Sa katunayan, ang isang itlog ay nagtataglay ng 8 gramo ng protina. At ang bawat tao ay nangangailangan ng protina, katumbas ng kaniyang timbang. Sa madaling salita, ang isang itlog ay hindi sapat para sa isang tao, sa isang araw, lalo na ang mga aktibo, gaya ng atleta.

 

            Ang dalawang saging sa almusal ay mainam.  Nagtataglay ito ng folate at Bitamina B6, na gumagawa ng serotonin. Ang serotonin ay nagpapabuti ng mood ng tao. Bilang resulta, naiiwasan natin ang pagkabalisa (anxiety). Nagtataglay rin ng soluble fiber ang saging, na nagpapababa ng cholesterol sa katawan. Kung mababa ang cholesterol, mababa rin ang tsansa ng pagbabara ng arteries— uri ng daluyan ng dugo.

 

            Ang kamote ay may kakayahang magpababa ng low-density lipoprotein (LDL) cholesterol level. Ito ay kilala bilang masamang kolesterol. Subalit, tandaan na ang isang kamote ay may 15% ng daily recommended fiber intake. Para sa mga kababaihan, kailangan ng 25 gramo ng fiber kada araw. At para sa mga kalalakihan, 38 gramo ng fiber ang kailangan kada araw.

 

            Mahalagang malaman na ang pag-inom ng isang tasa ng kape sa umaga. Unang-una, nagbibigay ito ng enerhiya. At ayon sa mga pag-aaral, ang kapeng nilahukan ng gatas o krema ay maaaring magprotekta sa tao laban sa mga chronic diseases. Halimbawa nito ay sakit sa puso, hypertension, diabetes, hika, sakit sa baga, o cancer.

          

            Nakapagpapahaba rin ng buhay ang pagkain ng isang serving ng spinach. Pinagaganda nito ang kalusugan ng ating puso. Tila minamasahe nito ang ating arteries. Binabalanse rin nito ang blood sugar at cholesterol levels ng ating katawan.

           

            Sa kabuuan, ang almusal ay mahalagang bahagi ng buhay ng tao. Tunay na makapagpapahaba ng buhay ang pagkonsumo ng mga nabanggit na pagkain at inumin.

 

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Pebrero 2025

 Pebrero 1, 2025 Past 8 na ako nagising. Wala na namang internet. Mabuti na lang nagkaroon din bandang 9:30, kasi kung hindi ay mahihirapan ...