Ate Helena: “O, Hilda,
bakit madilim ang mukha mo? Ano ang maitutulong ko sa `yo?”
Hilda: “Wala ito, Ate Helena.”
Ate Helena: “Naku, huwag ka
nang mahiya... Tungkol ba iyan sa paligsahan sa
pagguhit na sinalihan mo?”
Hilda: “Ate, kasi... Kasi
hindi magaling ang kamay ko kagaya ni Robert. Siya ang
itinanghal na panalo. ”
Ate Helena: “Alam mo, hindi naman mapait na lunukin ang pagkatalo
mo. Tanggapin
mo nang maluwag sa dibdib, at magsanay ka palagi para
sa susunod, ikaw na ang manalo.”
Hilda: “Isa pa,
ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig si Robert, kaya magaganda ang
kagamitang pangguhit at pampinta niya. ”
Ate Helena: “Naku, hindi
basehan iyon, Hilda. Ang kahusayan ng tao ay magmumula sa determinasyon niyang
matuto at lumago. Kaya, kung ako ikaw, ngingiti na ako at
magsasanay pa ako para lalo akong
gumaling. Naniniwala akong sa susunod na taon, ikaw na ang tatanghaling kampeon
sa larangan ng pagguhit sa inyong paaralan.”
Hilda: “Magdilang-anghel
ka sana, Ate Helena! Maraming salamat sa pagpapalakas ng loob ko. ”
No comments:
Post a Comment