Sa mga maagang pumapasok sa eskuwela o trabaho, importante
ang almusal. Kung kaya, inirerekomenda ng mga health practioners ang pagpili ng
tamang pagkain at inumin.
Dahil sa magkakaibang pamumuhay ng mga tao, nagbigay ang ilan
sa kanila ng listahan ng almusal na abot-kaya ng karamihan. Ayon sa kanila,
mainam na ito ang sundin dahil hindi lamang ito nagbibigay ng sapat na
nutrsiyon, kundi nag-iiwas pa sa mga sakit.
Ang oats, spinach, itlog, saging, kamote, at kape ang
pinakamainam na almusal, batay sa kanilang rekomendasyon. Subalit, may kalayaan
ang bawat indibidwal na kumain ng gusto niya o batay sa kaniyang
pangangailangan at kagustuhan.
Maaari din namang palitan ang oatmeal ng anomang pagkain na
may fiber, gaya ng tinapay na whole grain.
At ang saging ay puwedeng palitan ng ibang prutas, gaya ng avocado o
kung ano ang available o seasonal na prutas. Ang mahalaga ay makompleto ang mga
nutrisyon sa unang meal pa lamang upang magamit ang mga ito sa mga gawain at
trabaho.
Sa kabuuan, mahalaga ang pag-aalmusal, gayundin ang pagpili
ang pagkain at inumin dahil nagpapalusog at humahadlang sa mga sakit.
No comments:
Post a Comment