Followers

Tuesday, December 24, 2024

Gamot

 

Isang gabing maulan, inutusan siya ng mga magulang

Kahit kumikidlat siya’y bumili ng gamot sa tindahan.

Patungo sa malayong tindahan ay madilim na daanan

Wala siyang magawa, kundi suungin ang kadiliman.

 

 

Naiisip niyang baka makakita ng white lady at tikbalang,

Baka dagitin at kainin siya ng manananggal o asuwang

O baka makasalubong niya ang bruhang kinatatakutan

Pero hindi niya inisip na baka kidlat siya ay matamaan

 

 

Nanginginig ang puso at basang-basa man ang katawan,

Lumakad-takbo siya patungo sa sentro nang buong tapang

Utos ng kaniyang mga magulang ay makapangyarihan,

Kaya dapat niyang sundin, at ang takot niya’y dapat labanan.

 

 

Para siyang nagwagi sa marathon at medalya’y napanalunan

Nang marating ang tindahan, na muntik na siyang mapagsarhan.

Mabuti na lang kaniya pa ang naabutan at napakiusapan

Dahil sabi niya, gamot na bibilhin ay talagang-talagang kailangan.

 

 

Tagumpay ang pagbili, pero pag-uwi‘y isa na namang kaparusahan

Daga sa dibdib, bagaman nanahimik na, siya pa ay kinakabahan

Gamot sa palad ay kuyom-kuyom, makarating sana sa tahanan

Upang ang kapatid ay gumaling; at mga magulang, siya’y hangaan.

 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...