Narinig ni Tamtam ang kaniyang mga magulang na nagkukuwentuhan sa sala habang siya ay nagbabalik-aral para sa nalalapit na pagsusulit.
Ina: Hindi ako nagsisisi na ako ang naging kabiyak ng dibdib
mo. Kahit butas ang bulsa mo noong naniningalang-pugad ka sa akin, makapal
naman ang palad mo. Nagbabatak ka ng buto para sa iyong edukasyon at pamilya.
Ama: Langit at lupa ang agwat natin, saka amoy-pinipig ka
noon. Kaya nga hiyang-hiya ako sa ‘yo noong nagkasalubong tayo—galing ako noon
sa construction work.
Ina: Naku! Wala iyon! Hangang-hanga nga ako sa ‘yo kasi
naipagsasabay mo ang trabaho at edukasyon.
Ama: Talaga? Kahit para akong lantang gulay tuwing dadalaw
sa bahay ninyo, at mapurol ang ulo ko ay humanga ka sa akin?
Ina: Oo naman! Hindi ko tiningnan ang panlabas mong
kaanyuan. Mas nakita ko ang pagiging bukas-palad mo. Tumutulong ka noon sa
pamilya mo.
Ama: Sila kasi ang inspirasyon ko sa buhay. At dahil sa
kanila, nagtagumpay ako.
Ina: Tama! May malaking papel na ginagampanan ang ating
pamilya sa buhay natin. Kaya hindi rin naman tutol ang mga magulang ko noong
nag-isang dibdib tayo.
Abot-langit ang aking pasasalamat dahil mabubuti ang ilaw at
haligi ng aming tahanan. Nagmamahalan sila, at may respeto sa isa’t isa. Kay
sarap maging anak nila! Kaya itataga ko sa bato-- magsusunog ako ng kilay
hanggang sa makatapos.
No comments:
Post a Comment