Malapit na naman masayang piyesta.
Nagtayo na ng isang maliit na perya.
Nasasabik na ako sa mga rides nila,
Kaya binuksan ko na ang alkansiya.
Kumalat’ kumalansing ang mga barya
“Wow! Naipon ko ay kay rami na pala!
Makasasakay ako sa ‘Horror Train’ nila
At sa tsubibo, ako’y makasasakay pa.”
Pinagsama-sama ko ang magkakahalaga.
Mas marami ang tigpipiso kaysa tiglilima.
Aba! Kakaunti ang tigbebeynteng barya,
Ngunit ang tigsasampu’y gabundok na.
Nang binilang ko na ang lahat ng pera,
Kasiyaha’y naghalo, ngiti sa mga labi’y nawala
Hindi ko pala naabot ang inaasam na halaga.
Nais ko pa namang sa Color Game ay tumaya.
“Anak, sapat na ang ipon mo,” sabi ni Mama.
“Ang pag-iipon ay nakabubuti at siyang tama.
Ang mga laro sa perya, kahit pambata.”
Pinasalamatan at sinunod ko ang aking ina.
No comments:
Post a Comment