Siya ang pambansang bayani ng Pilipinas. Bukod sa husay sa
pagsusulat, siya ay may malawak na kaalaman tungkol sa iba’t ibang paksa. Tila
may kaban siya ng mga kaalaman, na nagagamit niya sa paglutas ng mga problema.
Ipininanganak si Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso
Realonda noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Palibhasa, lumaki siya
mula sa pamilyang may gintong kutsara sa bibig, kaya maringal ang kaniyang
edukasyon.
Nagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Ateneo Municipal de
Manila, kung saan nakakuha siya ng mataas na karangalan. Puno siya ng pangarap
para sa sarili at bayan, kaya nagpatuloy siya sa pag-aaral sa Europa. Doon niya
kung saan nakakuha siya ng mga degree sa Medisina at Pilosopiya. Lumawak din
ang kaniyang pananaw sa mga isyu sa Pilipinas dahil sa kaniyang mga na
karanasan sa ibayong dagat.
Sinulat niya ang nobelang "Noli Me Tangere" sa
Madrid, Spain mula 1884 hanggang 1887. Tungkol ito sa mga mapang-aping
mananakop at ang mga hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan sa ilalim ng
pamahalaang Espanyol. Ang nobelang "El Filibusterismo" ay sinulat
niya sa Ghent, Belgium mula 1891 hanggang 1892. Karugtong ito ng naunang
nobela. At tungkol naman ito sa mga ideya ng rebolusyon at pagbabago sa
lipunan.
Ang dalawang nobelang ito ay nagbigay-diin sa mga katiwalian
at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ito rin ay nagbigay ng inspirasyon sa
mga Pilipino na lumaban para sa kanilang mga karapatan laban sa mga buwayang
Kastila.
At dahil sa mga nobelang ito at kaniyang pakikipagbaka sa
panulat, inaresto at nahatulan siya ng kamatayan ng mga awtoridad ng Espanya.
Kaya noong ika-30 ng Disyembre, 1896, naganap ang pagbaril sa kaniya sa
Bagumbayan sa Maynila— Luneta na ngayon.
Ang pagpanaw sa mundo niya ang naging simbolo ng pakikibaka
para sa kalayaan at nagpasiklab ng damdaming makabayan sa mga Pilipino.
Hanggang sa kasalukuyan, si Jose Rizal ay itinuturing na isang bituin ng bayan.
Sa kasalukuyan, patuloy na nagiging inspirasyon sa salinlahi ang kaniyang mga
ideya at prinsipyo, lalo na sa mga ‘pag-asa ng bayan.’
No comments:
Post a Comment