Followers

Tuesday, December 24, 2024

Pilipinong Manunulat ng Taon (Liham)

 

                                                                                               Pluma, Tinta, at Wika

Guadalupe Nuevo,

Makati City

Nobyembre 2, 2025

 

 

515 Springtown Villas

Barangay Bucal,

Tanza, Cavite

 

G. Florentino Z. Galizea:

          

Isang mainit na pagbati!

 

Kabilang ka sa mga bibiyahe patungo sa Bohol sa Disyembre 2025!

 

Ang kuwentong pambata na inilahok mo at kabilang sa libo-libong lahok mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ay magiging bahagi sa ‘Gawad Parangal para sa mga Pilipinong Manunulat ng Taon,’ na gaganapin sa Oceanica Resort Panglao sa ika-13 ng Disyembre 2025, ganap na 4:00, na may temang ‘Boho.’

 

Bilang isa sa mga pararangalan, inaanyayahan ka rin naming dumalo sa iba’t ibang gawain mula Disyembre 10 hanggang 12, gaya ng reading exhibit, on-site storytelling sessions, meet-and-greet with the judges, book-signing events, book cover illustrations demo, at marami pang iba. Ang kumpirmasyon ng iyong pagdalo ay hanggang Nobyembre 7, 2025 lamang. Tumawag sa mga numerong ito: 09288844270 at 09606543132.

 

Nais naming matatamasa mo ang espesyal na pagkilala para sa natatangi mong tagumpay sa araw na ito. Hangad rin naming makasalamuha mo ang mga kapuwa-manunulat, na tatanggap din ng parangal.

 

Inaasahan namin ang iyong pagdalo. At sama-sama nating ipagdiwang ang iyong karangalan. Maraming salamat!

 

 

Lubos na sumasainyo,

G. Theodore Y. Alfonso

Pluma, Tinta, at Wika

Tagapangulo

 

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...