Si Sherman ay isang pastol ng mga tupa. Araw-araw niyang pinapastol ang
kaniyang siyamnapu't siyam na tupa.
Isang araw, napansin niyang nawawala ang isa sa mga tupa. Labis siyang
nalungkot. Ayaw niyang binabalewala ang pagkawala ng iisang tupa. Kahit marami
pa naman siyang tupa.
Pagkatapos ng masusing paghahanap, natagpuan ni Sherman ang tupa. Labis
ang galak niya
dahil sa pagbabalik
ng nawawalang tupa. Kaya nagdaos siya ng isang pagdiriwang bilang pagpapahalaga
sa bawat isa sa kaniyang kawan.
No comments:
Post a Comment