Followers

Monday, January 25, 2016

AmAnak: Laruan

Naglalaro ang anak sa kanilang kutson nang inabot ng antok ang ama.

Ama: Matulog muna tayo, Be. (Hinawi niya ang mga laruan at naipon sa isang tabi.)

Anak: (Nakasimangot) Naglalaro pa ako, e.

Ama: Mam'ya naman.

Anak: Mamaya ipapaligpit mo na naman agad ang mga laruan ko.

Ama: Hindi na. Kahit magdamag kang maglaro mamaya. Gusto mo? Sa labas ka nga lang maglalaro.

Anak: (Hindi sumagot. Nahiga na lang at nagtakip ng unan sa mukha.)

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...