"Galit ako sa mundo!"
ani ng isang problemado.
Nasaktan, kanyang puso.
Iniwan kasi ng kalaguyo.
"Masakit naman talaga ito,
lalo na't siya'y mahal mo.
Pero, ikaw lang ay inabuso
at iniwang nagdurugo."
''Wag kang magalit sa mundo,"
ang aking pang sabi at payo.
"Hindi ito ang nanakit sa iyo,
kundi isang masamang tao."
"Salamat, aking katoto!
Iyong tinuran ay siyang totoo.
Dapat magpasalamat pa ako,
pagkat kinakalinga niya ako."
"Oo, tama ka, kaibigan ko!
Ang mundo'y kakampi mo.
Mga luha mo'y dito tutulo.
Makikinig sa hinagpis mo."
Pagluha'y kanyang inihinto,
ngumiti sa akin at humayo.
Suliranin ay tila naglaho
pagkat kakampi niya'y mundo.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment