Followers
Friday, January 1, 2016
Ang Aking Journal --- Enero, 2016
Enero 1, 2016
Sinalubong namin kanina fang pagpasok ng bagong taon. Nanuod lang kami sa terrace ng fireworks na ginanap sa plaza ng Poblacion, Altavas. Kitang-kita naman since ilang block lang ang layo. Enjoyable din kahit paano. Para na rin akong nasa MOA, gaya noong 2014.
Natulog na kami pagkatapos. Hindi na kami nag-Media Noche although may handa naman. Hindi ako sanayy . Hindi rin yata sila sanay sa ganun. Tama na ang magkakasama kami pagpasok ng 12:00 MN.
Sinulit ko na ang bakasyon. Nagsulat ako maghapon. Natapos ko ang Chapter 1 ng nobela kong "Ang Babae sa Underground", na isasali ko sa WWBY. Kailangan ko pang matapos ang ikalawang chapter.
Ito na ang first naming New Year celebration together since nagkahiwalay kami. Thankful naman ako dahil buo na uli kami. Para ito kay Zillion. Gusto kong lumaki siyang magkakasama kami.
Nakasulat din ako ng dalawang dagli ngayong hapon. At ang pinakamahalaga, bilang resolution ko, naumpisahan ko ang "photo-journal" ko. Ito ay isang journal na may kasamang larawan. Ipo-post ko ito araw-araw sa aking Tumblr account. Bukod pa doon, itutuloy ko rin ang journal ko na nasimulan ko noon pang 2006. Isang dekada na pala akong nag-jojournal. Nice! Sana may forever nga.
Bukas, bibiyahe na kami ni Ion pabalik sa Pasay. RORO lang ang mode of transportation namin, through Dimple Star bus. Okay na iyon. Tipid. Matagal nga lang...
Enero 2, 2016
Inis na inis at inip na inip ako kanina sa paghihintay ng bus. Paano ba namang hindi, e tinext ako ng booking officer na malapit na ang bus kaya kailangang ko na raw pumunta sa waiting area. Kaya, pasado-7:30 ay andoon na kami ni Zillion, na ganoon din ang naramdaman.
Past 10:30, saka lamang kami nakabiyahe patungong Caticlan.
Isa pang nakakainip ang naganap nang nasa Caticlan port na kami. Hindi naman agad kami nakapasok. Sa dami ng pasahero, nahirapan makakuha ng ticket ang bus conductor para sa aming mga pasahero. Alas-6:30 na nakaalis ang barko patungong Roxas.
Okay na 'yun. Makakarating din naman kami. Ang mahalaga ay ligtas kami.
Enero 3, 2016
Alas-tres ng umaga, saka pa lamang lumarga ang barko na mula Calapan hanggang Batangas port. Sa tingin ko, mabagal ito kaya alas-otso na yata kami nakadaong. Sobrang masakit na ang puwit ko sa kakakalong kay Zillion.
Alas-onse na kami nakauwi sa boarding house. Wala na si Epr kaya okay lang na marami kaming kalat. Nasolo namin ang kaguluhan.
Imbes na magpahinga, naglaba pa ako ngayong araw. Tambak na kasi. Umalis kami, may labahan na. May dala pa kami. Ayoko namang ipa-laundry. Sayang ang pera.
Mahirap isiping Lunes na bukas pero kailangan nang pumasok.
Nag-aalala ako kay Emily. Gusto kong matagpuan na niya ang tamang karera niya para makatulong naman siya sa kanyang pamilya. Mahirap ang wala siyang pinagkakakitaan.
Enero 4, 2016
Bente-singko lang ang pupils na pumasok sa klase ko. Okay lang naman. Nakapagturo pa rin naman ako. Ang problema lang sa kanila, lahat sila ay nakalutang pa. Para silang zombie na wala nang mga utak. Biniro ko nga na naputukan sila kaya ganun..
Wala rin ako sa mood kanina. Pinilit ko lang talagang magturo. Parang hindi ko na gusto ang Math. Sana next school year ay masimulan ko uling maituro ang Filipino. O kaya, matutunan ko na lang mahalin ang bawat ibigay sa akin.
Tatay mode naman ako ngayon dahil wala na si Emily. Ayos lang naman. Nagawa ko nga ng ilang buwan, bakit ngayon ay hindi? Nakakapaglaba pa nga ako. Nakakapagsulat. Yun nga lang, hindi ko ma-update lahat ang mga stories ko sa wattpad. May napapabayaan talaga. Pero, desidido talaga akong mag-self-publish this year. It's my year. Kailangan kong magawa ito...
Enero 5, 2016
Dumami na ang estudyante ko. Wala na sa lima ang absent. Nakapagturo at nakapagpa-activity na ako nang maayos sa lahat ng section. Naenjoy naman nila ang paggawa ng bilog, pag-label sa mga parts nito, pagsukat sa radius at diameter, at sa pag-solve ng circumference.
Gusto kong maluha nang dumating si Christian Joseph Alba sa school ilang minuto matapos naming mag-chat. Siya ay umuwi na sa bahay nila pagkatapos maglayas noong Hunyo. Mabuti na lang hindi ko pa siya tinanggal sa listahan. Ayaw ko kasing mag-drop ng estudyante. Hangga't maaari ay pasado lahat, gaya ng ginawa ko kay Angelo Amor.
Dapat magha-hideout kami ngayon. Kaya lang, may dadaluhang party si Papang sa Fairview kaya hindi siya makakadalo. Ipinagliban ko na lang. Handa na sana ang pagkain namin. Spaghetti. Salad. Hamon.
Ang hamon ay kabibgay lang ng lola ni Kevin. Nakakatuwa. Mapagbigay pala sila. Naka-isang libo na kami ni Zillion noong Christmas party, tapos may grasya na naman. Not bad!
After class, nag-deposit ako ng P7k sa Now account ko sa PNB. Kailangan ko talagang gawin ito para makaipon ako ng pambayad sa house and lot.
Enero 6, 2016
Pagkatapos ng klase ay pumunta kami sa hideout para sa aming unang get together ngayong 2016. Nauna pa sa amin si Papang.
Habang ngahahanda ay nagkukuwentuhan kami tungkol uli sa mga feedback tungkol sa aming grupo. Nakakatuwang isipin na marami ang naiinggit at natutuwa. Kahit ganun, nalulungkot pa rin kami kasi hindi naman namin ito pinaiinggit sa kanila. Gusto lang naman namin na magsaya, magpawala ng stress at pagod sa pamamagitan ng tawanan, kuwentuhan at kainan.
Nga-level up ang food preparation namin. Nilagyan namin ng garnish ang mga pagkain. Ang ganda sa pictures. Nakakatuwa na ang simpleng pagkain ay nagiging bonggang kasiyahan.
Alas-8;30 na kami nakauwi sa boarding house. Plakda si Zillion. Nakatulog agad, pagkatapos magsipilyo. Nagbanlaw naman ako ng mga binabad, bago nakagawa ng visual aids.
Enero 7, 2016
Nainis ako kay Donya Choling. Dati naman ay nagsasalo-salo kami sa almusal pero kanina ay pina-scatter kami. May nakasilip daw. If I know, siya lang 'yun. Buwisit! Hindi nga ako, umalis agad. Nagpapa-activity kaya ako sa klase ko. Samatalang sila, nag-a-undertime pa para lang magkainan sa labas. Unfair!
Gumanti na naman tuloy si Makata O. Sana maramdaman nila, pati ang panlalamig ko sa kanila.
Nainis rin ako sa mga estudyante kong tamad gumawa ng assignment.
In-announce ko naman kahapon na hindi ko na naman papasukin ang mga walang takdang-aralin pero marami pa rin silang nakalimot.
Ang mga lalaking pinalayo ay tumambay at nagpasaway pa sa canteen. Sa halip na tapusin ang kanilang assignment, nagkulitan lang sila. Ang iba, naglibot pa.
Nang iharap sila sa akin ng sikyu, na-high blood akong lalo kaya pinasulat ko sila. Sabi ko sa kanila na sabihin nila sa sulat na hindi kami nagkita dahil hindi sila pumasok sa klase. Pauuwiin ko kasi sila. Ayaw kong masisi ako kapag napahamak sila.
Haay! Ang hirap maging guro. Ang hirap magdisiplina ng estudyante!
Mabuti na lang, lumipas ang maghapon ay wala namang masamang balita tungkol dito. Ibig sabihin, ligtas sila sa pag-uwi. Nakakatakot din kasi kahit Grade 5 na sila.
Pagkatapos ng klase, umuwi agad kami ni Zillion. Natulog kami. Ang sarap! Nakabawi na ako sa puyat.
Enero 8, 2016
Tahimik ako maghapon lalo na't sobra kalahati ng estudyante ko ang hindi nakapagpasa ng assignment. Sa labas sila maghapon. Pinapasok sila ng ibang teacher.
Mabuti na lang din at nagpa-summmative test lang ako. Kung may lesson ako, malamang ay hindi ko maituturo ng maayos.
Nag-diarrhea pa ako. Daawang beses akong dumumi sa school.
Ang matinding dahilan ng pananahimik ko ay ang ginawa sa amin ni Ate Gina kahapon. Na-disappoint sa ugali niya. Pibakitaan namin siya ng maganda tapos ganun lang. Ilalaglag niya kami.
Hindi nga ako nakisabay sa kanila sa lunch. Ayun, nagtanong siya kay Intruder. Bakit daw ako tahimik. Wala talagang isip. Nagtanong pa. Alam naman niya ang sagot.
Nakipagkuwentuhan ako kay Mam Bel bago kami umuwi ni Zillion. Two-forty na kami natapos.
Ayaw ko sanang bumiyahe pa-Antipolo dahil natatakot akong matae sa pantalon. Kaya lang naisip ko si Mama. Wala na siyang budget.
Umalis pa rin kami. Iniwan ko lang sa boarding house ang bacpack ko at binihisan lang si Zillion. Umalis agad kami.
Past 6 na kami dumating sa Bautista. Medyo trafdic na kasi dahil sa Pista ng Nazareno bukas. Mabuti na lang pala at umalis na kami agad.
Enero 9, 2016
Ang sarap talagang mahiga lang maghapon! Nakaka-recharge. Sulit ang stay ko dito.
Although, hindi naman ako natulog nang natulog, dahil nagsulat ako, nag-edit at nagbasa, naipahinga ko ang katawan ko, lalo na't may kalaro naman si Zillion. Nakatulog din siya sa hapon. Sabay kami.
Bukas ng umaga, baka bumiyahe na kami pabalik sa Pasay. Depende kung sisipagin ako. Kailangan ko pa kasing maglaba doon. Back to reality.
Hindi ko talaga kayang tapusin ang mga nobela ko sa ngayong panahon. Hindi ko na rin magagawa pang isali ang 'Ang Babae sa Underground' sa contest. Hindi ko pa ito nabubuo sa aking utak. Kulang na kulang pa sa detalye. Magiging ampaw lamang ito. Okay na ako sa pagsulat ng quotes, dagli, tula, sanaysay at iba pa na kayang-kayang tapusin sa mabilisang pagsusulat.
Nagkaroon kami nga conversation nina Sir Erwin at Mam Joan V through comment box. Ang quote kong ipinost ay naging daan upang maging mainit ang aming usapan na tumatalakay sa mga isyu sa Gotamco. Alam namin na magiging kontrobersyal na naman kami pero wala kaming pakialam dahil wala kaming binanggit na pangalan.
Nakakatuwa ang araw na ito...
Enero 10, 2016
Napuyat ako kagabi dahil sa sobrang lamig. Pagising-gising ako para kumutan si Zillion. Kaya, pagkatapos mag-almusal ay nagbabad uli ako sa higaan. Hindi naman akp nakatulog dahil sa ingay ng magpinsan. Hindi bale, nakapagsulat ako maghapon.
Nakapagsulat ako ng Balitang Hideout, Epiko ng mga Tanyag, at Ang Itik ni Boknoy. Mahina lang ang signal kaya tatlo lang ang naging akda ko ngayong araw.
Kinabahan ako dahil masama ang lagay ng ubo ni Zillion. Bago nga kami umalis sa Bautista ay sumuka pa siya ng plema. Grabe kasi ang pagod niya sa dalawang araw na bakasyon namin. Mahirap kapag may kalaro siya. Nagiging masyadong malikot at maingay.
Na-traffic pa kami sa Quiapo. Alas-9:30 na kami dumating sa boarding house. Pagod na ako. Hindi na ako nakapagbabad ng mga labahan.
Enero 11, 2016
Grabe! Napuyat ako kagabi sa magdamag na pag-ingit ni Zillion. Hindi siya nakatulog sa ubo niya. Wala naman akong nagawa, dahil sa sobrang pagod at antok ko. Hindi siguro umepekto ang gamot na ipinainom ko. Kaya, napalo't nakurot ko pa.
Naawa na lang ako pagkatapos. Bumangon na ako bandang alas-kuwatro para painumin siya ng milk at pakainin ng kahit biscuit. Isinuka lang niya. Okay lang at least nailabas ang ibang plema.
Pumasok pa rin kami pero siya ay nasa classroom ko lang. Natulog siya. Alas-onse y medya na siya nagising. Hindi nga lang kumain. Mataas pa rin ang balikat niya dahil sa hika.
After class, bumili kami ng nebulizer. Mabuti na lang ay may discount coupon si Mam Dang. Nakabawas kahit paano.
Pag-uwi namin ay hindi naman nagamit ang nebulizer dahil maluwag-luwag na ang dibdib niya. Hindi na bale. At least, naka-ready na ito sa susunod na pag-atake ng hika niya. Natuwa nga si Emily dahil nakabili na ako. Nalungkot din siya sa sinapit ng anak namin.
Gabi na siya nakabangon. Nanuod siya ng videos sa youtube. Kumain na rin ng oatmeal na nilagyan ko ng chocolate powder. Thanks, God! Makakatulog na kami mamaya pareho.
Nagmeeting kaming mga grade leaders kanina. Pinag-usapan ang birthday party ay swimming na ibibigay sa principal namin. Blatantly talaga akong nag-oppose. Ipinakita kong galit ako sa gawaing pagpapabango. Sana lang ang mga sinabi nila na katulad ng opinyon ko ay mapanindigan nila. Pare-pareho naming ayaw siyang sanayin na maging masaya gayong halos kamkamin niya ang pondo na para sa school. Kung birthday niya, siya ang magpakain.
Sabi ko nga, noong birthday ko, may nagyaya bang magswimming? Wala! Bakit siya lang? Siya lang ba ang may birthday?
Alam kong naging masama na naman ako. Pero, di bale, naipakita ko naman sa kanila na matalino ako. Hindi ako basta-basta nagpapadala sa kahungkagan ng iba.
Natawa rin ako sa reaksiyon ni Ate Gina. Panay ang tanong niya sa mga kasamahan ko kung anong problema ko. Common sense na lang. Kapag hindi ka kinikibo at pinapansin ng tao, malamang may kasalanan ka sa kanya.
Bukas, hindi pa rin ako kikibo at makikisalo sa kanila... hanggang kaya ko pa.
Enero 12, 2016
Pinapasok ko na si Zillion sa klase niya kahit mahina, matamlay at nakataas pa rin ang mga balikat. Napausukan ko siya kaninang umaga, kaya kampante akong giginhawa na ang paghinga niya.
Naging masigla ako sa pagturo ng 'Area of a Circle'. Nainis lang ako sa katamaran ng Section 3. Grabe, nanermon ako nang nanermon sa gitna ng discussion. Ang tindi ng pambabalewala nila sa pagkatuto. Kung ano-ano ang ginagawa nila. Halos karamihan ay ayaw makinig. Masakit sa puso at sa dibdib. Ayoko rin naman na hayaan na lang sila.
Pagkatapos ng klase, kumain kami ni Zillion sa favorite fast food chain niya. Natuwa ako nang nagpaorder siya ng spaghetti at French fries. Halos maubos niya pareho. Pagdating namin, naghanap pa ng kanin. Gutom na raw siya. Kaya, nagsaing na agad ako habang naglalaro siya. Natuwa ako't siya mismo ang nagsabing magaling na raw siya. Umubo nga lang, pagkatapos magsalita.
Enero 13, 2016
Alam kung galit ang iba sa akin dahil tinitira ko ang kanilang mga kalikuan sa pamamagitan ng mga tula, sanaysay at quotes ko pero hindi ako titigil sa aking ipinaglalabang pagbabago.
Alam ko rin na marami akong kakampi. Takot nga lang ang iba na ipaglaban ang karapatan nila. Kaya naman, lalong lumalakas ang loob ko. Isa pa, lagi akong nasa panig ng tama at katotohanan. Hindi lang naman ito para sa akin.
Hindi dahil sa mga isyu sa school na kinasasangkutan ko ang dahilan ng sakit ng ulo ko bandang hapon, kundi ang ilang gabing puyat.
Sobrang sakit. Parang binibiyak. Hindi tumalab ang kape. Pero nung kumain ako ng saging, medyo nabawasan ang sakit.
Napag-alaman ko na ang hangin sa electric fan pala ang sanhi ng sakit ng ulo ko. Naisip ko pa naman na kinukulam ako ng mga natatamaan ko. Hindi pala. Hindi pala tatalab sa akin ang mga itim na mahika dahil nasa panig ako ng Diyos.
Enero 14, 2016
Ang hirap maging solo father. Tambak lagi ang labahan. Nakakapagtaka lang dahil kahit dalawa lang kami, andami lagi naming labahan.
Hindi ko na kayang maglaba o magbabad ngayong gabi. Pagod na. Galing kami sa hideout. Nakipagkuwentuhan lang kina Plus One, Intruder at Donya Ineng. Andun din si Mumu.
Alas-3:30 pa lang ay nandun na kami ni Zillion . Gusto ko kasing makausap si Roselyn tungkol sa hugot niya sa FB. Nagkatampuhan lang pala si Rocky Road.
Ang hirap ding maging Makata O. Itinatama mo na ang mali ng mga kasamahan mo sa trabaho, ayaw nilang tanggapin at pahalagahan. Magagalit pa sa'yo. Hindi mo naman siya pinangalanan. Pinasaringan mo lang ng mga sariling quotes o sanaysay. Lalo na siguro kung i-mention pa sila. Juicecolored. Ayaw ng pagbabago. Tapos, magkokontra post din na akala mo ay may ipinaglalabang malupit. Wala naman. Papansin lang sa FB world. Masabi lang na galit siya. Ang totoo, wala naman siyang kredibilidad para magpost ng mga hugot na parang inapi siya.
Gayunpaman, tuloy pa rin ang laban ni Makata O. Hangga't may liko, buhay siya.
Gumaya naman ako sa bagong usong "Tularan si_______". Gumawa rin ako ng "Tularan si Jetvin". Para naman ito sa mga estudyante ko. Inspired ito ni Jet Kevin. Ang 'pinaka' kong pupil. Nawa'y magustuhan ng mga FB friends ko.
Enero 15, 2016
Kinausap ako ni Rocky Road kanina bago ako lumipat sa V-Mercury. Istorbo si Ate Gina. Mabuti na lang at halos patapos na kami. Nalinawan na kami. Nasabi niya rin halos sa akin lahat ang gusto niyang sabihin. Kaya nang matapos akong magturo sa Section 1, kinausap ko naman si Donya Ineng. Hinikayat ko siyang ipalabas sa post niya na okay na siya. Gusto ko kasing hindi madadawit o masisira ang samahan ng mga hideouters.
After lunch naman, nag-meeting kaming lahat na naroon, maliban kina Plus One at Donya Ineng, na ayaw namang makipag-usap pa kay Rocky Road. Lahat naming gusto na maayos ang lahat. Hindi lang bente pesos ang aming pagkakaibigan gaya ng pakahulugan ng nagtatampo naming kaibigan. Umaasa akong maaayos namin ang lahat sa lalong madaling panahon.
Dumating si Papang kanina sa school. May kinuhang number sa office. Parang gusto namin siyang maka-bonding pero umalis agad siya. Sayang hindi na niya natikman ang lugaw ni Plus One.
Kung wala lang sanang mga asungot doon kanina, nakapagkuwentuhan sana kaming magkakaibigan tungkol sa problemang aming kinakaharap. Di bale, may next time pa naman.
Alas-kuwatro ay nasa boarding house na kami ni Zillion. Umidlip kami. Bumangon ako bandang alas-sais. Si Zillion naman ay nagtuloy-tuloy ang tulog. Mabuti na lang at kumain siya sa Kinder room kanina.
Enero 16, 2016
Maaga nagising si Zillion dahil hindi siya naghapunan kagabi. Pinakain ko muna saka ako sumubok matulog uli. Paggising namin, masama ang kanyang pakiramdam. Masakit ang ulo niya at nilalagnat. Nag-worry na naman ako.
Maghapon siyang nakahiga. Paingit-ingit. Naawa ako. Hinilot-hilot ko man ang sintido, wala pa ring pagbabago ang sakit. Idagdag pa ang sakit ng tiyan niya. Hindi man siya umiiyak, ramdam ko ang sakit. Ang hula ko, dahil ito sa plema na hindi niya nailuluwa. Mabuti nga at naisuka niya kaninang hapon ang iba.
Medyo gumaan na ang pakiramdam niya nang lumabas kami para bumili ng ulam. Nakalakad naman siya. Hindi na raw siya nahihilo. Nakakain na rin siya ng hapunan.
Marami akong nagawa ngayong araw. Nagsulat. Ang-edit. Nagsulat ng grades sa card. Naglaba. At nag-ayos ng cabinet. Sana ma-maintain ko ang maayos na damitan.
Enero 17, 2016
Dapat nakipagkita ako sa mga kaklase ko noong college ngayong araw, kaya lang hindi pa okay ang health ni Ion. Nakakahiya naman. Kaya, sa Luneta Park na lang kami pumunta. Umiiwas lang kami sa matinding init sa boarding house.
Sa Japanese Garden kami nag-stay ni Zillion pagkatapos kong mag-lunch. Hindi siya kumain. Wala siyang gana. Inabutan kami doon ng alas-3. Nag-enjoy na kami, nakalanghap pa ng sariwang hangin.
Nag-grocery muna kami sa SW bago umuwi. Umidlip kami pagdating. Lunes na naman bukas. Kailangang ihanda ang sarili. Nangangamba lang ako sa kalagayan ni Zillion. Malambot pa rin ang poopoo niya. Ikatlong beses na niya ngayong araw. Isinuka pa ang kinain ngayong hapunan. Tinapay na nga lang. Masyadong maselan ang katawan. Grabe...
Enero 18, 2016
Pagkatapos ng klase, tumungo kami kina Ms. Kris. Dumating kasi si Papang. Nagyaya siya. Game naman ako, since marami kaming dapat pagkuwentuhan.
Habang naghihintay kina Mam Dang at Mam Anne, nagkuwentuhan na kami habang si Zillion ay nakikipaglaro sa mga pusa.
Isang masarap na kainan ang naganap. Nagpaorder kasi si Ms. Kris ng pansit canton at buttered chicken.
Isa ring masayang kuwentuhan ang naganap habang at pagkatapos kumain. Inabot kami ng 6:30. Okay lang kahit hindi dumating ang dalawa.
Andami naming napagkuwentuhan. Napag-usapan namin ang mga isyung kinasasangkutan namin. Dahil dito, magiging mas matatag kami sa pagharap sa mga ito. Patuloy kaming lalaban para sa katotohanan at tama.
Enero 19, 2016
Mainit ang ulo ni Ate Gina maghapon dahil hindi ko pa rin pinapansin. Mas lalo pa nga siyang nanggalaiti dahil na nakita niyang posts namin kagabi o dahil sa bonding naming 3some.
Oo, 3some. Si Ms. Kris na ang bagong member nito. Binuo namin ito kanina lang habang nagkukuwentuhan kami through FB chat. Lalong manggagalaiti ang mga hokage sa amin.
Natutuwa naman ako sa mga pangyayari sa araw na ito. Parang paranoid kasi ang mga nasa paligid namin.
Malungkot lang dahil hindi pa rin mabuti ang lagay ni Zillion. Tubig pa rin ang poopoo niya. Wala pa ring ganang kumain.
Gayunpaman, isang masayang salusalo ang naganap sa hideout kanina. Wala na naman si Papang, gayundin sina Mocha at Don Facade.
Pagkatapos ng kainan, pinag-usapan na namin ang tungkol sa upa ng hideout. Inabot kami ng 10 PM. Okay lang. Kahit paano ay may na-settle kami.
Nagsuka si Zillion doon. Nahiya tuloy ako. Biglang bumaba ang level ng kasiyahan ko habang nililinis ko ang suka niya. Gusto ko na tuloy magsisi kung bakit kinuha-kuha ko pa siya sa Aklan. Gayunpaman, paninindigan ko na ito hanggang March. Sana lang ay maging okay na siya bukas.
Enero 20, 2016
Nawindang ang school dahil sa bisita. Grade 2 and 3 lang naman ang sadya nila pero akala mo ay may paparating na bagyo kung mataranta ang mga nakakataas. Ako naman, naghanda rin. Nagtuturo naman talaga ako kahit walang bisita. Mas pinaghandaan ko lang. Nagawa ko pa ngang manermon sa Section One dahil mga pasaway at bastos sila.
Ang worst pa, mukhang nagsumbong pa sa nanay ang isang pupil. Apektado siguro at natamaan sa mga pasaring ko.
Okay lang. Totoo lang naman ang mga sinabi ko. Kaya kong panindigan lalo na't wala naman akong binanggit na pangalan. General ang pagkakatukoy ko. Masyado lang talagang reactive ang kampon nila. Palibhasa, guilty.
Kaya naman, pinasaringan ko uli sila sa "Tularan si Jetvin" ko. Sana lang, masaktan sila nang husto at tuluyang magbago. Para rin naman sa kanila iyon.
Umuwi agad kami ni Zillion after class. Umidlip ako. Nakatulog siya nang mahaba.
Alas-6, nakagawa ako ng summative test para bukas dahil himbing na himbing pa rin si Zillion. Kaninang 3 PM pa siya tulog.
Natutuwa ako dahil nakatulog siya, although hindi na naman siya makakapaghapunan. Ang mahalaga, naipahinga niya ang kanyang katawan at tiyan. Natigil na siguro ang pagtatae niya. Simula kaninang umaga, hindi na siya ulit pumu-poo. Thanks, God!
Sana bukas ay hindi na siya sumuka at pumupoo ng malabnaw. Bumalik na rin sana ang appetite niya. Nagwo-worry na kasi ako.
Enero 21, 2016
Nag-summative test lang ako sa Math. At gaya nang mga nakaraang araw, hindi ko pa rin kinikibo ang isa naming kasamahan. Naiinis na rin siya sa iba kong kasamahan dahil sa akin sila nakikisalo kapag tanghalian.
Nagpasaway na naman ang mga lalaki ko. Hindi gumawa ng essay dahil nagdaldalan muna. Sila ang mga suki ko. Naiwan sila. Hinintay ko sila hanggang 3:30. Isang oras rin akong naghintay, pero palpak pa rin ang mga gawa nila. Kung hindi lang kami pupunta sa HP ni Zillion, hihintayin ko sila kahit gabihin kami.
Mabuti na lang, hindi masyadong mainit ang ulo ko. Natutuwa kasi ako sa paggaling ng anak ko. Maliksi na naman siya. Hindi na siya pumupoo ngayong araw ng mala-tubig.
Kaya, trineat ko siya sa paborito niyang food chain para makakain ng gusto niya. Kanin, fried chicken, at fries ang gusto niya, kaya iyon ang inorder ko. Hindi man niya naubos ang manok at fries, natuwa na ako sa pagbalik ng appetite niya.
Sana tuloy-tuloy na. Ayoko nang magkasakit pa siya.
Pagdating sa boarding house, natulog na siya. Kahit bukas na siya bumangon, sapat na ang nakain niya para sa magdamag.
Thanks, God!
Enero 22, 2016
Habang nagkakape ako bandang alas-5:30 ng hapon, na-realize ko na ngayong araw ay napakainit ng ulo ko. Maraming dahilan kung bakit. Siyempre, dahil ito sa mga estudyante ko. Paano na ba namang hindi, e, sobra ang katamaran at kahinaan ng utak nila. Imagine, halos wala pa sa kalahati ang pumasok sa akin dahil sila lang ang may gawa kahapon. Ang mga walang maipapasa, hindi ko pinapasok. Hindi pa raw sila tapos. Nagpalibot-libot pa sila. Gaya ng dati na ginagawa nila, natutuwa pa silang hindi ko sila pinapasok. Inihatid ko ang iba palabas ng gate. Ang iba ay naiwan. Pumunta kay Mam Leah, dahil andun si Kevin. Haay! Sakit sa dibdib ng mga ugali. Ginawa ko na ang lahat. Kulang pa rin.
Ang mga naiwan sa classroom, inisa-isa kong pasagutin ng Math problem, habang tsinetsekan namin ang summative test kahapon. Diyusme! Nalaman kong ang hihina pala talaga ng iba. Hilong-talilong. Hindi alam ang gagawin sa mga formula. Wala! Wala akong nakitang improvement. Lalo yata silang nabobo. Hindi pala lahat ay natuto. Nagkulang ako...
Nang lumipat ako sa Section 1, na-highblood din ako. Isa din sila sa mga may mahihinang kukote. Nakaka-disappoint talaga. Ultimo ang top 1 kuno ng klase, palpak din. No wonder...
Ang Section 3 naman, kailangan ko pang magalit uli para makinig sila sa discussion ko.
Nagwala pa ang advisory class ko dahil iniwan ng subject teacher. Tinalo pa sila ng mongoloid. Grabe...
Ang hirap talagang maging guro. At ang mas mahirap pa, ako pa ang nasisi o madalas masisi pagdating ng mga estudyante sa Grade 6. Ako pa ang nagkulang.
Tsk tsk. Ang sarap magwala!
Enero 23, 2016
May make-up class kami. Binabayaran namin ang class suspensions noong APEC.
Gaya ng dati, hindi naman nangalahati ang estudyante ko. Sixteen lang silang pumasok. Hindi ko nga rin pinapasok si Zillion. Pinag-stay ko lang sa Grade V.
Ang mga pupils kong pumasok, pinasulat ko ng tulang may sukat at tugma. Nahirapan sila pero ayos lang. At least, nairaos ko ang isang araw na walang lesson. Natuto rin sila kahit paano.
Alas-kuwatro na kami nakauwi ni Zillion. Kaya pagkatapos kung magpahinga, saka lang ako nakapagkape at nakapagmeryenda. Sinubukan kong kumain ng marami kahit may bumabagabag sa isip ko-- lalaban ba ako o tatahimik na lang.
Nasagot ito nang mag-chat kami ni Papang. He advised me to be civil.
Naging makabuluhan ang aming conversation dahil inalala namin kung paano niya ako tinuruang maging open-eyed sa mga totoong tao at kung paano ako natuto sa kanya.
Nakipagbiruan na rin ako sa kanya after ma-realize kong tama nga na maging civil na lang ako sa mga detractors para ma-pacify ang gusot.
Enero 24, 2016
Hindi naman kami nakagising nang late. Seven-thirty lang ay gising na kami. Ang sarap sanang magbabad sa higaan, kaso kailangan naming bumangon agad. Nagbabad ako. Sumulat ng isang kuwento. Nagpagupit kami ni Zillion sa parlor.
Gusto ko sanang magsulat nang magsulat ng inspirational literary pieces kaso inabot ako ng antok pagkakain. Pinatulog ko si Ion para walang istorbo. Alas-3:30 na kami nagising. Maya-maya, pumunta kami sa HP. Nagbayad ng bill, bumili ng gift para kay Camila. (Nag-request kasi siya na regaluhan ko siya sa birthday niya.) Nag-grocery.
Dahil Lunes na naman bukas, kinailangan ko na namang maghanda ng lesson at visual aid sa Math V. Although, tapos na ang topic na ito, uulitin ko na lang para lang may maituro ako. It's a big sin kasi sa guro kapag hindi nagturo. Isa pa, hindi rin talaga ako sanay na hindi nagtuturo.
Bukas, susubukan kong maging cool. Gusto ko rin namang maging maluwag ang aking kalooban. Walang nagagalit. Walang kinaiinisan. Walang kinaiilagan. Walang umiilag. Sana, magawa kong tanggapin na ganun na ang mga ugali nila. Pipilitin kong pumikit sa masasama nilang pag-uugali at gawain.
Enero 25, 2016
Nagpasulat ako ng balita, tula at sanaysay sa advisory class ko upang matapos ko na ang diyaryo namin. Gusto ko na itong ilabas pagkatapos ng 3rd periodic test. Ginawa koi tong paningit sa mga bakanteng oras, lalo na't wala na halos palitan ng turo.
Grabe pa rin ang isyu sa school na kinakasangkutan ko. Hindi ko naman talaga puwedeng balewalain at kalimutan lalo na't hindi naman talaga kaaya-aya ang mga ginagawa nila. Nakakawala ng ulirat! Ang sarap magwala. Mabuti na lang may natitira pa ring respeto sa katawan ko. Ipinapasalangit ko na lang ang mga ugali nila. Pasasaan ba't matitikman nia ang kanilang premyo.
Nang umuwi kami ni Zillion bandang alas-3:30, nasa boarding house na si Epr. Hindi naman na ako nagulat dahil nag-chat siya sa akin kanina. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita at nagkasama dahil sa presensiya noon ni Emily.
Enero 26, 2016
Sa pilahan pa lang, bago mag-flag ceremony, hinanapan ko na ng assignment ang mga pupils ko. Andaming walang gawa. Hindi ko na sila pinaakyat. Ang iba ay gumawa bago umakyat. Ang karamihan, lalo na ang mga pasaway at tamad na lalaki at nagpagala-gala lang sa campus. Inakyat pa ako ng sikyu para magsumbong na ang isa ay umakyat sa bakod para makauwi na. Ang sabi ko sa kanya, payagan na niyang lumabas. Kesa mapahamak pa. Wala naman kaming pananagutan dahil inaabsenan ko naman sila. Ang kaso, may mga hindi nakalabas agad. Kaya, ipinakisuyo sila ng guard sa Section 1, kung saan ay tinanggap sila.
Patuloy ko itong gagawin hangga't magbago sila.
Ngayon ang celebration ng principal namin. Shortened ang klase. Past 11:30 ay pinauwi na ang mga estudyante para daw sa meeting. Eating lang pala nila. Oo, nila lang. Hindi ako nagpakaplastik. Alam nilang masama ang loob ko. Saka, hindi ko rin naman maaatim na kumain ng handa nila. Ang gusto ko ay pagbabago para sa kabutihan ng lahat, hindi nga iilan.
Alas-dos, pagkatapos kong mag-stay sa classroom ko, umuwi na kami ni Zillion. Undertime ako ng 20 minutes. Okay lang.
Sumigaw pa ng 'ba-bye' si Ganda sa akin. Alam kong iniinis lang ako. Hindi ako nainis. Baka kung kinawayan ko siya, siya pa ang nainis.
Enero 27, 2016
Nagturo ako nang nagturo sa klase ko. Wala kasing palitan, except nung pumasok si Mam Anne sa klase bandang ala-una y medya.
Si Mam Sha ang unang nagkuwento sa akin na hinanap daw ako kahapon sa party ng mga plastik. Napansin pa pala ako. Hindi naman ako nagpapansin dahil hindi na nga ako dumalo. Tsk tsk! Iba talaga ang tama nila...
Umuwi kami si Zillion nang maaga. Natutuwa ako sa kanya dahil ang sigla niya. Hiyang sa kanya ang Vidaylin. Magana rin siyang kumain. Mabagal nga lang.
Gabi. Nagchat kami ni Emily. Gusto niyang doon kami sa Aklan mag-Holy Week. Isiningit na rin niya ang kagustuhan kong tumira doon at mapalipat ng school. Hindi ako nag-commit. Hindi pa ako handa.
Enero 28, 2016
First day of 3rd Periodic Test. Hindi naman agad nakapagsimula. Alas-9:30 na kasi dumating ang answer sheet. Tapos EPP at Math lang ang questionnaires.
Nakapagpasulat pa ako ng tula bago nasimulan ang test paper. At dahil one set lang ang bawat test, Math lang ang na-exam mg V-Mars. Ang haba pa ng hinintay namin. Alas-12:30 pa ang uwian. Kaya naman, nagpasulat pa ako ng kuwento, sanaysay, balita, at akrostik sa mga maiingay. Nakasulat naman sila. Marami na naman akong babasahin at pagpipilian para sa aming diyaryo.
Ala-1:30, um-exit na kami ni Zillion sa school. Maaga pang mag-out pero kailangang makalabas na kami dahil ihahatid ko siya sa Antipolo. Bukas kasi ay manunuod kami ni Mam Mia ng concert sa MOA Grounds. Masyado pa siyang bata para isama-sama sa ganung activity, although gusto ko na siyang i-expose sa music at banda. Next time na lang.
Nakarating kami sa Bautista ng bandang alas-4 ng hapon. Nagulat si Mama sa pagdating namin. Huwebes pa lang daw.
Enero 29, 2016
Second day of 3rd Periodic Test. Hindi naman agad kami nakapagsimulang mag-test dahil nagkaroon muna ng Early Registration Parade. Pasado alas-8 na kami nakapagsimula. Pero ayos lang dahil napatahimik ko sila gaya kahapon. Ipinalista ko ang maingay para sumulat ng tula at sanaysay ukol sa parada. Hayahay ako.
Nakipag-meeting muna ako sa mga kasama kong GPTA officers bago ako umuwi sa boarding house para umidlip. Hindi naman yata ako nakaidlip dahil nag-PM na si Mia. Hinahanap na ako.
Mga past 5, nasa MOA na kami para sa Fusion '16. Ito ay ikalawang Philippine Music Festival. Pangalawang beses na rin naming dadalo.
Magse-seven na kami nakapasok sa venue dahil kumain muna kami at naghintay sa field study teacher niya dati na siyang bibilhan namin ng murang ticket. Nang makapasok kami, nagsimula ang saya. Na-enjoy namin ang halos lahat na performances ng mga banda at artists. Umulan man ng hindi kalakasan ay hindi kami nagpatinag. Pinakaabangan rin namin ang pagtugtog ng Parokya ni Edgar. Tinapos namin ang event. Sulit na sulit. Great experience.
Alas-3:30 na ako nakauwi sa boarding house. Balak ko sanang dumiretso sa Antipolo. Natakot lang akong bumiyahe, lalo na't antok na antok na ako.
Enero 30, 2016
Pasado alas-7 ng umaga, umalis ako sa boarding house, kahit aandap-andap pa ang mga mata ko. Dahil sa sobrang antok, nakalimutan ko ang pera ko. Naalala ko nang nasa Gate 2 na ako. Gusto ko sanang bumili ng ulam. Mabuti na lang at may pera sa coin purse ko at nabigyan ko na si Mama noong Huwebes pa, kung hindi wala kaming pambili ng pagkain.
Natulog ako pagdating ko. Nang dumating si Flor Rhina, siya ang namalengke. Nakabawi ako sa puyat.
Paggising ko'y sumulat ako ng dagli-- isang nakaka-inspire na dagli.
Enero 31, 2016
Maaga akong nakadilat dahil sa sobrang lamig, gayundin si Zillion, na inubo-ubo naman. Hindi na kami parehong nakatulog. Pinabangon ko na siya. Ako naman ay nagbabad pa sa higaan ng ilang sandali.
Natuluyan na ang ubo ni Ion, lalo na't nagkalaro sila ni Rhylle. Pinatigil ko na sila at hinayaan na lang maglaro sa tablet. Panay pa rin ang ubo, hanggang gabi.
Sumuka pa siya, ilang minuto bago kami umalis. Gumanda nang kaunti ang pakiramdam niya habang nasa biyahe kami.
Kainis! Naabutan pa kami ng traffic sa may Mabini. Naglakad pa nga kami, mula Harrison hanggang sa Fortuna St. Grabeng traffic ang dinulot ng Sto. Nino. Alas-10:15 na kami nakauwi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment